Kabanata 22

1.5K 55 8
                                    

KABANATA 22

Freyja.

Nabuhayan ng pag-asa ang dibdib ko nang masilayan ang mukha ni Luke na maraming bahid ng dugo, gano'n din ang niya at ang kamay. 'Di ko mawari kung sakanya bang dugo 'yon o hindi.

Kita ko ang paglambot ng ekspresyon niya ng habang nakatingin sa direksyon ko. Gumalaw ang labi niya pero hindi ko maintindihan kung ano ang sinabi niya kaya nginitian ko na lamang siya.

Lumipat ang tingin niya kay Lukashenko na nakahawak ng mahigpit sa aking braso. Luke's expression hardened and darkened. His brows furrowed and his lips twitched in annoyance. Nalipat ang tingin ko kay Aleia na kumakaway sa 'kin, nginitian ko lang siya.

"Give her back to me, Luka."

Bumalik ang atensyon ko sa kanila Luke na ngayon ay magkaharap na at nagsusukatan ng tingin sa isa't isa. Naglipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa para tingnan kung sino ang unang kukurap.

Napangiwi ang labi ko ng naunang kumurap si Lukashenko at nagkunwaring naubo. He then put on his cocky expression again. I can't help but to silently shook my head as I realized something about Lukashenko. He's scared of his brother, Luke.

Ano naman kaya ang ginawa sakanya ni Luke para matakot siya ng ganito sakanya?

"As if, Kuya." pang-aasar naman ni Lukashenko sa kapatid niya na agad namang napikon. Kinasa ni Luke ang hawak na baril bago tinutok sa direksyon ni Lukashenko.

Naging alerto ang mga tauhan ni Lukashenko at akmang magpapaputok kila Luke pero naunahan sila ng kabila. Tumumba silang lahat kasama na si Aislinn na may tama na sa tagiliran niya. Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng dugo mula sa sugat niya at mukhang nawalan na siya ng malay.

Hindi na ako nagulat ng tutukan ulit ako ni Lukashenko ng baril sa sentido. Napikit nalang ako ng kinasa niya iyon. Nakarinig ako ng isa pang putok ng baril. Wala akong naramdamang sakit sa ulo o kahit bala na bumaon sa bungo ko.

Hindi kaya patay na ako?

Unti-unti kong dinilat ang aking mata. Nakita kong nakatutok na ang baril sa 'min ni Luke na umuusok pa. Agad akong napatingin kay Lukashenko at wala na ang baril na hawak niya. Binaril iyon ni Luke at paniguradong tumalsik na iyon sa malayo.

Medyo nakahinga ako ng maluwag pero napasigaw din ako ng bigla akong tinulak ni Lukashenko sa isang dead end. Pigil-hininga kong tinignan kung ano ang nasa ibaba at nalula ako ng sobra ng makita ang isang sobrang lalim na bangin, hindi ko na makita ang katapusan no'n dahil madilim sa pinaka-ibabang parte.

Nanginginig ang mga tuhod ko habang nakakapit ng maigi sa braso ni Lukashenko para hindi mahulog ng tuluyan. Napapikit nalang ako ng medyo nadulas ang paa at mas lalo pang kumapit kay Lukashenko. Onting kabig lang ay paniguradong dito na matatapos ang lahat. Ang katapusan ko at ng anak ko.

Napapikit ako habang humahagulgol sa iyak, humahapdi na din ang mata ko sa kakaiyak at wala na atang mailabas na luha. Uhaw na uhaw na ako, kanina pa ako hindi nakakainom ng tubig.

Tahimik akong nagdasal sa panginoon na huwag muna ako kunin ng tuluyan dahil marami pa akong gustong gawin. Isa na do'n ay ang hawakan sa aking braso ang dalawa kong anak.

"No... Please, Luka. Ibigay mo na sa 'kin ang mag-ina ko. You can have all the money. I don't care about it anymore... just give me back my wife." napadilat ako ng marinig ang pagmamakaawa ni Luke.

I immediately met his bloodshot eyes flooded with his tears. His eyes show so many emotions, like a well overflowing. He was kneeling on the grass, crying and begging for my life. And it breaks my heart.

Napahagulgol nalang ulit ako. Puro iyak nalang ba ang gagawin ko? Bakit ba kasi... bakit ba kasi hindi ko man lang siya matulungan? Bakit mas nagiging pabigat lang ako sakanya!!?

Lukashenko laugh mockingly and took a step forward. Dahil nakakapit ako sakanya ay nahila din ako, nakawala na akong tuluyan sa taning ng aking buhay. I took that small chance and pushed Lukashenko with all of my strength.

I sprinted as fast as I can towards Lukecwho stood up with a surprised expression. My body fell on his arms, mahigpit ko din siyang niyakap. Nakarinig ako ng putok ng baril. Nagukat nalang ako ng mabilis na kumilos si Luke at pinagpalit ang puwesto namin.

Naramdaman ko ang pag-nginig ng katawan niya pero umayos din agad ng tayo at mas lalo pa akong niyakap. I looked at his eyes and I can't see anything but pain illuminating on it. Humiwalay ako sa yakap at napatingin sa aking kamay. Tumigil. Ang mundo ko ng makitang nababalot iyon ng malapot na dugo. It took me seconds to realize why Luke swiftly switched our positions.

Nasalo ko agad ang katawan ni Luke bago pa siya tuluyang bumagsak sa lupa. Ipinatong ko ang ulo niya sa aking hita. I copped his cheeks,

"L-Luke, don't die on me, baby. Keep your eyes on me, please, Luke! Don't close your eyes! I don't wanna lose you now!" he tried to smile at me but he just puked blood.

Napahagulgol ako lalo at niyakap ng mahigpit ang katawan niya. Tinignan ko kung sa'n ang tama niya at namutla ng makitang sa dibdib iyon. Mas niyakap ko pa ang katawan niyang wala ng buhay pero may humila sa 'kin patayo.

Iyak lang ako ng iyak habang pilit na inaabot ang katawan niya na inilalayo sa 'kin. Hindi pa siya pwedeng mawala! Hindi niya pa nga nakikita ang anak namin! Bakit ngayon pa... ngayon pa na alam ko na mahal na mahal ko na siya...

Nanlambot na ako ng tuluyan at napaupo nalang sa damuhan. Napayuko ako habang umiiyak. My eyes were already flooded with tears.

"Hindi... Nasa'n na si Luke!? I need to be with him!" hysterical na sigaw ko at tumayo. Tinignan ko si Aleia na nasa tabi ko lang.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya, "Aleia!Dalhin mo na ako kay Luke, please! Kailangan... kailangan ko siyang makita. Pakiusap. Huwag mo naman siyang ipagkait sa 'kin..." pakiusap ko sakanya pero mas lalo lang lumungkot ang ekspresyon niya.

"I'm sorry but I have to do this." then she slapped my nape.

At tuluyan na nga siyang inagaw ng kamatayan sa 'kin. Napuno ng luha ang aking mga mata bago ako tuluyang pumikit.

His voice... pelase don't let me forget his voice...

To be continued...

Supremo Got Me Pregnant (Mafioso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon