Chapter 21

31 0 0
                                    


HUE's

NAGISING ako sa pamilyar na boses ni Mama, naaamoy ko ang pabangong gamit niya kaya alam kong nasa tabi ko lang siya.
Hindi nga ako nagkamali nang magdilat ako ng mga mata.

"Oh, buti at gising ka na anak." Ani mama sabay ayos sa mga buhok na nasa noo ko.

Nasa may maliit na sala naman sina Mia at papa nag-aayos ng pagkain, mukhang naging magaan agad ang pagtanggap nila sa kaniya.

"Nag-luto ang mama ni Mia, sakto lang ang paggising mo para sa hapunan." Si papa, kita kong may something sa ngiti niya nang banggitin niya ang pangalan ni Mia.

Nang maglipat naman ako ng tingin kay Mia, kahit sa malayo ay kitang-kita ko ang pamumula ng ilong niya, pati na din ang namumugto niyang mata. Kakatahan niya lang kaya?

Habang kumakain ay nag-uusap si papa at si Mia tungkol sa plano nito after college. Kanina ko rin lang nalaman na professor pala ni Mia si papa sa isa nitong subject, gusto ko sanang asarin si Mia tungkol sa pagiging makakalimutin niya kaso siya ang nagsusubo saken ng pagkain.

(• ▽ •;)

Hindi ko mapagilang hindi ngumiti habang pinapanood silang mag-usap, sayang lang at hindi ko natupad ang sinabi ko noon kay Mia na yayain ko siyang mag-dinner sa bahay. Nakakainis pa dahil sa hospital kami ngayon sabay-sabay na kumakain.

I immediately dismissed that sad thought bago pa 'yon mapansin nina Mia.

Sa pakikinig ko sa usapan nila ay nalaman ko na ang balak na ni Mia ay mag- volunteer teacher sa mga malalayong lugar dito sa pilipinas at maski sa ibang bansa. Yun daw talaga ang gusto niyang gawin at kahit hindi supported ang papa niya ay pinipilit niyang ipakita sa papa niya na kaya niya ang kursong tinahak niya.

Gusto ko din sanang ipagmayabang ang kursong kinuha ko kaso hindi ko na alam kung matatapos ko ba yun. Mula pa nung bata ako mahilig na talaga akong gumawa ng maliliit na bahay kaya naman desidido na ako dati pa na kumuha ng kursong engineering.

Kaya lang mukhang literal na magiging drawing na lang ang mga blueprint na pinaghirapan kong gawin.

Matapos kumain ay naglalakad-lakad kami ni Mia sa labas. Gabi na din at alam kong dapat na siyang umuwi, pero ayoko pa siyang pakawalan, ganun palagi, basta kasama ko siya kalmado lang ako, maski mga problema ko kumakalma din.

Selfish na kung selfish pero gusto ko na kasama ko lang siya palagi,
hanggat may oras pa.



MIA's

"HAYSS, nakakahiya talaga ano?" Basag ko sa katahimikan sa paggitan namin ni Hue.

Sobrang tahimik ng pathwalk na nilalakaran namin. May iilang mga puno sa paligid, mas marami nga lang ang mga bulaklak. Tanging kaming dalawa lang ni Hue ang nakikita kong naglalakad, okay na sana ang lahat ... Kung wala lang siguro kami sa hospital.

"Ang alin?"

"Yung maalala ng papa mo na prof ko siya pero ako, ayun syempre hindi na naman maalala... Actually, pamilyar na talaga ang mukha ng papa ni Hue saken nung magkita kami dito, kaso hindi ko lang sigurado kung saan ko siya nakikita. " paliwanag ko kay Hue.

Actually improvement ko na ngang maitatawag na maka-alala ng pamilyar na mukha sa sitwasyon ko. Pero mas malaking improvement ang palagi nang maalala si Hue.

Nung huli kong visit sa doctor ko, sabi niya magandang sign daw yun, at siguro dahil na rin madalas kaming magkita at naging malapit kaya mas natatandaan ko si Hue kesa sa ibang tao.

O baka dahil rin sa madalas siyang tumakbo sa isip ko, lalo na sa mga araw na hindi ko siya nakikita.

"Alam naman ni papa ang case mo, buti nga siya naalala ka  eh ulyanin din yun na gaya mo eh." Biro pa ni Hue saken. Kung wala lang siyang suwero ay hinampas ko na siya ng malakas sa balikat niya, tsk.

I Remember Hue (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon