Chapter 35

1.2K 32 2
                                    

Freyja.

Mahigpit ang pagkakayakap ko sa aking katabi. Napa-ungol ako bago unti-unting dinilat ang aking mga mata. Napapikit ulit ako nang direktang tumama ang sinag ng araw sa 'king mga mata.

Tumayo ako at sinarado ang kurtina, dumilim tuloy ang buong kwarto. Napalingon ako sa gwapong tulog na tulog pa rin sa ibabaw ng kama. Maingat akong lumapit bago umupo sa tiyan niya.

Mabilis siyang napadilat at nanlaki ang mata na para bang nahihirapan.

"Shit, can't... breathe." napanguso ako bago umalis sa pagkakaupo sa tiyan niya. Tumalikod ako sakanya habang siya ay naghahabol ng hininga niya.

"Damn, how did you got this heavy?" mabilis ko siyang nilingon at tinignan ng masama kaya naman natikom niya agad ang kaniyang bibig.

"Syempre! Gusto mo palit tayo ng sitwasyon nang magkaalaman huh, Lukeshawn?" sabi ko habang nakataas ang isang kilay.

Napangiti siya bago tuluyang tuamwa habang hawak ang tiyan niya. Hinila niya ako palapit sa kaniya, hinalikan niya ang aking tiyan bago ako hinalikan sa pisngi.

"Good morning, baby. Why getting so grumpy early in the morning?" mabilis na natunaw ang pagkainis ko sakanya nang gamitin niya ang malambing niyang boses habang kausap ako.

Nagkunwari akong umirap bago siya tinulak nang marahan palayo sa 'kin. But he already buried his face on neck. I could feel his breath that's why I couldn't help but to giggle a little.

"Baby, do you want to eat out later? Dinner?"

"Ikaw bahala." he just whined and snuggled me more.

We spent hours just cuddling each other and talking about stuffs, like school stuffs. Napakamot ako sa ulo ko nang maalala kong natigil na pala ako sa pag-aaral.

"Don't worry, pinapasagutan ko ang module sa iba para hindi mo na kailangang umulit." sagot niya nang tanungin ko siya.

Hinampas ko siya sa braso, "Ano ka ba, okay lang naman na tumigil muna ako! Pagkapanganak ko ay tsaka ako mag-aaral ulit. Gusto kong may matuthnan sa school no." paliwanag ko sakanya.

"But, gusto ko sabay tayo mag-work. You'll work for me." he said and looked at me with puppy eyes. Inirapan ko siya bago tinulak ang mukha palayo sa 'kin.

"Ano namang trabaho ko?"

"My wife." natawa ako.

"What? Ayoko nga." ngumuso siya at tinignan ako ng masama.

"What? You don't want to be ny wife?"

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin, kukuha muna ako ng experience sa ibang company bago ako magtrabaho sa'yo." malambing kong paliwanag at hinalikan siya sa pisngi.

Biglang may kumatok kaya napatigil kaming dalawa. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Hindi ko nakita kung sino ang kumatok pero biglan nalang lumukot ang mukha ni Luke.

Nang bumalik siya sa 'kin ay mukhang malalim ang iniisip niya. Nilapitan ko siya at niyakap sa braso.

"Kain tayo sa labas?"

Pagkatapos mag-bihis ay dumiretso kami sa isang Japanese restaurant. Siya ang nag-order at nakangiti ako sakanya pero siya ay blangko lang ang ekspresyon. Mukhang malalim pa rin ang iniisip.

"Luke, may problema ba?" nag-aalala kong tanong. Bumalik siya sa wisyo at napatingin sa 'kin. Umiling siya at hinalikan ako sa noo.

"It's nothing." pagre-reassure niya sa 'kin at ngumiti kaya ngumiti nalang din ako. Dumating na ang order namin.

Tahimik lang kaming kumain at nang matapos ay dumiretso kami sa mall. Dapit hapon na kaya medyo dumidilim na. Namili kami dahil gusto niya daw akong bilhan ng mga damit.

Habang pabalik kami sa sasakyan niya ay may biglang sumulpot na lalaki sa likuran namin. Noong una ay akala ko sinusundan kami pero nakahinga ako nang maluwag dahil nilagpasan niya lang kami.

Nginitian ko si Luke. Nang makarating kami sa tapat ng sasakyan niya ay tumunog ang cellphone niya. Nag-paalam siya na sasagutin sandali ang tawag at lumayo sa pwesto ko.

Sumandal ako sa kotse habang hinihintay siya. Pero nagulat ako nang biglang sumulpot ang lalaki kanina. Tinakpan niya ang bibig ko bago inundayan ng saksak sa tiyan.

Mabilis siyang tumakbo paalis habang ako at napaupo. Sinapo ko ang tiyan ko kung sa'n umaagos ang dugo. Malakas ang kalabog ng puso ko. Diniinan ko ang pagkakahawak sa may hiwa para hindi makawala ang dugo.

Kita ko sa gilid ng aking mga mata ang paglapit ni Luke sa pwesto ko. Binulsa niya g cellphone bago napatingin sa 'kin. Nanlaki ang mata niya at mabilis akong nilapitan.

Hinaplos ko ang pisngi niya bago ngumiti. Unti-unti na akong nawawalan ng malay

"Iligtas mo ang anak natin...."

Supremo Got Me Pregnant (Mafioso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon