HUE's
NANG makabalik sa kwarto ko ay binantayan pa muna ako ni Mia, inantay niyang makatulog ako bago siya tuluyang umuwi.
Hindi ko sinabi sa kaniya na hindi pa ako inaantok at gusto kong maka-kwentuhan pa siya ng matagal, pero gaya ng mga taong nalaman na may sakit ako, tingin ni Mia ay kailangan kong magpahinga nang magpahinga.
Ayoko din namang dagdagan pa ang pag-aalala sa mga mata niya kaya nagkunwari na lang ako na inaantok.Habang nagkukunwaring natutulog ay nasabi ko sa sarili ko na sana hindi ko na lang sinabi sa kaniya ang totoo, na sana lumayo na ako habang hindi pa ako napapalapit sa kaniya, na sana hindi ko na siya kinausap pa para naman wala siya sa posisyon niya ngayon.
Alam ko ang pakiramdam ng iniiwan, nang namatayan, nang bigla na lang nilayuan na walang malinaw na paliwanag. Alam ko kung gaano kasakit...pero hindi ko yun naisip nang inilapit ko ang sarili ko sa kaniya.
Nabalik akong muli sa reyalidad nang marinig kong may kinakausap sa phone niya si Mia, nagpapasundo na siya.
"Next time ko na lang po ipapaliwanag Mom." Malungkot at animo'y pagod na pagod nitong sabi ni Mia kay tita. May kutob na akong tungkol saken ang sinasabi niya.
Muling binalot ng katahimikan ang buo kong kwarto, gusto kong idilat ang mga mata ko at tignan si Mia, pero hindi ko na kailangang gawin yun matapos kong marinig ang pagsinghot nito na sinundan pa ng mga pigil na hikbi.
Marinig ko pa lang siyang umiiyak ay para na akong pinaparusahan ng langit sa pagiging makasarili ko.
I hate my life, I hate how I needed to pay for a little bit of happiness. My time here isn't that wonderful if it weren't for Mia and my parents, yet I don't know why death needs to punish me too.
Naramdaman ko ang paglapit ni Mia saken, maya-maya pa ay dumampi na ang labi niya sa noo ko, sabay paalam.
"Babalik ako bukas, promise." Aniya.
Gusto kong sabihin sa kaniya na wag na, na lumayo na siya, na hindi niya kailangang manatili pa sa taong wala nang kasiguraduhan ang buhay, kung gagawin niya man yun ay hindi ko siya pipigilan at magiging masaya pa sa naging desisyon niya.
Hindi. Ano bang sinasabi ko? Nagsisinungaling na naman ako sa sarili ko.
(。•́︿•̀。)Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay saka ako dumilat, hinayaan kong lamunin ako ng kadiliman kasabay ng pag-agos ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Bakit ba kailangan saken pa mangyare 'to? Bakit ngayon pa? Bakit hindi na lang after 20 years of 30 years?
Bakit ngayon ko lang siya nakikila kung kailan nasa dulo na ako ng bangin? Bakit kinailangan ko pa siyang makilala at gustuhing manatili sa tabi niya...habang buhay?
Tahimik lang akong naka-upo sa kama ko habang nakatitig sa kawalan. Paniguradong nasa bahay pa sina mama para kumuha ng gamit ko at siguro ay umasikaso ng ilan pang mga bagay.
Ilang araw na naman kayang isasara ni mama ang bakery niya para lang mabantayan ako dito sa hospital? Si papa kaya? Sigurado akong mahihirapan na naman siyang magturo sa mga estudyante niya, paniguradong maalala niya ang anak niya na dapat ay nag-aaral din kaso heto, nasa hospital. At higit sa lahat, si Mia, umiiyak na naman kaya siya ngayon? Paniguradong sobra siyang naaawa at nag-aalala saken.
Nang hindi pa dumating sina mama ay napag-desisyunan kong lumabas ng kwarto ko at maglakad-lakad ulit.
Maya-maya pa ay nadaanan ko ang isang maliit na chapel, medyo nagulat pa ako nang makita ko iyon sa loob ng hospital, sabagay kapag nawawalan nga pala ng pag-asa ang mga tao ay sa kaniya sila lumalapit para magdasal.
Hindi ko na maalala kung kailan ulit ako nagdasal sa kaniya.Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo lang sa bungad ng chapel habang nakatitig sa lalakeng nakapako sa malaking krus sa gitna. Sabi nila nagmimilagro siya at kapag humiling ka maririnig ka niya.
Maririnig niya kaya ang dasal ng gaya ko?
Naalala ko tuloy bigla ang sinabi ko noon kay Mia, kung paanong wala akong nakikitang dahilan o obligasyon para sambahin siya dahil lahat ng bagay na meron ako ay hindi ko naman hiniling sa kaniya, maski ang buhay na 'to.
Kahit na ganito ako mag-isip ay nirerespeto ko ang desisyon niyang buhayin ako, hindi ko nga lang magawang magpasalamat dahil wala parin akong nakikitang dahilan para gawin yun.
Siguro nga nasasabi ko lahat ng 'to dahil may sama ako ng loob sa kaniya. Pakiramdam ko kase pinagkaitan ako ng maraming bagay, na ang buhay na meron ako ay hindi biyaya kundi parusa... Hindi lang saken kundi maski sa mga taong nakapaligid saken, lalo sa mga mahal ko.
Wala pa mang limang minuto na nakatayo ako ay naramdaman ko na agad ang pagod sa mga binti ko, kaya naman umupo ako sa pinakamalapit na upuan sa loob ng chapel.
Naalala ko, nung bata pa ako ay minsan ko nang tinanong si mama kung bakit nakaluhod kung maglakad ang ibang tao na putungo sa altar? Sa pagkakatanda ko, sinabi saken ni mama na ang mga taong may matinding pangangailangan at mabigat na dalahin ang mga taong nakaluhod kung maglakad, naisip ko pa nun, bakit kailangan pa nilang pahirapan ang sarili nila para magdasal? Kailangan bang makita muna ng diyos na naghihirap sila bago siya sumagot?
Ako din mismo ang natawa sa mga naiisip ko. Kahit pala nung bata pa ako ay may tampo na ako sa langit.
Sobrang dami kong gustong itanong sa kaniya, pero alam kong ni isa sa mga yun hindi niya masasagot.Pero gusto kong malaman niya na ako nagagalit, naiinis? Oo, nagtatampo? Oo.
Sa mga oras na yun, nagkaroon ako ng lakas ng loob para magpasalamat, and hope for a little bit of his mercy.
Kung nakikita kaya ako ng diyos ngayon, maaawa kaya siya saken?
MIA's
TITA was crying and panicking so bad nang makarating ako sa hospital.
Mas nag-aalala ako sa kung ano ang pwedeng mangyare sa kaniya kapag sinama namin siya para hanapin si Hue kaya naman kaming dalawa na lang ni tito ang nag-hanap.I started from rooftop, then run into staircase after staircase incase nandun si Hue. Nang maisip ko na baka nasa pathwalk siya ay kaagad akong tumakbo at ginalugad ang bawat kasuluksulukan, pero wala akong nakita kundi mga bakanteng upuan at walang katao-taong daan.
Sa sobrang pag-aalala ko kay Hue ay hindi ko man lang napansin ang mga nangingig kong daliri, hindi ko rin masisisi ang pagtataka ng mga taong nakakasalubong ko, bawat mukha ay tinitignan ko pero ni isa sa kanila ay hindi pamilyar saken, hindi ko nga matandaan kung ilang beses ko na bang nasisilip ang mukha ng kung sino, basta ang alam ko...wala sa kanila si Hue.
Ang sobrang kaba at pag-aalala ko ay napalitan na ng mga luha.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung may mangyaring masama sa kaniya.Hue Gogh...asan ka na bang lala—
"H-Hue..."
.
.
.
BINABASA MO ANG
I Remember Hue (Completed)
RomanceWhat if your brain lose its ability to store memories? Mia had to live her life with constant memory loss, and the only thing she could remember were her memories before the accident. In her first day of school as a freshman, she met Hue, a second...