MIA'sTAHIMIK lang akong naka-upo sa tapat ng kama ni Hue habang hinihintay ang paggising niya, nang lumapit ang doctor saken ay agad kong tinanong ang lagay ni Hue.
"Kailangan kong maka-usap ang parents ng pasyente, hija?" Sagot nito saken.
"W-Wala po kase kong number nila eh, p-pero okay lang siya diba?"
Bago pa man ako masagot nang doctor ay dalawang pamilyar na tao ang bigla na lamang lumapit sa direksyon namin.Ang mama ni Hue kasama ang isa pang matandang lalake na tingin ko ay papa naman ni Hue.
Pagdating ng parents niya a inilipat na siya sa mas malaki pang kwarto, nang tanungin ko ang nurse na nagchi-check sa kaniya ay sinabi niya lang saken na may mga test pang kailangang gawin kay Hue bago siya i-discharge kaya mag-antay na lang daw ako sa result.
Alam kong dapat na akong umuwi dahil gabi na at hanggang 5 ng hapon lang ang paalam ko kay Mom, kaso hindi ko kayang umalis na hindi nakikitang gising na si Hue. Kaya naman tumawag na ako kay Mom, sinabi ko ang nangyare at dahil kilala niya si Hue ay sinabihan niya lang ako na mag-text once pauwi na ako para masundo nila ako.
Saktong pagkababa ko nang phone ko nagising na din si Hue. Kaagad akong lumapit para kamustahin siya.
"Kamusta ka? A-Anong nararamdaman mo?"
"Ayos na ako. Ano palang nangyare?"
Kaagad ko namang kinwento sa kaniya kung paanong nasalo ko siya nang pabagsak na siya sa semento, hindi ko sinabi kung paanong sobra akong kinabahan nang bigla na lang siyang mawalan ng malay sa tabi ko."Kinausap ng doctor yung parents mo, ang tagal nga nila bumalik eh kaya hindi kita maiwan-iwan." Sabi ko pa, pero ang totoo ay gusto kong makasiguradong okay siya bago ako umalis...at kung pwede, huwag na niya akong pag-alalahanin ng ganito ulit.
"Dapat kase natulog ka parin kahit madami kayong ginagawa. Aanhin mo ang magandang grades kung sa hospital din ang bagsak mo? Tsk! Pinag-alala mo pa tuloy ang mama mo." Sermon ko sa kaniya, pero ang loko nagawa pang ngumiti saken.
"Ikaw ba, nag-alala saken?" May kung ano akong naramdaman sa tanong niyang yun, dahilan para agad akong mag-iwas ng tingin.
Hayss, kung alam mo lang kung gano ako nag-alala Hue.
"M-Malamang! Kaibigan kita eh. Alangan naman na tawanan kita?" Nagmamatapang kong sagot sa kaniya.
Nag-hintay ako sa sagot niya, pero nang tignan ko siya ay mas lumawak pa ang ngiti niya sa labi.
Hala ka siya. Hindi naman nauntog ang ulo niya ah?
"Sabi mo eh." Aniya. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin dun, at kahit pa gusto kong itanong alam kong kailangan niya pang bumawi ng tulog kaya pilit ko siyang pinagpahinga ulit, baka mamaya himatayin na naman siya at mabigat pa naman siyang tao!
"Sige na, bumawi ka pa ng tulog at kailangan ko na ding umalis."
Tumayo na ako para mag-paalam na, pero hindi pa man ako nakakapag-paalam ay hinawakan na lang bigla ni Hue ang kamay ko.Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig ng kamay niya ang kuryenteng umakyat sa katawan ko, o baka sa gulat?
"Dito ka muna,"
"H-Huh? ....K-Kailangan mo pa ba ng maghi-hele sayo?" Pilosopo kong sagot.
"Hindi...pero gusto ko nandito ka."
Ayun na naman yung pakiramdam na yun...ramdam ko na naman ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko... Ano bang nangyayare saken?
"A-Andito naman parents mo,"
BINABASA MO ANG
I Remember Hue (Completed)
RomanceWhat if your brain lose its ability to store memories? Mia had to live her life with constant memory loss, and the only thing she could remember were her memories before the accident. In her first day of school as a freshman, she met Hue, a second...