Chapter 14

39 0 0
                                        

MIA's

BAGO magtungo sa mismong amusement park ay dumaan muna kami ni Hue sa mall para bumili ng pamalit na damit. Restricted kase ang pagpapapasok sa mga student sa park nang ganito kaaga.
Sinagot naman ni Hue ang mga binili naming jeans and shirt.

Nauna akong matapos magpalit ng damit kaya naman nagtungo na muna ako sa may hugis bilog na mga bench na nasa tapat lang ng restroom ng male and female.

Habang naghihintay ay hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang bawat taong dumaraan sa harap ko. Lahat sila may maaayos na suot, yung iba naka-office attire pa. May mga naka-uniporme din na pang studyante pero kalmado lang na naglalakad, animo'y walang hinahabol na klase.

Napa-isip tuloy ako kung sino sa kanila ang may hinaharap na mabigat na problema, kung meron ba sa kanilang hinaharap ang problemang meron ako?
Minsan kase masaya din yung makahanap ng tao na may problema na gaya ng sayo, para kang nakahanap ng instant karamay?

Naudlot ang pag-iisip ko nang may bigla na lang pumitik sa may ilong ko. Nang mag-angat ako tingin ay nasa harap ko na si  Hue, nakasuot ng black jeans and white shirt, gaya ko. Mukha tuloy kaming couple kahit hindi.

"Anong hinuhukay mo?" Agad na nagsalubong ang kilay ko sa tanong niyang yun.

"Ha?"

"Wala, mukha kaseng ang lalim ng iniisip mo eh. Tara na?" Ngingiti-ngiti nitong sabi, saka nauna nang maglakad.

Nakakilala ka na ba ng taong kapag kasama mo para kang nagiging ibang tao? Yung tipong nakakalimutan mo din problema mo at nag-e-enjoy ka ding kasama yung taong yun? At kapag hindi mo sila nakakasama, parang balik hukay ka?

Ganong klase ng tao si Hue saken.
Nakakatuwa din na kahit papano ay nakakilala ako ng gaya niya sa buhay ko.

Napansin siguro ni Hue na hindi ako nakasunod sa kaniya kaya muli itong lumingon sa direksyon ko, saka dali-daling tumakbo pabalik saken.

"Are you admiring my butt?" Biro pa nito pagkalapit saken.

<( ̄︶ ̄)>

"Tsk! A-Asa ka!"

Imbes na magsalita ay tinitigan lang ako nito habang naka-ngisi, animo'y pinapaamin ako. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mahawa at mapangiti din gaya niya, kaya bago pa man lumawak ang mga ngiti sa labi ko ay nag-iwas na ako ng tingin.

"Baliw ka na!" Ang tanging nasabi ko na lang saka dali-daling naglakad palayo sa kaniya. Doon ko rin lang napansin ang sobrang bilis na kabog ng dibdib ko, kaya ayokong nagkakape sa umaga eh, nagiging nerbyosa ako na wala sa lugar.

Agad namang nakasunod saken si Hue kaya sabay na naming tinahak ang daan palabas ng mall.

"Feeling ko naiinggit sayo yung mga tao," maya-maya pa ay sabi nito nang makalapit na kami sa may exit ng mall.

Taka ko itong nilingon, " At bakit?"

"Kase kasama mo ako?" Mayabang nitong sagot, dahilan para mapahinto ako sa paglalakad habang siya ay dire-diretso lang.

Aish! Bakit ba ang hangin niya ngayon?

Susunod na sana ako sa kaniya kaso hindi sinasadyang dumapo ang mata ko sa may pwetan nito.

Tsk. Infairness, matambok.

(・o・)

Sakto lang ang dating namin sa park. Wala pang gaanong tao, mas mage-enjoy ako sa ganon.

Nag-ikot-ikot muna kami ni Hue para makapili siya ng rides.
Inabot din kami ng ilang minuto bago siya nakapili. Kapag kase tinuturo ko ang mga rides na nasakyan ko na at nag-enjoy ako ay sinasabi niyang mag-ikot-ikot pa kami. Pero kahit hindi niya sabihin, basang-basa ko na ang kaba sa mukha niya.

I Remember Hue (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon