HUE's
"ANO?! May gana ka pang kumain pagkatapos nung mga nakakamatay na rides na yun?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa babaeng muntik lang namang pumatay saken ng mas maaga.
(ಠ_ಠ)☞
Grabe! hindi talaga ako makapaniwalang makakaya niya pang kumain matapos ng mga sinakyan namin na makalaglag atay?!
Hayss! Bakit ba naman kase ako nagpa-uto sa kaniya eh!
"Ano ka ba? Breakfast pa ang huli nating kain, anong oras na ngayon? Hapon na! Kumukulo na ang tiyan ko!" Pagrereklamo pa nito. Mukhang totoo nga na nagiging halimaw ang babae kapag gutom sila, kulang na lang sakmalin ako ng matatalas niyang tingin eh.
(─.─||)
Gaya kanina ay wala akong nagawa kundi ang sundin ang gusto ni Mia. Nagtungo kami sa may loob ng mall na katabi lang nung amusement park, saka naghanap ng fast food na makakainan.
Tingin ko ay nawala talaga lahat ng internal organs ko at nagkalat sa buong amusement park dahil kahit anong tingin ko sa mga pagkain ay wala akong gana.
Pero kahit papano ay nag-enjoy ako kahit na sobra akong natakot talaga!
Matapos um-order ay humanap na agad kami ng bakanteng upuan, sakto na meron sa tabi ng bintana.
Muling dumako ang mata ko kay Mia. Halos punong-puno ang bibig niya, ngayon pa lang ako nakakita ng babaeng parang sundalo kung kumain sa bilis. San niya kaya ilalagay lahat ng kinakain niya?
Dahil wala talaga akong gana ay binigay ko na lang din sa kaniya yung pagkain ko.
"Sure ka? Hindi ka ba gutom?" Tsk, nagtanong pa. Kung alam ko lang na mawawala ang intestine ko bigla sana pala dinamihan ko na kain ko sa kanila kanina. Para akong nangangasim na ewan eh.
(-_-;)・・・
"Makita ka lang na kumakain, busog na ako." Sarkastiko kong tugon. Tinawanan niya lang ako saka muling nagtuloy sa pagkain.
Mataas pa ang araw sa labas at marami pa kaming oras para magkasama ni Mia... Gusto kong lubusin ang araw na 'to kahit papano.
"Hue?" Mabilis akong napalingon sa may gilid ko nang marinig na may tumuwag saken. Si Ryan.
"Bro! Anong ginagawa mo dito?... Oh! Girlfriend mo?" Sunod-sunod nitong tanong.
Napatigil naman sa pagkain si Mia saka nagtatakang nagpalipat-lipat ng tingin samen ni Ryan. Sa memoryang meron siya, siguro ay hindi niya natatandaan ang mukha ni Ryan. Captain ng basketball team ng school si Ryan, halos kahit saan ako magpunta nakikita ko ang mukha niyang pagala-gala sa campus.
"Ah hindi, friend ko, si Mia. Mi, si Ryan." Pakilala ko sa kanila sa isa't-isa.
"Ah, hello sayo." Tipid na bati ni Mia saka nakipag-kamay kay Ryan.
At dahil romantikong babaero si Ryan, "Oh, hello din." Tinanggap nito ang kamay ni Mia saka iyon hinalikan.
Kadiri."Babe, tara na?" Siya namang kapit ng babae sa braso ni nito.
Kita ko agad sa mukha ni Mia ang pinaghalong pagtataka at pagkagulat."Ah sige, alis na kami. Mia, Hue enjoy sa date niyo!" Paalam nito samen saka umalis na.
"Ano yun? ... ang romantic niya para sa taong may girlfriend. " sarkastiko pang sabi ni Mia habang nakatanaw sa direksyong tinahak nina Ryan.
"Ganon talaga kapag babaero. " Komento ko sabay dakot sa may fries.
"Grabe... Baka naman ganon ka din? Magkaibigan kayo diba?"
Aish! Ang judgmental naman!

BINABASA MO ANG
I Remember Hue (Completed)
RomantizmWhat if your brain lose its ability to store memories? Mia had to live her life with constant memory loss, and the only thing she could remember were her memories before the accident. In her first day of school as a freshman, she met Hue, a second...