Chapter 6

40 1 0
                                    

MIA'S

HUE x Mia

Paulit-ulit kong binabaliktad yung picture naming dalawa ni Hue.
Kung pano kami nagkakilala, hindi ko maalala.

Mukhang akong ewan sa litrato naming magkasama. Si Hue ay napaka-lawak ng ngiti habang ako naman ay gulat at parang hindi alam ang gagawin habang nakatingin sa kaniya.
Sa sobrang tangkad, hanggang balikat lang ako sa kaniya.

Mukha naman siyang mabait at oo, cute siya.
(・–・;)ゞ

Gaya ng bilin ni Hue, bago matulog ay sinave ko sa contacts ko yung number niya. Papatayin ko na sana yung phone ko nang bigla akong napa-isip kung pano naman ang number ko? Hindi ko naman yun binigay sa kaniya eh.
Kaya naman, kabado kong tinawagan ang number niya.

Matapos ang tatlong ring ay may sumagot na din ng linya.

"Hello?" kung hindi ako nagkakamali, boses niya yun.

"A-Ako 'to si Mia...s-save mo ang number ko."  yun lang at agad ko ding pinutol ang tawag.

Wala sa oras kong nasapo ang dibdib ko.

Hindi ko alam kung bakit.... Sa simpleng tawag na yun ay sobra agad ang kabang naramdaman ko.

Hayss.

Sana... Sana bukas maalala ko siya agad.

NEXT Day.

Pagdating sa parking lot ng kotse ay agad na akong bumaba. Matapos ng isang beses kong pagko-commute, hindi na ulit ako pinayagan nina Papa na ulitin pa yun.
Hindi ko alam kung pano ni nalaman ang ginawa ko.

Hanggang ngayon din ay hindi pa nila alam na alam ko na ang ginawa nila. Ang special treatment na natatanggap ko sa professors ko, wala akong masyadong ginagawa dahil excepted ako sa bawat groupworks at tanging individual works lang ang binibigay saken.

Ayokong banggitin pa yun kina Papa, at sa tingin ko naman ay para din sa kapakanan ko ang ginagawa nila. Yun nga lang, sigurado akong napapansin na yun ng mga kaklase ko.

Bakit ba ako nag-aalala?
Eh ano man ang mangyari ngayon ay hindi ko na maalala bukas. Unless, isulat ko yun kay Mimo para matandaan ko ulit sa susunod na araw.

Bigla akong nahinto nang  marinig ang boses na tumawag sa pangalan ko. Pagkalingon ko ay isang matangkad na lalake ang tumatakbo palapit saken.  Mas maaliwalas pa sa araw ang mukha nito, siguro dahil iyon sa napakalawak na ngiti sa labi niya.

"Kamusta? Natatandaan mo ako?" hingal pero nakangiti pa nitong tanong saken.

"Uhm...m-magkakilala ba tayo?" sa salita kong yun ay kaagad ding nawala ang ngiti sa mukha niya at para bang nadidismaya pa.

Hindi ko tuloy napigilan ang sariling matawa sa reaksyon niya.

"Hahaha, biro lang. Natatandaan kita...Matangkad, brown ang buhok—"

"Cute at gwapo." pagtutuloy niya sa sinasabi ko sabay ngisi.

"Grabe, akala ko ipapakilala ko na naman ang sarili ko sayo eh," aniya sabay mahinang tulak sa balikat ko. Hindi ko inaasahang gagawin niya yun, at maski siya mukhang nagulat din.

"A-Ay sorry hahahaha... Natutuwa lang ako at natatandaan mo ako ngayon." Dagdag pa nito.

Maski ko, natutuwa din at naalala ko agad ang mukha niya kanina.

Nag-uusap kami ni Hue habang naglalakad papunta sa building ng freshmen. Pero hindi iyon ganon kahaba dahil nasa bungad lang ng parking lot ng building namin habang ang sa kanila naman ay malapit sa cafeteria.

I Remember Hue (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon