Kabanata 23

1.5K 51 2
                                    

Freyja.

The color white was the only thing I could when I first opened my eyes. I couldn't feel my body and all I could hear was the beeping noise and the sound of my breathing.

Hindi ko makita kung sino ang pumasok nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. May biglang ilaw ang tumutok sa aking mata. All I could hear was muffled noises before my hearing got clear.

"She's already awake." sabi ng babaeng nasa gilid ko na nakasuot ng putting lab gown. Pinilit kong umupo mula sa pagkakahiga.

Noong una ay nahirapan pa 'ko dahil medyo namamahid pa ang katawan ko pero mayro'ng umalalay sa aking kaliwang braso.

Umayos ako ng pagkakasandal bago tiningala ang ulo. Kumunot ang noo ko ng makita si Aleia na mugto ang mata at malaki ang eyebags. Kumunot ang aking noo at agad na nagtaka sa kaniyang itsura. Anong nangyari sa‐--

Ttumigilsa pag-ikot ang mundo ko nang bumalik sa 'kin ang lahat ng nangyari. Ang pagdating ni Luke. Ang muntikan kong pagkalaglag sa malalim na bangin.... Ang pagkabaril kay Supremo!!

Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto iyon. Paniguradong kritikal ang lagay niya ngayon. Baka... Baka hindi ko na siya maabutan! Kailangan kong malaman kung ano ang kalagayan niya ngayon.

Kusang kumilos ang mga kamay ko at gumapang iyon papunta sa dextrose na nakakabit sa taas ng palad ko. Hahaltakin ko na sana iyon pero may pumigil sa aking kamay.

Tiningala ko si Aleia at seryoso niya akong inilingan. "No, Frey. Parehas na malala ang lagay niyong dalawa. Mas makakabuting magpahinga ka nalang dito." umiling ako at pilit na umalis sa pagkakahawak niya.

Nagsimulang tumulo ang luha ko sa sobrang pag-alalala at pagkabigo. Hindi pwede. Narinig ko ang pagbilis ng tunog ng monitor sa aking gilid hanggang sa wala na akong narinig. Ang alam ko lang ay maraming mga nurse at doctor ang pumasok sa silid kung nasa'n ako.

Pinilit ko pa ding manlaban hanggang sa may tumurok sa leeg ko. Unti-unting nanlambot ang aking katawan at unti-unti ding pumikit ang aking mata. Bago ako tuluyang agawin ng kadiliman ay nakita ko muna na malungkot na hinaplos ni Aleia ang aking ulo.

Nagising ako sa mga ingay sa paligid. Dumilat agad ako ng maalala si Luke. Patayo palang ako sa pagkakahiga ay may humawak agad sa braso ko. Napatingin ako sa isang lalaki na may kulay pulang buhok. Nginitian niya muna ako bago dahan-dahang inihigang muli.

"You need to calm down first, Miss. It's not good for you and your baby to get stressed." aniya at kinindatan ako.

"Pero..." katwiran ko sana pero inilingan niya lang ako kaya wala akong nagawa. Humiga nalang ulit ako at nagbuntong-hininga.

Kinagat ko ang kuko ko at pumaling-paling sa iba't ibang direksyon. Ano nang gagawin ko ngayon? Kailangan ko na talagang makita si Luke. Nangangati na ang mga paa kong maglakad patungo sakanya.

Gusto ko na ulit siyang mayakap...

"Look what you did, Nikolaj. You made her more anxious."

"What? I didn't!"

Napatigil ako sa pag-iisip ng gagawin at napatingin sa nag-uusap. Nginitian ako ng lalaking may kulay pulang buhok habang si Stefan naman ay nag-iwas ng tingin sa 'kin. Mukhang galit.

Napanguso ako. Hindi kaya sinisisi niya ako dahil sa pagkabaril ng amo niya!? Grabe naman siya! Hindi ko naman kasalanan 'yon eh! Si Lukashenko dapat ang sisihin niya

'Di mo nga ba kasalanan?

Napairap ako ng sabihin iyon ng konsensiya 'ko. Sabi ko nga ako na ang may kasalanan.

"Nasa'n na ba ang putanginang, Nikolaj na 'yan?!!" narinig kong may sumigaw mula sa labas bago marahas na bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

Napapikit ako ng magulat sa malakas na paghampas ng pintuan sa pader. Napatingin ako sa bagong pasok at nakita ang isang magandang babae na nakasuot ng itim na blazer at itim na pencil skirt. Galit na galit ang ekspresyon niya pero kahit gano'n ay hindi pa rin natago ang gandang taglay niya.

Sa likod niya ay si Aleia na nakahilig sa pader. Kinindatan niya ako ng makitang nakatingin ako sakanya. Kumaway ako pabalik bago tumingin sa kung anong sumunod na mangyayari.

Sino naman kaya 'to? Don't tell me girlfriend ni Luke!? Pero Nikolaj daw eh.

Nang mapatingin siya sa kuyang may pulang buhok ay mas lalong nag-alab ang kaniyang mga mata, dunuro-duro niya ang lalaki.

"Ikaw!? Walang hiya ka talaga 'no? Pinaghintay mo ako ng putanginang limang oras do'n sa coffee shop tapos," nilingon niya ako at mas nanlaki ang mata miya bago napatingin sa tiyan ko.

Kumunot naman ang noo ko, "Tapos maabutan kita dito kasama ang isang buntis!? Mag-ina mo 'to 'no?! Ginagago mo nanaman ba ako, Nikolaj!?" para siyang dragon na nagbubuga ng apoy. Kinilabutan ako at tinaas ang putting kumot ko hanggang sa leeg.

"Stupid girl, she's not definitely my wife. Baka mapatay pa ako kung may ibang makarinig sa pinagsasabi mo. Let's go." Sabi naman ni Nikolaj at hinila palabas si ate girl.

"Stupid girl!?--" hindi ko na naringi ang sunod pa niyang sinabi dahil sumarado na ang pinto.

Tiningala ko si Aleia na nakaupo na sa tabi ko. Sakanya ko nalang itatanong ang iniisip ko dahil panigiradong hindi ako papansinin nitong si Stefan. Hinatak ko ang braso niya palalapit sa 'kin.

Hinarang ko ang kanan kong kamay sa tenga niya para bumulong pero naitikom ko ang bibig ko ng makita ang matalim na tingin sa 'min ni Stefan.

Napalunok ako at bumulong na kay Aleia. Ba't ba kasi siya nagagalit sa 'kin, huhu.

"Pwede ko na bang makita si Luke?" bulong ko. Lumayo siya sa 'kin at hinarap ako. She copped my cheeks.

" 'Pag magaling ka na. Kaya kumain ka ng marami mamaya at inumin mo lahat ng gamot at vitamins na ibibigay sa'yo ng doctor para gumaling ka agad, ha?" napanguso nalang ako sa naging sagot niya pero tumango pa din ako.

"Opo...Pero kamusta na ang lagay niya?" hinila ko ang braso niya at tinitigan siya ng diretso sa mata pero nag-iwas siya ng tingin sa 'kin.

"O...Okay naman siya. Namamahinga din katulad mo." aniya ng hindi tumitingin sa mata ko.

Napangiti ako at nabuhayan ng loob. Tama, kailangan kong magpagaling para makita ko na agad siya!

"Gutom na ako, Ale." ginulo niya ang buhok ko at sabay silang lumabas ni Stefan.

Napangiti nalang ako at humiga ulit sa kama ko. Hindi na ako makapaghintay na makitang siyang muli!

To be continued...

Supremo Got Me Pregnant (Mafioso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon