MIA's
MATAPOS ang napakahabang biyahe ay ay nagpasya kami ni Hue na palipasan muna ang nalalabi pang mga oras bago mag-umaga sa playground na nasa loob rin lang ng compound.
Bigla ko tuloy naalala yung araw na nilakad namin yung asong pinapabantayan sa kaniya.Ano nga ulit ang pangalan nun... Ah tama! Brownie.
Umupo kami sa may swing na sa kalumaan ng bakal ay tumutunog-tunog na.
May kaunti nang haplos ng dark blue ang langit, ibig-sabihin ay malapit-lapit na ding sumikat ang haring araw. Pero kahit na ganon ay madilim parin sa buong playground, mukha tuloy iyong haunted.
"Mi?" Hindi ko alam kung bakit sa tuwing tinatawag ako ni Hue ng ganoon ay parang kinikiliti ako, if that even make sense?
"B-Bakit?" Nang lingunin ko si Hue ay nakatingala ito sa may langit, dahilan para mapatingala din ako.
Nag-iisa lang ang nakikita kong bituin... Yun din kaya ang tinitingnan ni Hue?"Anong plano mo after college?" Maya-maya ay tanong pa niya.
After college? Sa totoo lang mula nang maaksidente ako isa-isang lumabo ang mga bagay na gusto kong gawin. Na para bang gumagalaw na lang ako ayon sa direksyon ng hangin, gaya ng isang tuyong dahon.
Matapos ang mahabang pag-iisip ay sinagot ko siya.
"Ewan...depende siguro sa kung anong gusto ng magulang ko?""Ang masunurin mo namang anak," may bahid ng pagka-sarkastiko nitong tugon saken, napangiti na lang ako.
"Ayaw mo bang i-try mag-rebelde? ... Ayaw mong lumayo? Mag-travel, tumuklas ng iba't-ibang bagay? O kaya...tumigil sa pag-aaral at mamundok na lang?... Mamuhay malayo sa kabihasnan?" I can't help but turn my gaze to Hue, he sound so dreamy kase.
"Gusto," sabi ko pa habang pinagmamasdan siya, I don't if it's just my memory or his jawline became more prominent than before?
"Kaso hindi pwede." Dagdag ko pa.
Nang lumingon siya sa direksyon ko ay siya namang pagtatama ng mga mata namin.Matagal. Matagal kong tinitigan ang mga mata niya, ang buong mukha niya, at pilit kinabisado yun.
Bigla kong naalala ang sinabi ng doctor ko saken. Posible daw na maging okay ulit ang kondisyon ko basta sundin ko lang ang mga pinapayo niya saken, sana nga, sana, dahil ayoko nang makalimutan pa ang mukha ng lalakeng kaharap ko ngayon.
"Sabihin mo...pano nga ulit tayo nagkakilala?"
Out of nowhere kong tanong kay Hue habang nakatitig parin sa kaniya.Kita ko ang ilang beses niyang pagkurap matapos kong magtanong, maski siguro siya nabigla din sa tanong ko.
"Uh... Sa Van? S-Sa first day of school?." Aniya.
Yun din ang naalala ko...kaso..."Tapos?"
Sa memorya ko, may dalawang posibleng reyalidad na nabuo... Ang salita niya at piraso ng malabo kong ala-ala. Kaso lang, hindi ko alam kung alin ba ang totoo."T-Tapos...umupo ka sa tabi ko—"
"Sabi mo pina-una mo ako diba?""Ah oo, syempre gentleman ako. T-Tapos..."
Inantay ko siyang punan ang mga chapter sa libro naming dalawa na nawawala."Tapos?...Ano na nangyare after nun?"
HUE's
"TAPOS?...Ano na nangyare after nun?"
Hayss! Bakit ba niya ko bigla tinatanong tungkol dun?
Maiinis kaya siya kapag sinabi ko kung pano ko siya tinrato sa una naming pagkikita?
Kung panong nainis ako nang bigla niya akong matapunan ng hawak niyang inumin sa may uniform ko? Sa kung paano ko siya hinusgahan na hindi man lang inaalam ang storya niya?
BINABASA MO ANG
I Remember Hue (Completed)
RomansWhat if your brain lose its ability to store memories? Mia had to live her life with constant memory loss, and the only thing she could remember were her memories before the accident. In her first day of school as a freshman, she met Hue, a second...