Chapter 3

46 2 0
                                    


MIA's

HANGGANG ngayon hindi parin mawala sa isip ko yung lalakeng natapunan ko ng coke kanina. Ang sabi niya nagkita na kami at...muntik ko na siyang mahalikan?

Kahit na anong basa at check sa notebook ko ang gawin ko, wala akong naisulat doon na may muntik na akong mahalikan na lalake.

Saan naman kaya?
Kung makapag-salita kase siya kanina parang ang laki ng galit niya saken.

Woman hater ata. Anyway, iti-take note ko na lang sa notebook ko ngayon ang nangyare. 

LUNCH.

Mag-isa lang akong kumakain ngayon sa may lagoon ng school. Nung nakaraang linggo ay kasama ko pa si Mr. John, pero ngayong nakabisado na ng paa ko ang pasikot-sikot nitong school ay hatid-sundo na lang niya ako. At kung sakali ding maligaw ako, may mapa naman na akong nagawa kaya hindi na din problema yun.

May tambayan na din akong sarili. At kahit mag-isa...ayos na din saken.
Yung mga dati ko kaseng kaibigan na dito din nag-aaral ay may kaniya-kaniya na ding circle of friends. Sa kalagayan ko din ngayon, ayos na akong mag-isa. Sino ba naman ang gugustuhing magkaroon ng kaibigan na palaging nakakalimot?

Tuesday.

Nagising ako sa tunog alarm ko. Pagka-upo ko sa kama ay agad muna akong nag-salin ng tubig sa baso at ininom yun. Pagkatapos ay kaagad kong kinuha si Mimo na  nasa may study table ko lang.

Mimo ang pangalan ng notebook ko kung saan nakasulat ang mga importanteng bagay na dapat kong maalala. Kaagad kong binasa lahat ng nangyare kahapon, so far puro orientations ang nangyare, ni isa sa mga professors ko hindi ko matandaan ang itsura.

Matapos kong maligo at magbihis ng uniform ko ay bumaba na ako sa dining hall. Nitong mga nakaraang araw ay mag-isa na lang akong kumakain. Bukod kase sa busy na naman si Mom sa business ay nasa Africa naman si Dad. May kuya ako pero gaya ni papa, doctor din siya kaya palaging busy. Hindi na siya samen nakatira pero once in a while, bumibisita siya para kumustahin kami at para na din i-check ang lagay ko.

Minsan nga, pakiramdam ko, ako lang sa pamilya namin ang nawalan na ng silbi. Hindi ko alam kung anong kinabukasan ang meron ako...kung meron man, natatakot ako. Dahil sa traumatic injury ko, natatakot na akong mag-try ng iba pang mga bagay. Lalo pa't delikado na saken ang anumang aksidente o kahit simpleng pagkabagok lang ng ulo.

I love wandering from places to places before. Pero ngayon natatakot na ako. What if bigla akong makalimot? Yung tipong maski pangalan ko makalimutan ko na? Ang pamilya ko? Sa ngayon hindi pa yun nangyayare... Tanging mga bagay na nangyare pagkatapos ng aksidente lang ang nakakalimutan ko. Yung mga dati ko pang alam before the accident, naalala ko parin.
Pero natatakot parin ako...what if gumising na lang ako na hindi ko na kilala ang sarili ko?

Matapos mag-paalam kay Mr. John ay bumaba na agad ako ng kotse. Habang naglalakad ay kaagad kong napansin ang isang lalake na kakababa lang sa motor nito. Ang cool niya tignan, white long sleeves, black helmet...at yung motor niya, malaki. Para siyang bida sa isang action movie.

Nang tanggalin nito yung helmet niya ay bumungad naman saken ang maganda nitong mukha. In fairness, gwapo siya. Naramdaman ata nitong nakatingin ako, kaya naman agad din akong nag-iwas ng tingin.

Pero syempre, malikot ang mga mata ko kaya pasimple ko ulit siyang tinignan. Ang kaso lang...ang sama ng tingin nito saken. Dahilan para matunaw na parang yelo na nasinagan ng araw ang namumuo ko nang paghanga sa kaniya.

Anong problema niya?

Sa sobrang sama ng pagkakatingin niya saken para bang anytime ihahampas na niya saken yug helmet na hawak niya. Wala sa oras akong kinabahan, dahilan para mas bilisan ko pa ang paglalakad ko.

I Remember Hue (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon