MIA's
MONDAY.
For the first time after the accident, nagustuhan kong gumising ng maaga, alalahanin ang mga nangyare nitong mga nakaraang araw namay ngiti sa labi, at higit sa lahat... Nae-excite akong pumasok sa school, at oo... nae-excite din akong makita si Hue.
Pagdating ko sa parking ng school ay may hinanap agad ang mga mata ko. Mabagal akong naglakad patungo sa building ng classroom ko, nagbabakasakali na may tumawag ng pangalan ko.
Nakakadismaya lang dahil wala akong narinig hanggang sa makaabot ako sa entrance ng building ko.
Anyway, may lunch pa naman. Pampalubag-loob kong sabi sa sarili ko.Masaya akong nakinig sa lecture ng mga professor namin, to the poin na sobrang dami kong natake-down notes kahit na alam kong malabong matandaan ko ang mga yun bukas.
Nang dumating na ang lunch ay mabilis akong nagtungo sa lagoon na siyang tambayan ko.
Pinigilan ko ang sarili kong huwag maunang kumain, gusto ko kaseng sabay kami ni Hue.Habang hinihintay si Hue ay bigla ko na-realize na tanging pangalan at bahay niya lang pala ang alam ko, isama na din ang year level niya?
Patuloy lang na lumipas ang oras, hindi ko na nakayanan ang gutom kaya nauna na akong kumain. Habang ngumunguya ay walang tigil ang lingon ko sa may kaliwa ko.
Ang kaso...natapos na lang akong kumain ay hindi parin dumating si Hue.
Para akon kandila na unti-unting natunaw. Siguro kaya ganito ako ngayong araw ay dahil...masyado akong na-excite sa ideya ng bagong kaibigan?
Lumaki akong palakaibigan at madaldal, kaya ang bagong buhay ko na 'to ay hindi ko talaga gamay.
At dahil sa biglaang pagdating ni Hue...biglang bumalik ang dating ako.Malungkot akong nangiti sa sarili ko habang naglalalad pabalik sa room namin.
Masyado lang akong na-excite, oo ganun nga siguro?
Pero bakit ang bigat ng nararamdaman ko?
Hayss.Sa loob ng buong linggo ay hindi kami nagkita ni Hue. Dumako sa isip ko ang ideyang baka absent siya, at ganon na rin lang ang ideyang baka... Baka na-realize niya na hindi ako masayang maging kaibigan...na weird ako o ano?
Sa mga araw ding yun ay pilit kong pinigilan ang sarili kong huwag siyang tawagan. Sabihin na nating pinangangalagaan ko lamang ang pride ko kaya hindi ko yun ginawa.
Panandaliang saya... At least naging masaya ako.
Sabi nga ni Robert Frost... In three words you could sum up everything you'd learned from life, it goes on.
Ang buhay, kahit nasa bingit ka pa ng kamatayan wala iyong pakealam, maski ang mundo, at ang oras, hindi yun titigil dahil lang mawawala ka na.
Gaya ng dati, kailangan kong magpatuloy na para bang walang nangyare.
MABILIS na dumaan ng sabado at linggo. Mabilis dahil kasama ko sina mama at papa at si kuya. Dahil sa kanila ay pansamantala kong nakalimutan si Hue, at ang kondisyon ko.
Nung linggo din ay nagpunta kami sa hospital para sa check up ko, ang sabi nt doctor ko ay nagi-improve ang kondisyon ko kaya ipagpatuloy ko lang ang routine ko, ganun din ang sinabi niya saken nung huli.ಠ_ʖಠ
MONDAY.
Buong biyahe papunta ng school ay nakikinig lang ako ng music, kung dati minsan ko lang magamit ang earphones ko, ngayong taon nakakadalawang bili na ako. Guess I'm too tired drowning myself in thousands of thoughts, so better just turn on to music.Habang naglalakad patungo sa klase ay wala akong ibang naririnig kundi ang tunog na nanggagaling sa earphone ko.
Kaya naman bigla na lang akong napatalon sa gulat nang may bigla na lang humawak sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
I Remember Hue (Completed)
RomanceWhat if your brain lose its ability to store memories? Mia had to live her life with constant memory loss, and the only thing she could remember were her memories before the accident. In her first day of school as a freshman, she met Hue, a second...