MIA's
I COULD feel every bones in my body giving up from out of sleep, exhaustion, and anxiety.
I decided to take the elevator and make sure that I searched on every floors as much as possible.Hue Gogh...asan ka na bang—
Natigil ako sa paglalakad nang may mapansin akong tao sa loob ng maliit na chapel sa hospital, bahagya pa akong nagulat nang makita na mayroon palang ganung lugar sa hospital. Sabagay, sa hospital kadalasang nawawalan ng pag-asa ang mga tao.
I know Hue, hindi siya yung tipo ng tao na papasok sa simbahan para mag-dasal, ni hindi ko nga maimagine na tatagal siya sa loob ng simbahan nang hindi ka tatanungin kung bakit ka niniwalang may diyos.
But Hue's there.
Kahit na may problema ako sa pag-alala, alam kong likod niya yun, alam ko na siya yun...alam kong si Hue ang lalaking naka-upo sa upuan sa loob ng chapel.
Bago pa man ako makagalaw ay agad na akong naunahan ng mga luha ko.
Magkahalong tuwa at lungkot ang nararamdaman ko habang nakatanaw sa kaniya.Matapos kong pakalmahin ang sarili ko ay agad ko ding pinunasan ang mga luha ko, ayokong makita na naman ang pag-aalala sa mga mata ni Hue kapag nakita niya akong umiiyak.
I make sure to make no sound as I approach Hue. Naka-yuko siya habang naka-pikit ang mga mata. Ano man ang dinadasal niya, dalangin ko na marinig iyon ng langit.
Pagka-upo ko ay nag-dasal din ako, hindi para saken, kundi para kay Hue. Habang nakapikit ako ay naalala ko yung araw na nag-punta kami sa amusement park, yung araw na ini-abot niya saken si SpongeBob, at yung kagabi habang naka-upo kami sa bench, yun lang ang mga araw na malinaw parin saken.
Parang ang tagal na mula na nang mangyare ang mga araw na yun, kahit pa ilang linggo pa lang, araw, at oras ang nakakalipas. Sa isang iglap, parang sobrang dami na nang nangyare.
" Tingin mo ba...narinig niya ako?" Maya-maya pa ay tanong saken ni Hue. Nang lingunin ko siya ay nakatingin siya sa mga kamay niya.
"Sigurado yun." Animo'y siguradong-sigurado kong sagot sa kaniya, sabay ngiti.
Inantay kong magsalita ulit siya ngunit tanging buntong-hininga lang ang narinig ko.Gusto kong tanungin kung bakit nasa chapel siya, pero hindi na lang siguro, hahayaan ko na lang na ang langit na lang mismo ang makarinig sa mga yun.
For sure ay nag-aalala na sina tito, kaya naman mabilis akong nag-type ng text sa kanila na nakita ko na si Hue.
"Mabuti pa, bumalik na tayo?" Aya ko sa kaniya, tango naman ang siyang sinagot niya saken.
Agad kong inalalayan si Hue sa pagtayo niya, pagkatapos ay nag-umpisa na kaming maglakad palabas ng chapel. Sa gilid ng mga mata ko ay nakabantay ako sa bawat hakbang niya.
Habang sinasabayan ang mababagal na hakbang ni Hue ay muling bumalik saken ang naramdaman ko kanina habang hinahanap ko siya, yung pag-aalala ko sa kung ano na ang pwedeng nangyare sa kaniya kung nasan man siya, yung sobrang kaba ko.
Sa pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na nauuna na pala akong maglakad, pagkalingon ko ay nakatayo lang si Hue habang nakayuko ito, sa pag-aalala ko ay agad akong tumakbo pabalik sa kaniya.
"H-Hue...may problema ba?" Agad kong tanong pagkalapit ko.
Pagkasilip ko sa mukha niya ay agad akong binalot ng sobrang lungkot at kaba.Kasabay ng pag-agos ng mga luha sa mukha ni Hue ay mga pigil na hikbi.
Ngayon ko lang siya nakitang ganun, at kung pwede ko lang ilipat saken ang nararamdaman niya gagawin ko.Ayoko man ay hindi ko na din napigilang umiyak kasama niya.
Niyakap ko siya sa may bewang ng sobrang higpit, kung pwede lang pawiin ng yakap ko kung anomang negatibong bagay na nararamdaman niya, handa akong yakapan siya kahit gaano pa katagal."N-Natatakot ako Mi...T-Takot a-ako," Hagulhol ni Hue sa may balikat ko.
I have this feeling that whatever he is afraid of, I am afraid too." Ayoko pang mamatay...gusto ko pang m-mabuhay."
Oh, Hue.
I immediately held his face on both of my hands.
I know what I'm going to say is one of the biggest lie people ever told to someone, but I've got no other words to think of."Hindi yun mangyayare, okay? M-Magiging okay ka."
"Pano kung hindi? Marami pa akong...m-mga bagay na gustong gawin...i-ikaw, ako... gusto pa kitang makasama ng m-matagal,"
I wanted to say the same thing to him, but I waited for him to finish, he then drew a deep breath and continue.
" G-Gusto ko pang mabuhay...kasama ka, Mia...G-Gusto kong dalhin ka sa maraming amusement park, manood ng sine kasama ka...mag-dinner kasama ka...mag-breakfast kasama ka, with mom and dad. Gusto ko pang makasama kayo...ikaw."
I don't what I'm feeling anymore. Umiiyak ako pero sa puso ko...may kung anong napakasayang pakiramdam na andun ngayon nang marinig ko ang mga bagay na sinabi ni Hue.
"Ako din, Hue. Ako din." Ang tanging mga salitang lumabas sa bibig ko.
I hate to see him cry, I really do hate seeing man cry. Gamit ang dulo ng manggas ng jacket ko ay pinunasan ko ang mga luha sa pisngi niya.
I wanna cherish this memory, after a long time I know, I feel happy.
But just when I finished wiping his tears, I felt his hand on my back, pushing me closer.
I never thought I will going to kiss a man in the middle of the aisle, in front of God, except on a wedding day.
But I am.
.
.
.Songs
1. When She Love Me - Katelyn Lapid
BINABASA MO ANG
I Remember Hue (Completed)
RomansaWhat if your brain lose its ability to store memories? Mia had to live her life with constant memory loss, and the only thing she could remember were her memories before the accident. In her first day of school as a freshman, she met Hue, a second...