MIA's
TSK!
May lakas pa talaga siyang tawanan ako? Grabe! Bilib na bilib siguro siya sa kagwapuhan niya para sabihin niyang ang panget ko mag-pose!
(눈‸눈)
Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o talagang totoong panget yung pose ko. Hindi naman mukhang pang-id picture yung pose ko eh, grabe siya...eh ganon ako magpa-picture kahit dati pa eh, pero wala akong matandaang may lumait saken.
Bwiset ka Hue!
Gumaganti ba siya dahil sa mga sinakyan namin sa amusement park? Hayss ewan!
Para ipakita sa kaniyang nasaktan ako ay tahimik lang ako buong biyahe namin.
Ipinarada ni Hue yung motor sa mismong tapat ng gate ng bahay namin.
"Nag-enjoy ako, salamat." Ani Hue pagkababa namin sa motor niya.
"Hmm." Maikling tugon ko habang tinatanggal yung helmet.
Pabagsak kong ini-abot yung helmet kay Hue saka agad nang tumalikod. Ang nakakainis lang, hindi man lang niya ako pinigilan!
Hindi ba obvious na galit ako?!
Nakakainis naman 'to. Kaka-sorry niya lang kaninang umaga dahil tinulugan niya ako nung nakaraan, tapos matatapos ang araw na galit ulit ako sa kaniya?
Hayss!
"Bwiset ka talaga Hue!" Kausap ko sa sarili ko.
Malakas kong isinara yung gate pagkapasok ko, dahilan para mapatalon ko sa gulat yung guard na nagbabantay.
"Ah, Good evening ma'am!" Bati nito saken. Dahil wala sa mood ay tipid na ngiti na lang ang isinagot ko sa kaniya saka nagdire-diretso na sa paglalakad.
Nang sumunod na araw ay wala akong natanggap na text kay Hue. Hindi sa inaabangan kong mag-sorry siya, which is mukhang wala siyang balak gawin. Hayss! Kapag naiisip ko yung sinabi niya saken naiinis talaga ako!
Kinailangan kong tumambay sa library sa lunch time ko dahil malapit na ang deadline nung synthesis paper sa isa sa mga subject ko.
Hindi ako masyadong nakapag-focus dahil maya't-maya ang pagchi-check ko sa phone ko, baka kase inaantay ako ni Hue dun sa may Lagoon.
At ano naman ngayon kung inaantay niya ako?! Aish! Bahala siya!
"Focus Mia, focus!"
Kaso ang hirap talaga mag-focus!
Hayss, ano ba ang nangyayare saken?!
Para na akong masisiraan ng ulo, maya't-maya akong dinadalaw ni Hue sa isip ko!
Aaminin kong nalungkot talaga ako nang matapos ang araw na wala man lang kahit isang text si Hue saken. Hindi ko rin nakita yung motor niya sa parking lot nang sunduin na ako ng driver ko.
Pero ang hindi ko maintindihan, bakit ako affected ng ganito?
Eh ano kung hindi ko siya nakita? Eh ano kung wala siyang paramdam man lang saken?
Bakit ba sobra akong naapektuhan?
Parang... Parang walang katuturan ang araw na 'to.
"Ano ba tong sinasabi ko?"
"M-Ma'am?"
Aish! Hindi ko napansing nasabi ko pala yun ng malakas.
"Ah w-wala Mr. John, a-ang traffic kase." Palusot ko kahit hindi naman talaga ganon ka-traffic.
Pagka-uwi ko ay dumiretso na agad ako sa kwarto. Maid namin ang sumalubong saken pagpasok kaya alam ko na agad na wala sa bahay si Mom. Mas lalo lang nung pinalungkot ang araw ko.
Dumating ang Tuesday at wala paring paramdam si Hue. Hindi naman sa affected ako, siguro hindi lang talaga ako sanay na walang mahangin na lalake sa tabi ko. Wala rin naman akong kadaldalan sa classroom namin, kulang na nga lang sabihin kong panis na ang laway ko dahil ni isang salita wala pa atang lumalabas sa bibig ko buong araw.
BINABASA MO ANG
I Remember Hue (Completed)
RomanceWhat if your brain lose its ability to store memories? Mia had to live her life with constant memory loss, and the only thing she could remember were her memories before the accident. In her first day of school as a freshman, she met Hue, a second...
