MIA's
ANONG ginagawa niya dito? Kaagad kong tanong sa sarili ko.
Nakakabigla din dahil kahit nakatalikod siya saken ... alam ko na si Hue yun.
"A-At sino ka naman?" kaklase ko.
"At ikaw?sino naman ang nagbigay sayo ng karapatang sampalin ang girlfriend ko ha?!" Ganti naman ni Hue, nakatalikod siya saken kaya naman hindi ko makita ang mukha niya.
Itinulak pa nito ang kaklase ko palayo, hindi yun ganon kalakasan kaya napaatras lamang ito ng bahagya.
Agad kong hinila palapit saken si Hue at baka ano pa ang mangyare.
Doon ko rin lang napansin ang dami ng mga estudyanteng nakatingin na sa aming tatlo. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya.
Ano bang pinagsasasabi nito?
"H-Hoy!" Tawag ko sa atensyon ni Hue pero parang hindi niya ako narinig. Kainis! Ang tangkad ba naman kase, ang layo tuloy ng tenga niya saken!
ತ_ʖತ
"A-Ano?" Uutal-utal namang usal ng kaklase ko.
"Tsk, pasalamat ka hindi ako pumapatol sa babae kung hindi... Naging inihaw na marshmallow ka na."
Maski ako ay napanganga na lang sa mga narinig ko mula kay Hue, ramdam ko sa mga salita niya ang gigil dun sa babae.
Pero...umaarte lang naman siya diba?
Kung ganon, napakagaling niya umarte!Nang humarap ni Hue saken ay walang sali-salita nito akong hinila palayo sa pila namin.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin, kung magpumiglas ba sa hawak niya? Pero sa dami ng mga estudyanteng nakatingin na samen ngayon... Mas pinili ko na lang na magpahila kay Hue patungo sa hindi ko alam kung saan.
"Hoy! Saan ba tayo pupunta?"
"Sa clinic," agad nitong sagot saken, hawak-hawak parin ang kamay ko.
"C-Clinic?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya.
Hindi nito ako sinagot hanggang sa makarating kami sa tapat ng clinic.
Bakit ba ramdam ko parin ang inis niya hanggang ngayon?Matapos bitiwan ang kamay ko ay nakapamulsang humarap saken si Hue. Dahil sa aura niya ngayon, parang ibang Hue tuloy ang kaharap ko.
"Magkunwari ka na nahihilo tapos kunwari hindi tayo magkakilala, okay?" mabilis nitong bilin saken saka walang ano-anong binuksan ang pinto ng clinic.
Ano daw?
(・-・;)ゞ
Naguguluhan man ay wala akong nagawa kundi ang sumunod kay Hue sa loob ng clinic.
"Oh? Bakit hijo, hija? Anong sadya niyo dito?" salubong samen ng babae na nakasuot ng lab-gown.
"Miss, kanina pa kase sumasakit 'tong sikmura ko eh...may painkiller po ba kayo?" ani Hue, humawak pa talaga ito sa may tiyan niya habang umaarte na parang sakit na sakit na talaga.
Nag-drama club ba siya? Ang galing niya kaseng umarte.
=_=May tinawag sa kung saan yung babaeng naka-gown, siya namang dating ng babae na naka-suot ng all blue n uniform.
Matapos bilinan ay inakay na nito si Hue patungo sa linya ng hospital beds."Ikaw hija? Kasama mo ba siya?"
"A-Ah... H-Hindi po. M-Medyo nahihilo po kase ako kaya-"
"Paniguradong siksikan na naman ang mga estudyante dun sa field ano?" biglang sulpot nung babae na siyang umakay kay Hue kanina.
BINABASA MO ANG
I Remember Hue (Completed)
RomanceWhat if your brain lose its ability to store memories? Mia had to live her life with constant memory loss, and the only thing she could remember were her memories before the accident. In her first day of school as a freshman, she met Hue, a second...