Chapter 20

30 0 0
                                    

MIA's

ILANG araw na din ang lumipas mula nang malaman ko ang totoong lagay ni Hue.
Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na hindi malala ang sakit na meron siya, na curable iyon tutal nasa modernong panahon naman na kami.

Mula din nang araw na yun hanggang ngayon ay hindi pa ako ulit nakakadalaw sa hospital. Nakatanggap ako ng ilang maiikling mensahe mula kay Hue, isang linggo pagkatapos. Ang pinaka-huli ay,

H: Gusto na kitang makita.

Ang mga salitang nakalagay doon. Gusto kong mag-reply at sabihing ako rin, gusto ko na din siyang makita. Pero mas nauuna ang mga luha ko dala ng pag-aalala at lungkot, kesa sa mga kamay ko.

Nagkulong lang ako sa kwarto ko buong semestral break. Sa tuwing nagtatanong si Mom saken, palagi kong sinasabing "okay lang ako", hanggang sa ang ,"okay lang ako." ay naging, "magiging okay din ako, Mom.".

Pero hindi ko talaga alam kung darating ba ang araw na magiging maayos na ulit ako.

Nakakatawa nga eh, kung panong ang dati kong masayang buhay ay naging malungkot, at kung paanong ang malungkot kong buhay ay naging masaya nang makilala ko si Hue...at kung papaanong nasa punto na naman ito ng pagkawasak.

Naisip ko pa nga , may sinaktan ba ako para maging ganito ang buhay ko? ... Bakit kailangan kong pagdaanan 'to?... Bakit kailangan naming pagdaanan ito ni Hue?

Gusto kong isagaw lahat ng luha ko sa langit...gusto ko ng kasagutan mula sa mga anghel...gusto kong malaman ang dahilan ng kalungkutang ito, kung bakit ganito ang naging buhay namin.

Tatlong araw matapos ang pagbabalik namin sa school para sa ikalawang semester ay nagkaroon na din ako ng lakas ng loob para muling dumalaw sa hospital. Hindi ako nagsabi kay Hue na pupunta ako nang araw yun.

Mahimbing na natutulog si Hue nang dumalaw ako kaya naman wala akong ginawa kundi ang pagmasdan lang siya.

Hindi ko alam kung talaga bang pumayat siya o pinaglalaruan na naman ako ng memorya ko.

Sa tuwing naiisip ko ang sitwasyon ko ay naiinis ako at gusto kong ipatanggal na lang nang tuluyan ang utak ko, kung pwede lang. Nakakaagod ang pakiramdam na para bang wala akong choice, na kahit anong gawin ko, nakatadhana nang makalimot ako.

Natatakot ako, ano na lang ang gagawin ko kung hindi ko na maalala si Hue kahit na anong pilit ang gawin ko? Ayokong dumating ang araw na yun dahil...dahil ang makilala siya ang masasabi kong pinaka masayang nangyare sa buhay ko, sa abot ng naaalala ko.

Natigil ako sa pag-iisip ko nang mapansing nagigising na si Hue. Kaagad kong pinunasan ang anumang bakas ng luha sa mga pisngi ko bago niya pa 'yun makita.

"K- Kamusta na?" Garalgal ang boses nitong tanong saken, sabay ngiti.
Sa oras na yun, naisip ko na baka kaya gusto kong nakikita siya araw-araw ay dahil sa malawak niyang ngiti na walang bahid ng anumang problema.

Ramdam ko ang paninikip ng lalamunan ko,  naiiyak ako at sobrang bigat ng dibdib ko, nang makita ko si Hue ay napagtanto ko kung gaano ako natatakot sa mga pwedeng mangyare samen sa hinaharap, sa sakit na meron siya at sa memoryang meron ako.


HUE's

INAASAHAN ko na ang mga nangyare nitong nakaraang linggo. Inaasahan ko nang lalayo si Mia saken, inaasahan kong magagalit siya ng sobra at hindi na niya ako kakausapin pa. Sa totoo lang unti-unti kong pilit na tinanggap na pwedeng hindi na siya magpakita pa ulit saken.

Sino ba naman kase ang gugustuhin pang mapalapit sa taong anumang oras ay mamamatay na? Lahat naman tayo natatakot mawala ang taong nakasanayan na nating kasama, kaya hindi ako magtataka kung puputulin niya ang ugnayan saken at unti-unting ilayo ang sarili para na rin hindi  masaktan sa bandang huli.

I Remember Hue (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon