HUE'S
"KASE wala akong...nakikitang rason para gawin yun." Diretsa kong sagot kay Mia.
"May masaya akong pamilya, maganda din ang buhay ko, pero...at the first place, ni isa sa mga yun hindi ko hiniling sa kung sino man... Obligasyon ng magulang na mahalin ang anak nila at ibigay lahat ng kailangan nila. Ako naman bilang tao, obligasyon kong magpakatao... Kung may dumating man na problema, parte na din naman ng buhay yun at obligasyon mong harapin ang problema na yun... Ang kaso...sa kahit saang anggulo ko tignan ang buhay, wala akong makitang sense sa lahat ng 'to."
Unang beses ko palang i-voice out ang thoughts ko regarding sa ganitong bagay sa isang tao. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat asahan.
Bigla tuloy akong napaisip kung bakit kami humantong sa ganitong usapan.
"Ah, Sabagay may punto ka. Lahat naman siguro napapatanong din minsan kung para saan ba talaga ang buhay natin."
Siguro? Basta ako ngayon napapaisip kung ano ang purpose sa buhay ko ng babaeng kaharap ko ngayon, at ako, may purpose ba ako sa buhay niya? Kung meron man?
NANG tumila na ng ulan ay saka na kami nag-desisyon ni Mia na lumabas ng Café.
"Tinext ko na ang driver ko, maya-maya lang darating na din yun." aniya.
"Samahan na lang kitang antayin siya." prisenta ko agad, ayokong basta na lang siyang iwan mag-isa lalo pa't ako ang nag-aya sa kaniya.
"Hindi na, for sure parating na din yun. Staka baka umulan pa ulit, mahirap mag-motor kapag Umuulan."
Tama nga naman si Mia. Wala din akong dalang raincoat kaya talagang mababasa ako.
"Sige. Text ka pag naka-uwi ka na ha?" Isang ngiti na may kasamang tango ang agad na naging tugon niya saken.
Matapos isuot ang helmet ko ay kumaway muna ako kay Mia, saka agad nang nagmaneho.
May kung ano sa loob ko ang hindi mapalagay habang nagmamaneho ako palayo sa Café. Sa puntong yun, sinunod ko ang sinasabi ng isip ko. Iniliko ko pabalik sa direksyong pinaggalingan ko ang motor ko.
Huminto ako hindi kalayuan sa may Café, sakto lang para makita ko si Mia. Nakatayo parin siya sa labas ng Cafe habang nakatanaw sa kaliwang direksyon niya.
Mapapanatag lang ako kung makikita ko siyang sasakay ng kotse. Sabi ko pa sa sarili ko.
Maya-maya pa ay itinapat nito sa mukha ang phone, tingin ko ay may nag-text sa kaniya. Maya-maya pa ay may tinype ito sa phone niya at pagkatapos ay muling pumasok sa Café.
Ano kayang nangyare?
MIA'S
MATAPOS matanggap ang text mula kay Mr. John na nagsasabing naflatan ito ng ay muli na lang akong pumasok sa Café.
Wala din naman akong choice kundi antayin siya, lalo pa't nakalimutan ko ang wallet ko sa bahay, kaya pala parang may naiwan ako.
Kainis.(˘・_・˘)
Umupo ulit ako dun sa table namin kanina ni Hue. Para hindi magmukhang tumatambay lang ay umorder ulit ako ng kape. Sakto lang sa malamig na panahon, ang kaso lang nakakatatlo na ako nun.
Nilingon ko ang bintana sa gilid ko, muli na namang bumuhos ang ulan pero mahina lang.
Ganon na lamang ang gulat at pagtataka ko nang muling makita sa labas ng bintana si Hue. Kumakaway ito saken kaya naman wala sa oras din akong napakaway sa kaniya."B-Bakit ka bumalik?" takang tanong ko dito pagkalapit niya sa table ko.
Kaagad itong umupo sa upuan niya kanina sa tapat ko."Nakalimutan ko kase sabihin na nag-enjoy ako ngayong araw eh." kamot-kamot ang batok nitong sabi saken.
BINABASA MO ANG
I Remember Hue (Completed)
RomanceWhat if your brain lose its ability to store memories? Mia had to live her life with constant memory loss, and the only thing she could remember were her memories before the accident. In her first day of school as a freshman, she met Hue, a second...