MIA's
IT'S a new day and also my first day as a university freshman student
I'm Mia Reigh Zion, I'm18, hindi ako masyadong katangkaran pero hindi rin naman masyadong maliit.
Matapos mag-bihis at mag-ayos-ayos ng konti ay nagtungo na ako sa aming dining hall. Malaki ang bahay naman, mayaman kase ang pamilyang pinanggalingan ko. Doctor si papa at ganon din ang kuya ko, pero kalimitan ay nagpupunta sila sa ibang lugar para manggamot . Si mama naman ay siyang nagma-manage ng hotel businesses ng pamilya niya...minsan naman, housewife siya, pero dahil sa aksidenteng nangyare saken madalas na siyang lumalagi sa bahay.
Dahil kase sa aksidente last year, naging mahirap na ang buhay para saken. Last year nag-bakasyon kami sa ski-resort sa Aspen, at sa kasamaang palad naaksidente ako habang nagi-ski. Ilang beses na nauntog ang ulo ko at dahil dun para na akong computer na kusang binubura ang mga bagong files na nadadagdag sa memory ko.
"Mi, honey! Good morning...bagay sayo ang uniform mo." Agad na puri saken ni mama sabay halik sa noo ko.
Agad akong naupo sa upuan sa tabi ni kuya, palagi siyang busy kaya maski pagkain nagmamadali siya.
"Ano? Excited ka ba sa first day mo hija?" Si papa, pilit agad akong ngumit, sinusubukang itago ang kaba na nararamdaman ko.
"Opo, s-syempre naman Pa." Sabi ko pa.
Habang kumakain kami ay mas lalo pa ata akong kinabahan.
Wag na lang kaya akong tumuloy? Sabi ko pa sa isip ko.
:-(
Sa kalagayan ko ngayon, mabilis ko lang makakalimutan ang lahat ng mga bagay. Pero...kung mananatili naman ako dito sa bahay wala ding mangyayare saken.
Isa lang kase ang malinaw saken ngayon, hindi na gaya ng dati ang lahat. Siguro nga, mas mahirap pa.
Instead na magpahatid sa driver namin ay napili kong i-try naman ulit na mag-commute. Hindi ko sinabi kina mama ang plano kong yun, alam kong hindi sila papayag kaya binilinan ko agad ang driver namin na isekreto iyon. Dati-rati ko nang ginagawa 'to natigil nga lang nang maaksidente ako. Pero ngayon, desidido akong subukan.
(• ▽ •;)
"Mr. John, abangan niyo na lang po ako sa loob mg school." Bilin ko sa driver namin bago ko tahakin ang malawak naming bakuran, palabas ng gate.
Nang makarating sa sakayan ay kaagad akong may napara na Van na dadaan sa mismong school ko. Wala nang space sa likod at sa harap kaya no choice ako kundi ang buksan ang napaka-bigat na pinto sa gitna, pagkabukas sa pinto ng Van ay kaagad na bumaba ang isang matandang lalake para bigyan ako ng daan papasok. Agad akong ngumiti bilang thank you.
( ╹▽╹ )
May naka-upo na lalaki sa tabi ng bintana, samantalang yung katabi naman niya na babae ay umurong palapit saken para bigyan ako ng space sa gitna nilang dalawa.
Siguro sa malapit lang siya bababa, isip-isip ko.
Pagka-akyat ko ay hindi sinasadyang napatid ng paa nung babae yung paa ko, dahilan para muntik na akong masubsob sa lalakeng naka-upo sa tabi ng bintana. Halos dalawang sintemetro na lang siguro ang layo ng mga mukha namin. Mabuti na lang talaga at naihawak ko agad sa may bintana ang kamay at napigilan ang tuluyan kong pagbagsak sa lalake!
(・o・;)
Nangungunot naman ang noo nito habang masamang-masama ang mga matang nakatitig saken. Sa kahihiyan at kaba ay napalunok ako ng wala sa oras.
⊙﹏⊙
"S-Sorry." Sabi ko dito saka mabilis na umupo ng maayos sa tabi niya.
"Hindi kase nag-iingat." Dinig ko pang bulong nito. Napabuntong-hininga na lang ako.
Matapos mag-bayad sa driver ay agad akong naglagay sa tenga ko ng earphone at nakinig ng music, para naman kumalma kahit papano ang kanina pang kabado kong dibdib.
Kinuha ko sa loob ng shoulder bag na dala ko ang litrato ng lugar kung saan ako bababa mamaya, mahirap na at baka makalimutan ko kung bakit ako nasa loob ng Van at the first place.
Hindi naman talaga ako madalas na makalimot agad-agad, usually nangyayare ang ganito kapag nawawala sa focus ko ang dapat kong gagawin. Kapag nalilingat kahit saglit ang utak ko, pero naalala ko naman yun agad. Ang mahirap lang ay kapag nagigising na ako sa umaga, lahat kase ng nangyare sa nakaraang araw ay talagang limot ko na.
Kaya naman palagi akong may dalang notebook sa bag ko at camera na din. Doon ko sinusulat lahat ng mga importanteng bagay na nangyare saken, at yung camera naman ay para maski yung ibang bagay na hindi ko naisulat ay matandaan ko agad.
Pero may mga araw na hindi ganoon kadali ang pag-alala, yung kahit anong basa ko sa notes na nasa notebook ko at pagtingin sa mga litrato, wala talaga. Minsan naman kailangan ng matinding focus at mariing pagpikit ng mata para lang matandaan ko ang mga nangyare.
"Paabot ng bayad!" Nabalik ako sa reyalidad sa malakas na boses na yun na nanggaling sa may likod ko. Kaagad kong ini-abot yung bayad nito sa driver.
"Bayad daw po." Sabi ko sa driver saka muling sumandal ng upo.
Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong napalingon sa lalake sa may gilid ko. Nakapikit ito at nakakunot parin ang noo. May itsura siya, kaso ang masungit ang dating ng aura niya saken, at...nakakatakot din.
(˘・_・˘)
Nang bahagyang gumalaw ang eyeballs nito ay kaagad akong nag-iwas ng tingin at itinuon na lang ang atensyon sa litratong hawak ko.
Naramdaman ba niyang nakatingin ako?
Hindi ako pamilyar sa bagong school ko kaya dapat maging alerto ako at baka lumagpas na ako. Anyways, hindi pa naman sinasabi ng driver kung andun na ba ako o wala pa.
Eh pano kung nakalimutan niyang sabihan ka? Ganun pa naman madalas ang mga driver.
"Tsk, hindi yun." Kumbinsi ko sa sarili ko.
Mukhang nalakasan ko ang pgkakasabi nun, dahilan para lingunin ako ng katabi kong babae at...pati na din yung masungit na lalake.
Ang sama na nga ng tingin niya, naniningkit pa ang mga mata.
(ー_ー゛)
Tsk! Ano bang problema niya? Kalalaking tao pero ang sungit...kala mo naman nasaktan ko siya kanina eh muntik ko lang naman... Muntik ko lang naman siyang mahalikan.
Pero tama bang mag-sungit siya ng ganito?
Aish! Pano kung masamang pangitain pala ang mukha niya?
Lord, wag naman sana.Note:
Vote if you enjoy reading! Blessed your day!
![](https://img.wattpad.com/cover/235223446-288-k651092.jpg)
BINABASA MO ANG
I Remember Hue (Completed)
RomanceWhat if your brain lose its ability to store memories? Mia had to live her life with constant memory loss, and the only thing she could remember were her memories before the accident. In her first day of school as a freshman, she met Hue, a second...