MIA's
IF only I knew how little time we had.
The night after the tree lighting was also Hue's last night with us. Four o'clock of December 7th, Hue's monitor went flat line, dalawang oras lang matapos naming bumalik sa kwarto niya para makapag-pahinga na siya.
I immediately called the doctor, tito and tito were both holding each other while I'm just standing at the end of Hue's bed. I watched the doctors brought him back, but he never did.
I don't know what to feel, hours ago we're just gazing at the night sky and now... He's gone, My Hue is gone.
I don't know how long I've been crying, hindi ko rin napapansin ang mga taong kumakausap saken, maski sina mom, naririnig ko sila pero hindi ko naiintindihan ang sinasabi nila.
Nang mapagod na ang mga mata ko ay saka ako bumalik sa kwarto ni Hue, doon ko nakita si tita na umiiyak habang naka-upo sa kama ni Hue. Hindi ko ma-imagine kung gaano kasakit ang nararansan nina tito ngayon, basta ang alam ko...the word “painful” is not enough to define it.
Masa marami ang mga taong dumalaw sa funeral ni Hue, marami sa kanila hindi ko nakita nung nasa hospital siya, sabi ni tita mga dating kaklase daw ni Hue.
Napapaisip tuloy ako kung ilan sa kanila ang naging kaibigan niya, ang naka-asaran niya, kagalit kung meron? At kung ilan sa kanila ang maaalala siya matapos ang isang linggo? Isang buwan? Isang taon?
Matapos ang libing ni Hue ay saka lang sinabi ni kuya kung bakit delay ang dapat na chemo session ni Hue, hindi na daw kaya ng katawan niya at kumalat na din ang mga cancer cells.
Binilin ni Hue kay kuya na huwag iyong sabihin saken.Sa totoo lang, gusto kong mainis pero pinangunahan na naman ako ng mga luha. Para saan pa ang mga chemo sessions na yun kung sa ganito din pala hahantong?
Sa inis ko ay tinanong ko si kuya kung bakit kailangan pa siyang i-chemo, hindi pa pwedeng gamot na lang?
Pero sabi niya, "Both road will end this way, Mia."Walang linggo akong hindi pumalyang dalawin ang puntod ni Hue. Sa sobrang pagka-miss ko sa kaniya gusto kong gawin ang lahat para mayakap lang ulit siya.
Ang dami kong bagay na gustong i-kwento sa kaniya, gusto ko siyang makita at sabihin na namimiss ko na siya, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at ramdamin ang init ng katawan niya, gusto ko ulit hawakan ang malambot ng buhok. Gusto ko ulit na maamoy siya, makita ang ngiti niya, marinig ang boses niya.
Ngayon ko lang naramdaman ang bagay na 'to. Yung tipong gusto mong i-kwento ang sakit sa isang tao pero yung taong gusto mong pag-kwentuhan mismo ang dahilan kung bakit nalulungkot ka, at yung tao na gustong-gusto mong maka-usap ay wala na at hindi mo na makikita pa.
The days went by without me noticing, my life became a black and white show, I couldn't even remember what day today is, I just know that it's the 25th day since Hue left.
Slowly, I know I need to pull myself back, ayokong malungkot si Hue kapag nakita niya ako sa kung nasaan man siya.
I couldn't remember if we celebrated Christmas, pero tanda ko na sinabihan ko si Mom na gusto kong makasama sa new year sina tita.
Agad akong pumunta sa bahay nina Hue nang umaga ding yun para imbitahan sila nang sumunod na araw.Konting kwentuhan at kamustahan ang nangyare. Ngayon pa lang ang unang beses kong dumalaw sa kanila matapos ang libing ni Hue, sabi ko nga talo ko pa ang taong lutang sa mga nakalipas na araw.
Nag-kwentuhan kami habang kumakain, kita ko parin sa mata nina tita at tito ang pangungulila. Matapos kumain ay hinayaan ako nina tita na bisitahin ang kwarto ni Hue, unang beses kong makapunta dun.
"Hindi namin ginalaw ang mga gamit niya, ayaw din kaseng may nakiki-alam sa mga yun." Ani tita, saka nito ako iniwang mag-isa.
Maliit lang ang kwarto ni Hue, may study table siya, ang kama niya ay sakto para sa dalawang tao. Naghahari ang kulay na navy blue sa kwarto niya, sa pintura, sa kama, sa swivel chair niya, sa kurtina ng mga bintana, siguro yun ang paborito niyang kulay.
Nagtungo ako sa maliit niyang closet, halos long sleeves na puro blue, white,and black ang nakikita ko, may jackets, shirts, at ang mga pants naman niya ay malinis na natupi sa ibabang bahagi ng closet.
Without thinking, I remove my shirt and put his white long sleeves, definitely smells like him. I then walk to his bed, and lay there. I let myself drift into sleep, and I thought I could feel his arms around me, his body...I could smell him, and in my dreams, I saw him.
We were laying on the grass, facing each other. He was smiling at me. He's happy, that's what I told myself. He planted a kiss in my forehead then mouthed those three words in my ears, and I wake up.
I heard him, and I'm not crying because I'm sad, for the first time I'm crying because I know that wherever he is, he's fine now.
Song:
1. Evermore - Taylor Swift
![](https://img.wattpad.com/cover/235223446-288-k651092.jpg)
BINABASA MO ANG
I Remember Hue (Completed)
RomanceWhat if your brain lose its ability to store memories? Mia had to live her life with constant memory loss, and the only thing she could remember were her memories before the accident. In her first day of school as a freshman, she met Hue, a second...