MIA's
SUNDAY
Nagising ako sa katok na mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko.
"Ma'am Mia?... Ma'am Mia?"
Dahil umaga, maski kung anong araw na ba ay hindi ko alam. Kahit nga yung boses ng tao na kumakatok sa pinto ko ay hindi ko kilala. Hindi iyon sa mama ko, o sa kung sino mang katulong namin na matagal nang nagsisilbi sa pamilya.
Nang marinig ko ulit ang muling pagtawag saken nung boses sa labas ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, walang kalakas-lakas akong nagtungo sa may pintuan saka iyon binuksan.
Isang babae na medyo bata-bata pa ang itsura ang agad na bumungad saken.
"A-Ah... Ma'am kase m-may naghahanap po sa i-inyo sa labas," Aniya.
May naghahanap saken?"S-Sino daw?" Tanong ko pa dito sabay hikab.
"Lalake po eh... K-kilala niyo daw po siya."
"Ah, sige papasukin mo sa may sala. Antayin niya kamo ako." utos ko dito, kahit pa hindi ko alam kung sino yung lalakeng tinutukoy niya.
Wala talaga akong ideya kung sino yung naghahanap saken, dahil ang tanging natatandaan ko lang ay yun araw ng aksidente. Alam kong lumipas na ang maraming araw... Alam ko ding may ginawa ako sa mga lumipas na araw, yun nga lang hindi ko matandaan.
Mabilisan ang ginawa kong pagligo. Matapos nun ay kinuha ko si Mimo sa ay study table ko saka binasa ang dalawa sa huling entry ko doon.
Si Hue... Hue Gogh Ramirez.
Unti-unti, bumalik ang mga nangyare nung mga nakaraang araw. Kung ano ang ginawa ko, saan ako nag-punta. Yun nga lang hindi lahat. Fragments of the past few days lang.
Pero sapat na yun saken.Aaminin kong nakahinga din ako ng maluwag nang maalala ko agad si Hue, siguro dahil maraming beses ko na siyang nakita? Teka...marami na ba?
Nang makababa ako sa sala ay hindi nga ako nagkamali kung sino ang naghihintay saken doon.
Naka-upo si Hue sa mahaba naming sofa habang nakikipaglaro sa... Aso?
Nang mag-angat ito ng tingin saken ay kaagad siyang ngumiti.
"Bakit andito ka?" Nagtataka kong tanong sa kaniya?
"Ang laki pala ng bahay niyo. Grabe, yung bakuran niyo kasing laki yun ng mismong bahay namin." namamangha pa nitong sabi saken, imbes na sagutin ang tanong ko.
"Nag-almusal ka na?" panibago kong tanong sa kaniya.
"Oo, pero kung aalukin mo ako kakain ako." ani Hue sabay ngisi, wala akong nagawa kundi ang ngumiti na rin lang tutal bisita ko siya, hindi inaasahang bisita.
Sinama ni Hue yung asong dala-dala niya hanggang dining hall. Hindi naman ako allergic sa aso, kaso lang paniguradong magva- vacuum na naman ang mga katulong namin mamaya.
Kung hindi ako nagkakamali, retriever yung lahi ng aso. Light brown ang makapal nitong buhok at talaga nga naming malaking aso.
"Sabi na eh, mayaman ka." usal ni Hue habang kumakain kami.
"Pano mo naman nasabi?"
"Hmm, kase ilang beses na kitang nakikitang hinahatid-sundo ng itim na kotse. At base sa tatak nun, mamahalin yun." tumango-tango ako sa mga sinabi niya, napaisip tuloy ako kung palagi ba niya akong nakikita sa parking?
"Teka... Wala ba mga magulang mo dito? Baka ma—"
"Nasa business trips sila kaya ayos lang na magpapasok ako ng tao." agad kong putol sa sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
I Remember Hue (Completed)
Storie d'amoreWhat if your brain lose its ability to store memories? Mia had to live her life with constant memory loss, and the only thing she could remember were her memories before the accident. In her first day of school as a freshman, she met Hue, a second...