Hue's
HANGGANG sa maka-uwi sa bahay ay hindi ko parin makalimutan yung babaeng yun.
Ang weird niya talaga.
Ang bilis naman niya akong makalimutan? Tsk.-__-
"Ano bang mukha yan hijo? Aba't mas kulubot pa kesa sa ampalaya yang noo mo ah? M-May... Nangyare ba sayo?" nag-aalalang tanong saken ni Mama. Kaagad akong pilit na ngumiti.
Kainis, kahit sa hapag-kainan naiisip ko siya.
"Wala Ma may naalala lang ako... Nga pala Pa," natigil saglit sa pagsasalok ng kanin si Papa nang tawagin ko ang atensyon niya.
"Hm? Bakit?" tanong naman nito saka nag-tuloy sa ginagawa. Sa bango ng mga niluto ni mama kahit hindi ako nagugutom parang bigla akong ginanahang kumain.
Sumubo muna ako ng kanin at ulam saka nag-salita."Kailan kayo nag-umpisang maging makakalimutin?" kita ko ang namumuong pagtataka sa mukha niya na sinamahan pa ng parang...pag-aalala?
"Relax! hindi po ako. May babae kase na ilang beses ko nang nakikita tapos...palagi na lang sa tuwing magkakasalubong kami parang...h-hindi niya ako natatandaan?"
Gusto ko pa sanang banggitin sa kanila yung weird na notebook nung babae na andaming nakasulat na date at...basta parang diary.Nasa college na siya pero nagda-diary parin siya, kala ko sa mga bata lang uso yun.
"Eh baka naman hindi talaga niya tinatandaan ang mukha mo. Minsan kase kusang kinakalimutan ng utak yung mga detalye na hindi naman talaga natin gustong tandaan, yung mga hindi importante." paliwanag pa saken ni papa.
Pero hindi nun naalis ang pagtataka sa isip ko. Kahit sa pagtulog ko, mukha nung babae yung nakikita ko. Yung mga mata niya na sobrang lungkot. Pati na din yung araw na nasabihan ko siya ng kung ano-ano.
Ewan, iba talaga ang vibe ng babaeng yun saken.
"Haist! Bakit ba iniisip ko pa siya?!" Kainis! Hindi tuloy ako makatulog!
Nang sumunod na araw ay maaga akong pumasok gamit ang motor ko. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon...muntik pa akong makasagasa!
Ganon na lamang ang pagtataka ko nang makita kung sino yung muntik ko nang mabunggo sa parking lot ng school.Kaagad akong bumaba sa motor ko at tinulungan itong tumayo.
Kakahiling ko lang na wag na sana kaming magkita pero heto...andiyan na naman siya. Konti na lang talaga, iisipin ko nang palagi niya akong inaabangan dito.
"Pwede ba tumingin ka sa dinadaanan mo?" Pigil ang inis kong sabi dito na siya namang agad na nagpa-taas sa kilay nito.
"Ako?" Turo pa nito sa sarili niya.
"Hoy! Ikaw kaya 'tong ang bilis magpatakbo!" pilit kong hindi pinahalata sa kaniya ang gulat ko nang pagtaasan nito ako ng boses. Parang nung nakaraan lang mukha siyang iyaking bata, tapos ngayon...ang tapang na niya?
"E-Eh di sa susunod tumingin ka bago tumawid!"
"Ah...so ako pa ang maga-adjust?"mataray pa nitong tanong saken.
"B-Basta, sa susunod mag-iingat ka. Kung hindi ako ang nababangga mo ikaw naman ang nababangga ko... Hayss! Bakit ba lagi tayong dito nagkikita?!" Hindi ko na inantay pang makapagsalita ito. Bumalik na ako sa motor ko saka iyon pinarada na.
Nang malingunan ko ang direksyon nung babae ay wala na ito doon.
Ang bilis naman niyang mawala na naman?!Bakit kaya ganon na naman ang mukha nun? Parang... Hindi na naman niya ako nakikilala?
BINABASA MO ANG
I Remember Hue (Completed)
RomansaWhat if your brain lose its ability to store memories? Mia had to live her life with constant memory loss, and the only thing she could remember were her memories before the accident. In her first day of school as a freshman, she met Hue, a second...