Chapter 18

33 0 0
                                        

MIA's

WEEKEND ngayon, ilang araw na din mula nang magkita kami ni Hue, ang tanging mode of communication lang namin ay through text, ang kaso kase kung minsan  mabagal siyang mag-reply kaya hindi rin kami nagkakatagpo ng oras para makapag-usap ng mahaba-haba. Ewan ko sa kaniya, sabi niya busy din daw sila dahil bigayan na ng finals ng mga professors.

Samen naman, may last paper na lang akong tatapusin and after nun pwede na akong matulog ng mahaba-haba for weeks, then another week for the semestral break kaya kung susumahin, mahaba-haba ang magiging bakasyon ko. Isa sa magandang dulot ng hindi pagpo-procrastinate.

Para matapos ang paper ko  ay kakailanganin ko pang pumunta sa public library since hindi available online yung kakailanganin kong mga libro. Limited rin lang ang time na open ang library during weekends, ang sabi sa website nila open lang sila hanggang 3 ng hapon.

Kaya siguro pipicturan ko na lang yung mga pages na makakatulong sa paper ko, though bawal yun pero... Idi-delete ko naman after eh.

Unang beses ko pa lang pumasok sa isang public library, hindi ko inaasahang maraming tao pala ang nagpupunta dun sa ganitong araw. Tingin ko ay gaya ko rin yung iba na studyante, samantalang yung ibang tao naman ay mukhang nagpapalipas oras lang.

Gusto ko rin yung  yung uupo lang ako sa loob ng library para magbasa ng libro na hindi connected sa academics ko, at habang ine-enjoy ko yung story, lumilipas naman ang oras sa labas...pero sa mga oras na yun, wala akong pake-alam dahil nasa ibang mundo ako.

Ano kayang pakiramdam na mabuhay kung saan hindi mo kailangang tumakbo para lang makasabay sa oras at hindi mapag-iwanan? Ano kaya ang pakiramdam ng ganun? 
Sa totoo lang...yun ang kahulugan ng kalayaan para saken.

Matapos ang halos tatlong oras na paghahanap ng libro ay hingal kong inilapag sa may lamesa yung mga libro, saka umupo.
Ang bawat shelf ay may tig-pipitong palapag na sobra talagang taas para sa height na meron ako. Lahat ng gamit sa library ay kulay kahoy. Ang mga ilaw ay hindi ganun kaliwanag at halos lahat ng bintana ay natatakpan ng kulay kremang kurtina.

Mahahaba ang mga lamesa na gawa din sa kahoy, sa gitna ng bawat lamesa ay may tig-dadalawang lampara na hindi rin ganun kaliwanag ang ilaw. Amoy lumang libro naman na may halong aircon ang buong lugar.

Limang libro lang naman ang nahanap ko, mabilis kong nahanap ang mga impormasyong kailangan ko pero hindi ko naman kayang isulat lahat, kaya wala talaga akong naging choice kundi ang mag-isip ng stategy para mapicturan ang mga yun.

At sa hindi inaasahang pagkakataon...

May bigla na lang akong narinig na bulong sa tenga ko, sa gulat ko ay nadulas sa kamay ko yung phone ko, lumikha iyon ng malakas na tunog nang tuluyang bumagsak sa sahig dahilan para mapatingin sa direksyon namin yung ibang mga tao.

(‘◉⌓◉’)

"What the hell?!" Asik ko sa taong bumulong sa may tenga ko!
Kainis! Akala ko talaga multo yun, si Hue lang pala!

"Shh! Wag ka ngang maingay." Kalmado nitong saway saken saka dinampot yung phone ko sa sahig. Unti-unti namang nawala ang mga mata ng tao samen.

Bago i-abot saken yung phone ay pinunasan niya muna ito gamit ang denim jacket niya saka iyon chineck kung gumagana pa. Nang makumpirmang okay ay inabot na niya iyon saken.

Habang ginagawa niya ang mga yun nakatingin lang ako sa kaniya, gulat at hindi makapaniwalang nasa harap ko siya...

P-Pano niya nalamang andito ako???

"Nagpunta ako sa bahay niyo pero sabi ni tita nagpunta ka daw dito for research purposes, kaya naman andito ako." Aniya sabay ngisi ng pagkalawak-lawak saken.

I Remember Hue (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon