Chapter 13

37 0 0
                                    

MIA's

GAYA ng sinabi ko kay Hue nung bigla niya akong tulugan, dumaan ako sa bakery nila para bumili ng tinapay. Sinamantala ko na din ang pagkakataon para magtanong sa mama ni Hue kung pumasok na ba siya.

Kaso lang...nahiya ako bigla.

⁄(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)⁄

"Ito hija,masarap yan kainin mo habang mainit pa...Oh! Katulad mo pala ng uniporme ang anak ko." Kita ko ang biglang pagkinang ng mga mata niya nang banggitin niya ang salitang 'anak'.

" Ah... Hahaha, talaga po?" Sagot ko dito, kunwaring hindi kilala si Hue. 

Hindi ganoon kamukha ni Hue ang mama niya, pero kitang-kitang nakuha niya dito ang mga mata, parehas silang maganda.

Pano? Pano ko ba isisingit na kaibigan ako ng anak niya at ako yung naka-usap niya kahapon?

"A-Ano pong pangalan ng anak niyo?"

"Ah...Hue Gogh, gwapo ang batang yun kaso may pagka-masungit nga lang."

Masungit? Tingin ko din may ganun nga siyang ugali, kaso hindi ko maalala kung nasungitan na ba niya ako?

"Oh, sige na hija umalis ka na at baka ma-late ka niyan." Ani mama ni Hue saken. Napaka-gaan talaga ng boses niya, mas magaan yun kesa sa boses ng mama ko.

"Uhm, si H-Hue po ba...pumasok na? Baka pwede pong sabay na lang kami?"
Aish! Para akong feeling close sa anak niya. Dapat ba sinabi ko na lang na kilala ko si Hue?

"Ah, hindi siya papasok ngayon eh," bigla na lang nawala ang kaninang maaliwalas nitong mukha. Bakit kaya?

"Tulog pa kase siya." Dagdag nito sabay ngiti saken, pansin ko ang biglang pagtamlay ng itsura niya.

Tulog?  Ang aga niyang natulog kahapon ah? Psh! Ano kaya yun?
Staka, ayos lang sa kaniyang hindi pumasok si Hue para matulog?

May sakit kaya siya?

Gusto ko mang tanungin kung ayos lang ba si Hue ay pinili ko na lang na umalis at mali-late na rin ako sa first subject ko.

As expected, mag-isa akong kumain sa upuang nagiging tambayan ko na ngayon tuwing lunch. Maswerte din ako at palagi iyong bakante. Inaamin kong inaabangan ko parin ang pamilyar na mukha ni Hue na sumulpot  sa may gilid, tapos uupo siya at magku-kwentuhan kami ng kahit ano, at hindi magiging boring ang lunch break ko.

Kaso hindi ganon ang nangyare.
Ang hindi ko lang malaman sa sarili ko, bakit pa ako umasa kahit na alam kong hindi siya darating.

Sana mahimbing siyang natutulog. Insomnia na naman niya kaya ang  dahilan?

KINABUKASAN.

Walang gana akong tumayo sa higaan ko at mabigat ang mga paang tinahak ang banyo.
Kaagad akong naligo, walang pake kung malamig pa ang tubig sa shower. Habang nagsasabon ay bigla na lang sumagi sa isip ko si Hue.

Papasok kaya siya ngayon? O baka naman tulog parin siya? Tsk, may hypersomnia ba siya? Ah hindi, insomnia nga pala.

Pagkababa ko sa hagdan ay kaagad akong sinalubong ng bati ni mama. Sanay na akong gumising sa biglang sulpot at alis nila ni Dad. Si kuya naman, hindi ko na matandaan kung kailan ang huling uwi niya o kung nagsabay ba kami nitong mga nakaraang linggo, parang hindi?

Agad kong ginawaran ng halik sa pisngi si mama.

"Good morning baby ko." Ani mama.
Tsk, bakit naman kaya baby na naman ang tawag niya saken ngayon?

I Remember Hue (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon