Kabanata 14

2.6K 72 15
                                    

Note: The next following chapters will all be third person's point of view, my lovees. Enjoy reading♡

-

Third Person's POV

Pagkadilat ng mata ni Freyja ay agad siyang napangiti na makita ang Supremo sa coffee table sa kanilang kwarto. Magulo pa ang buhok nito at wala pang pang-itaas na damit.

Nagtaka siya ng may kung anong bumara sakanyang lalamunan at ang biglang pag-usbong ng galit sa kanyang dibdib habang tinitignan ang Supremo. Nagkibit-balikat lang siya at tumayo na mula sa pagkakahiga. Nagulat pa nga siya ng may umalalay pa sakanya sa kanyang pagtayo.

Nakangiti niyang nilingon si Supremo Luke. "Ba't parang ang clingy mo ngayon masyado, Luke?" tanong niya dito pero nginitian lang siya ng lalaki. Natutuwa niyang pinagmasdan ang dimple nito sa pisngi at wala sa hulog na hinawakan ang sariling pisngi.

Gusto ko rin ng dimples.

Sabi ni Freyja sa kanyang sarili at napanguso. Napatitig sakanya si Luke. "Why? Does your cheeks hurt?" napapitlag siya sa biglaang paghaplos ng lalaki sa kanyang pisngi.

Agad siyang nagiwas ng tingin at kumawala sa pagkakahawak nito. Naglakad siya papunta sa banyo para magmumog. Nahihiya siya dahil pakiramdam niya ay bad breath siya.

Sinarado niya ang pinto at napapailing na tinitigan ang repleksyon sa salamin. Tumigilid siya at pinagmasdan ang tiyan. Napangiti siya dahil kitang-kita na ang ulbok no'n.

Bumaba na siya para magagahan. Sabay silang kumain ni Luke pero mas naunang natapos si Freyja. Nagpaalam siya kay Luke na maliligo na siya at tumango lang ang lalaki bilang sagot.

Nang tuluyang mawala sa kanilang paningin ay nagkatitigan si Luke at ang katulong sa kanyang harap. Nilapitan niya iyon at agad na siniil ng halik. Sinandal niya ang babae sa countertop at inupo do'n, hindi pa din pinuputol ang halik.

Sabay silang naghabol ng hininga ng matapos ang halikan. Nagtitigan sila sa mata at makikita mong mahal nga talaga nila ang isa't isa.

"It's successful, babe. Let's proceed with our plan." tumago ang babae. Naghalikan pa muli sila bago tuluyang naghiwalay. Nagpatuloy sa pagkain si Luke na parang walang nangyari.

Sa kabilang banda, nakasandal si Freyja sa pader habang nakatakip ang isang kamay sa bibig para pigilan ang paghikbi. Nakita niya ang lahat. Nakita niya kung pa'no siya pagtaksilan ni Supremo Luke.

Pero siya ay napa-isip. Pagtataksil ba ito kung matatawag kahit wala naman silang relasyon sa isa't isa? Ang kanilang magiging anak lang ang dahilan kung bakit magkasama pa rin silang hanggang ngayon. Kung bakit siya pinasama ni Supremo sa kanyang bahay.

Napa-iling si Freyja bago umayos ng tayo. Pinunasan ang luha at naglakad pabalik sa kanilang kwarto para maligo. Napabuntong-hininga siya at tahimik na naghanda ng susuotin.

Tinulungan niya si Supremo na isuot ang necktie nito. Hindi nagawang titigan ni Freyja sa mata ang lalaki na nasa harap dahil lumilitaw ang imahe ng pagkikipaghalikan ni Luke sa katulong kanina.

Tipid siyang ngumiti bago sinuklayan ang basang buhok. Hindi siya nakagalaw ng bigla siyang yakapin ni Supremo mula sa likod. Napakagat siya sa labi.

She's disgusted and she doesn't know why.

Tinanggal niya ang pagkakapulopot ng lalaki sa kanyang tiyan at pinagpatuloy ang ginagawa. "Ako nalang ang kukuha ng module's ko." sabi ni Freja habang naglalagay ng lip gloss sa labi.

Nanlaki ang mata ng impostor sa sinabi ng babae.

Hindi. Malaki ang tyansa na magkita nanaman sila ni Kuya. Masisira ang plano namin ni Aislin.

Nasabi ng nagpapanggap bilang si Supremo na kakambal lang talaga ng tunay na Supremo. Napakagay siya sa kanyang labi bago inayos ang cuffs niya.

"No, baka mapagod ka. Ako nalang since papasok ako." pormal niyang sagot sa babae. Sinuot niya ang blazer at kinuha ang bag.

Nilingon siya ni Freyja at malungkot na tinignan sa mata.

"Okay." malungkot na sabi ni Freyja at naglakad papalapit sa bookshelves. Sinundan lang siya ng tingin ni Lukashenko.

Kinuha ni Freyja ang libro na may pamagat na, 'A Mother's Guide'. Nakangiti niya iyong binuklat. Nakahinga ng maluwag si Lukashenko at tuluyang lumabas ng kanilang kwarto.

Nang marinig ang papaalis na sasakyan ni Freyja, sumilip siya at napailing ng makotang magkasabay nanaman ang katulong at ang kanyang Supremo.

Itinabi niya ang libro at kinuha ang cellphone. Napangiti siya na makita ang inaasahan na mensahe do'n. Nag-tipa siya at matapos ng ilang minutong pakikipagusap, dinelete niya agad iyon.

Sa kabilang banda, lumiko sa ibang daan si Lukashenko dahil hindi naman talaga sa paaralan ang kanyang diretso. Bakit pa niya kakailanganin magpanggap hanggang do'n eh ando'n naman na ang totong Supremo.

Napangisi siya at hinaplos ang hita ng asawa sa kanyang tabi. Humagikgik ang kanyang asawa at hinalikan siya sa pisngi. Napangiti siya dahil do'n.

"Don't seduce me, babe. Baka maaksidente tayo nito." aniya at mas binilisan ang pagda-drive. Binaba niya ang bubong ng kanyang Aston Martin.

Sa may Student Council office naman, nakaupo lang si Luke habang nagpipirma ng mga papeles. Napatingin siya sa pintuan.

"Come in." ani Luke at pumasok ang lalaking may pangatlong ranggo. Nginisian siya nito bago umupo sa itim na sofa sa loob ng office.

"Well, she acts very well. Pati ako ay napapaniwala niya." ani ni Lohr, ang may pangatlong ranggo.

Nginisian lang siya ng Supremo Luke. "Any newsabout the others?" tanong ni Luke at nagpatuloy sa pagpirma.

Tumawa si Lohr at napa-iling. "Siraulo pa din. Ginagawang laro ang trabaho nila. Pa'no ba 'yan, boss? Sibat na 'ko." tinaguan lang siya ni Supremo.

Napangiti siya habang tinitignan ang kanyang cellphone. Naka-offline na ang babae kaya paniguradong ginagawa na nito ang kanyang misyon.

"I hope you'll do well, baby." bulong nito sa sarili.

Napa-hastsing si Freyja habang nagbabasa ng libro. Kumunot ang noo niya at naalala ang kasabihan.

Sino naman kaya ang nakaalala o naguusap ng tungkol sa 'kin?

Tanong niya sa sarili at nagpatuloy sa pagbabasa ng magazine. Ngumisi lang siya ng matukoy kung sino ito.

to be continued...

Supremo Got Me Pregnant (Mafioso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon