Kabanata 17

2.3K 70 19
                                    

Freyja.

Nakangiti ako habang nagi-impake ng gamit ko. Kaunti lang ang dinala kong damit dahil alam kong hindi rin naman kami magtatahal do'n.

Palawan. Ano nga bang mayro'n sa Palawan at do'n ko ginustong pumunta? Nan‐-

"Hon, are you ready?" napatigil ako sa pagkausap sa sarili at napalingon sa pintuan. Hon? Kailan pa kami nagkaroon ng endearment?

Napairap nalang amo at sinarado ang aking maleta. Binaba ko iyon sa sahig bago naglakad papalapit sa vanity para mag-ayos ng mukha. Hindi na ako nag-abalang sagutin ang tanong ni Lukashensko dahil obvious naman siguro na hindi pa ako tapos.

"Freyja! I'm asking you!" gulat akong napalingon sa pintuan. And'yan pa rin pala siya? Nagpakawal ako ng hininga bago nagsalita,

"Hindi pa! Teka lang!" sigaw ko pabalik at humarap ulit sa salamin. Mas binilisan ko na ang kilos ko ngayon. Nakarinig ako ng mga yabag palayo kaya naman nakahinga na ako ng maluwag.

Kahit nasa malayo siya ay nasasakal pa din ako sa presensya niya. Feeling ko laging may masamang mangyayari sa 'kin sa tuwing nasa tabi ko siya, tsk.

Tumayo ako ng matapos maglagay ng light makeup sa mukha. Ngumiti ako sa salamin bago naglakad papunta sa walk-in closet namin.

"Aray." mahina kong daing ng may matamaan ang paa ko. Pagtingin ko sa sahig ay nakahiga na ang maleta ko. Napailing nalang ako sa sobrang pagka-clumsy ko.

Yuyuko na sana ako para kunin iyon pero hindi ko nagawa dahil sa aking tiyan. Kumunot ang noo ko at umayos ng tayo. Nag-try ako ng ibang pwesto pero hindi ko pa din maabot. Hala, mukhang 'di na ako makakayuko ngayon ah.

Napadantay ako sa bewang ko ng sumakit ang aking balakang. Napapikit ako ng kumirot ang balakang ko.

Ano ba 'yan, baby. Huwag mo naman masyado pahirapan ang mommy.

Umupo ako sa ibabaw ng kama, "Luka... Lukee!!! Halika dito, dalian mo!" sigaw ko. Narinig ko naman ang mga yabag papalapit bago bumukas ang pinto.

Pumasok si Lukashenko at huminto sa harapan ko nang may nagtatankng na mata. Nginuso ako ang nakahigang maleta sa sahig at na-gets naman niya ang ibig kong sabihin kaya tinayo niya iyon.

"Salamat. Pakuha nga din ng sneakers ko do'n." nginuso ko naman ang walk-in closet. Nginitian niya lang ako bago tumalikod para gawin ang aking inuutos.

Nakita ko sa salamin ang ekspresyon niya. Nakakunot ang noo at halos mag-dikit na ang kilay habang nakasimangot. Napalunok ako at umayos ng upo. Ito ang pinakanakakatakot na kailangan kong pagdaanana araw-araw.

"Here." inilagay niya sa harap ng paanan ko ang puting sneakers. Pilit kong inabot iyon pero hindi ko na talaga kaya. Pagkatapos ng ilang segundong pagta-try ay tumigil na ako at hinabol ang hininga.

"Tsk, ako na nga." sikreto akong napangiti ng lumuhod si Lukashenko sa harap ko at siya na ang nagsuot sa 'kin.

Tahimik lang ako nakadungaw sa labas ng bintana, pinapanood ang pagkulay kahel ng kalangitan at ang paglubog ng araw. Tahimik lang din si Lukashenko na nagda-drive. Kaming dalawa lang ang nasa loob.

Nag-stop ang sasakyan sa tapat ng isang gasolinahan na may grocery store. Bumaba din ako ng bumaba siya. Kinunutan niya ako ng noo.

"Where are you going?" tanong niya sa 'kin. Tinuro ko ang grocery store. Inabutan niya ako ng credit card.

Naglakad na ako papasok sa grocery store. Bumili ako ng mga junk foods at inumin. Mahaba-haba pa ang byahe. Pagkatapos magbayad ay tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Mabilis akong naglakad papalapit sa sasakyan. Sinalubong ako ni Lukashenko at kinuha niya ang dala kong plastic.

"Teka lang, naiihi na ako." lagi na akong naiihi nitong mga nakaraang buwan dahil inom ng inom ako ng tubig.

Pumasok ako sa plikuran na para babae at chineck kung may tao ba sa mga cubicle. Nang may biglang tumakip sa bibig ko at hinila ako papasok sa isa sa mga cubicle. Nagpumiglas ako sa pagkakahawak ng taong nasa likuran ko.

"Shh..." nakahinga ako ng maluwag ng maaninagan si Luke.

Kinurot ko ang magkabilang pisngi niya at pinanggigilan. Hindi ko pa din makalimutan kung ga'no kalakas niyang pinalo ang baril sa noo ko.

"Ouchhh.... wait, baby. You're hurting me." binitawan ako pisngi niya at inismiran siya. Tinulak ko siya-gamit ang lahat ng lakas ko-palabas ng cubicle.

Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyang makaihi. Ni-flush ko muna bago ako lumabas. Nakasandal lang si Luke habang nakatingin sa susunod kong gagawin.

Naghugas ulit ako ng kamay bago siya hinarap. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Anong ginagawa mo dit-" napatigil ako sa pagsasalita ng lumapit siya sa'kin at biglang lumuhod. Nanlaki ang mata ko.

Omy gosh! Ito na ba talaga?!

Napatigil ako sa pagi-ilusyon ng tumayo na siya at kinurot ang pisngi ko. Pinitik niya din ang noo ko kaya napa-daing ako. "Huwag ka nganag mag-ilusyon diyan. Nakatanggal ang sintas ng sapatos mo, baka madapa ka mamaya." aniya kaya sinapak ko ang braso niya at ngumuso. Namumula nanaman siguro ang pisngi ko.

"Aray." sabi ko. Nagulantang nanaman ako ng bigla niyang nilapit ang mukha niya sa 'kin. Napaurong ako pero napasandal nalang sa may lababa.

No!! Naka-corner nanaman niya 'ko.

"Baby, I'll kiss you." mas lalong nanlaki ang mata ko at bago pa ako makagalaw ay nagtama na ang labi namin.

His red soft lips crashed into my lips. He snaked his hands around my waist to deepen the kiss. I have no choice but to kiss back. Natigil ang paghahalikan namin ng may biglang kumatok ng malakas.

"Hon! What are you doing there? Gumagabi na!" napayos ako ng tayo at napaubo.

"O...Oo! Teka lang!" inayos ko ang sarili ko bago naglakad papalapit sa pinto para lumabas na pero hinila ako pabalik ni Luke.

Hinalikan niya pa ako ng isang beses bago hinalikan sa noo. Nginitian ko siya at kinurot ulit ang pisngi.

"The next time we'll gonna see each other, you can't escape from me anymore. I'll cage in my arms, Miss. Better get ready." kinindatan niya muna ako bago tumalon palabas ng bintana. Napailing nalang ako habang nakangiti.

You wish, Mister.

to be continued...

Supremo Got Me Pregnant (Mafioso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon