Chapter 5

44 2 0
                                        

HUE'S

HINDI ko alam kung ano na naman ang nangyayare saken. Iba ang umagang ito sa mga nakaraan kong umaga.

Gumising ako na maganda ang pakiramdam, gaya ng maaliwalas na kalangitan ngayong araw.

" Mukhang maganda ang tulog ng anak ko ah?"  kaagad na puri saken ni mama pagbaba ko sa kusina. Gaya ni mama, napatingin din saken si papa at agad na gumuhit ang pagtataka na may bahid ng... tuwa? Sa mukha niya.

O_o

Masyado bang halatang maganda ang gising ko? Tanong ko pa sa sarili ko.

"Ah, maaga po kase akong natulog staka...hindi na masyadong sumasama ang pakiramdam ko." pagdadahilan ko na lang sa kanila, mukha namang kapani-paniwala ang sinabi ko sa kanila.

Gaya ng palagi naming set-up tuwing umaga, kumain kami nina mama at papa na sabay-sabay. Maikli lang ang naging kwentuhan namin, puro tungkol sa mga nangyare samen kahapon. Matapos kumain ay kaagad nang naunang umalis si papa para pumasok sa trabaho. Ako naman ay naghanda nang pumasok habang si mama ay pumunta na sa bakery para asikasuhin yun.

SCHOOL.
Pagdating ko sa parking lot ay binagalan ko na agad ang takbo ng motor ko habang ang mga mata ko ay nakamasid sa paligid, animo'y may hinahanap.

Nang makita ko siya ng mga mata ko, hindi ko alam kung bakit...bigla na lamang akong napangiti.

Akala ko nung una, coincidence lang na magkita ulit kami matapos naming magsabay sa Van nung unang araw ng pasukan. Hindi ko akalaing palagi kaming magkaasalubong dito sa parking lot, at hindi lang basta salubong dahil talagang nagkakabangga pa kami.

Pagbaba ko ng motor ay siya namang paglakad ni Mia palayo sa kotseng itim, may palagay ako na sundo niya yun.
Nang malingunan niya ang direksyon ko ay hindi ko napigilan ang sarili akong pukawin ang atensyon niya, kaagad kong winagayway anh kamay ko sa kaniya. Ang kaso lang...

Hindi niya ata ako nakita?

(・o・;)

Madali kong sinukbit ang bag ko sa balikat ko saka patakbong lumapit kay Mia.

"Mia!" tawag ko sa pangalan nito. Agad naman siyang napahinto saka kunot-noong nilingon ng direksyon ko, hindi ko na lang pinansin ang nangungunot niyang noo.

"Good morning!" bati ko pa dito nang tuluyan na akong makalapit. Pero ganon na lang ang pagtataka ko nang tignan niya ako na para bang...hindi niya ako kilala.

"S-Sino ka?" kaagad na nawala ang ngiti sa labi ko sa tanong niyang yun.

Pano? Panong nakalimutan na naman niya agad ako?

"B-Bakit mo alam ang pangalan ko?" tanong pa nito saken. Naisip ko na baka nagbibiro lang siya pero... Sa itsura niya ngayon mukhang hindi niya talaga ako natatandaan.

Grabe, mababaliw ata ako sa kaniya!

"Ako 'to," sabi ko pa habang tinuturo ang sarili ko.

"Si H-Hue... Hue Gogh Ramirez?"

Hindi parin naaalis ang pangungunot ng noo niya, ibig-sabihin hindi niya talaga ako natatandaan.

Napakamot ito sa may noo niya saka lumingon sa kung saan-saan, na para bang may pilit na tinatandaan.

"K-Kailan... K-Kailan tayo nagkakilala?"

Grabe, hindi ko alam kung maiinis ba ako o ano sa kaniya. How come nakalimutan niya agad yung kahapon? Like...kahapon lang hinatid ko pa siya sa building niya!

I Remember Hue (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon