MIA's
HUE and I scheduled next weekend ang pagpunta namin sa amusement park. Gustuhin ko man na samahan siya sa susunod na araw ay hindi rin pwede dahil may schedule ako for check-ups.
Gaya dati, mag-isa akong pumunta sa hospital. As usual kase ay may kaniya-kaniya na namang lakad sina mama. Well, ayos na din dahil ayokong makita ang mga mukha nila kapag sinabi na naman ng doctor na ituloy ko lang whatever I'm doing...kesyo nakakatulong daw.
At ganon nga ang nangyare.Hindi ko alam kung kailan dadating ang araw na iba naman ang sasabihin ng doctor saken, para kasing scripted na ang lahat ng sinasabi niya eh.
Hindi ko alam kung masyado lang ba akong skeptic kaya hindi ko magawang paniwalaan ang sinasabi niya.
Maaga pa nang maka-uwi ako. Kaagad akong umakyat sa kwarto ko at pabagsak na ihiniga ang katawan sa kama. Sa hindi malamang dahilan, bigla kong naalala si Hue. May ginagawa kaya siya? Sana pala ngayon na lang kami pumunta sa amusement park.
Tawagan ko kaya siya?
Kaagad akong umupo sa kama at hinanap ang phone ko sa bag. Nang makita iyon ay kaagad kong hinahanap ang pangalan ni Hue sa contacts ko.
Pagkatapos ng tatlong ring ay sinagot din niya, bigla namang hindi ko malaman ang sasabihin.
"H-Hue? Uhm... B-Busy ka ba?"
Dinig ko ang pagtikhim niya sa kabilang linya bago ko marinig ang boses nito."Uhmm, tinutulungan ko kase si... s-si mama sa bakery eh." Aniya.
" Ah ganon ba? " Pilit kong itinago ang pagkadismaya ko sa sagot niya.
Kung ganon buong maghapon akong walang gagawin ngayon.
"B-Bakit? May problema ba?"
Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero...parang may kung ano sa boses niya ngayon, sobrang bigat din ng paghinga niya sa kabilang linya.(˘・_・˘)
Bakit kaya? Ayos lang ba siya?
HUE's
BAKIT ba wrong timing ang tawag niya ngayon?
I am lying in my bed, hugging my knees, while my other hand hold the phone in my ear. I'm trying my best not to scream in pain and breathe as normal as I could but I just can't.
Uminom na ako ng painkillers at inaantay na lamang ang pag-epekto ng mga yun kaso bigla namang tumawag si Mia saken.
Gustuhin ko mang balewalain, nung makita ko ang pangalan niya sa screen ng phone ko, I just found myself holding the phone against my ear.
"Wala naman, kakauwi ko lang kase galing sa check-up ko...T-Teka, baka naiistorbo na kita eh, baba ko—"
"Hindi, wag!" Agad kong pigil sa kaniya. May kung ano sa boses niya na gustong-gusto kong marinig. Magaan yun na para kang hinahaplos."Magkwento ko... A-anong nangyare?" Hikayat ko sa kaniya kasabay ang mariing pagpikit ng bigla na namang sumipa ang sakit ng ulo ko. Para yung binibiyak at hinahampas sa pader ng paulit-ulit.
"Hmm, wala namang magandang nangyare. Yung doctor...paulit-ulit lang siya ng sinasabi saken... He told me how I'm improving but I just can't see my improvement?" Ramdam ko ang lungkot ng boses niya.
"Baka naman nagi-improve na talaga ang kondisyon mo... t-try to look at the smallest things, they make up a whole." I said, trying my best to cheer her up.
Sana hindi niya napapansin ang boses ko."Sabagay, may point ka."
"Cheer up... you are improving, claim it." Ramdam ko na ang epekto ng painkillers sa katawan ko, maski rin ang antok na binibigay ng mga yun.
Doon ko rin lang napansin si mama na nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko, kahit na nasa malayo kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya, wala akong ibang maisip na gawin para alisin yun liban sa pag-ngiti.
Bago ipagpatuloy ang sinasabi ko kay Mia ay hinayaan ko nang pumikit ang mga mata ko.
" Trust in the process, magiging okay ka din." Parang siguradong-siguradong sabi ko pa sa kaniya.
"Hmm, yeah...Siya nga pala, bukas..."
Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod niyang sinabi...
Bukas? anong gusto mong gawin bukas Mia?
Kapag nagising ako, sabihin mo ulit saken.MIA's
"HMM, yeah... Siya nga pala, bukas dadaan ako sa bakery ng mama mo. Oo na, masarap ang gawa niya. Staka... K-Kung gusto mo...uhm...sabay tayo pumasok?" Hindi ko pinahalata ang excitement sa boses ko nang banggitin ko kung gusto niyang sabay na lang kami pumasok. Gusto ko din kaseng sumakay ulit sa motor niya.
Nag-hintay ako sa sagot ni Hue pero halos ilang segundo na din ang lumipas ay wala parin akong naririnig. Dinig na dinig ko ang kalmado na niyang pag-hinga sa kabilang linya.
Ano bang ginagawa niya?
"Hue? Hoy Hue?!... Halaka siya? Hue?"
Inilayo ko sa tenga ko yung phone para tignan yung screen, hindi naman niya ako binabaan pero hindi ko naririnig ang boses niya sa kabilang linya.
Muli kong inilapit ang phone ko sa tenga ko at maiging pinakinggan ang linya ni Hue.Wala akong ibang marinig kundi ang kalmadong paghinga sa kabilang linya. Hanggang sa makarinig ako ng kaluskos, at maya-maya pa ay isang hindi pamilyar na boses sa speaker ng phone ko.
"H-Hello? " Boses ng babae iyon at tunog matanda na, mama siguro ni Hue?
"Ah... Hello po?" Magalang kong tugon.
"Ah, hija? K-Kase... Nakatulog na ang anak ko, pasensya ka na ha?" Sobrang gaan ng boses niya.
"Ah, ganon po ba? Sige po, tatawag na lang po ulit ako. Goodnight po!"
"Sige, goodnight na din hija." Dinig kong habol nito bago ko pindutin ang pulang buton sa cellphone ko.Naiwan akong naka-upo sa kama ko, naguguluhan sa nangyare. Nakatulog? Tinulugan niya ako?!
"Grabe naman tong lalakeng to... Hindi man lang nag-goodnight?" Kausap ko sa phone ko.
Hm?
Ang aga pa pero nakatulog na siya?
Ano ba yun?
.
.
.

BINABASA MO ANG
I Remember Hue (Completed)
RomanceWhat if your brain lose its ability to store memories? Mia had to live her life with constant memory loss, and the only thing she could remember were her memories before the accident. In her first day of school as a freshman, she met Hue, a second...