Chapter 36

1K 31 0
                                    

Lukeshawn.

"Tangina! Hanapin niyo ang gumawa nito sa mag-ina ko! Papasabugin ko ang bungo niyo kung hindi niyo mahahanap!" gigil kong bimaba ang cellphone ko at binulsa.

Napasapo ako sa aking noo at napatitig sa kamay ko na puno ng dugo. Napapikit at pinigilan ang pagdaloy ng sari-saring emosyon.

Iligtas mo ang anak natin...

Iligtas mo ang anak natin...

Naalala ko ang mukha niyang namumutla at ang pagbitaw ng kamay niya sa 'king pisngi. Umiling ako. Hindi, ligtas silang tatlo.

Maghahalo ang balat sa tinalupan kung mawawala ang isa sa kanila. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking pisngi. I clasped my hands and silently prayed.

Lord, please save my wife and my children..

"Mr. Luke right? You're the... husband of Ms. Freyja." umangat ang tingin ko sa nagsalita at nakita ang doktor.

Pinunasan ko ang luha sa 'king pisngi bago tumayo.

"How's my wife?" I immediately asked. Her expression became sad.

"I'm sorry to say this but, both of your babies didn't survive." malungkot niyang anunsyo na siyang nakapagpalambot sa 'king tuhod.

Lumuhod ako sa harap niya.

"Please, save both of them. Gagawin ko ang lahat, kahit magkano pa 'yan. Iligtas mo lang ang mga anak ko!" pagmama-kaawa ko sakanya habang umiiyak.

"I'm sorry but I can't do anything. I'm sorry for your loss."

I washed my face, I looked im the mirror and my anger rise when I saw my face. I punched the mirror that caused for it to break. Blood trickled down my fist.

My hands are trembling because of anger and grief. My babies... I'm sorry. I couldn't do anything to save you. When tears starts to form on the corners of my eyes, I immediately washed my face again.

Haharapin ko pa ang asawa ko. At naiinis ako sa sarili ko dahil nakaramdam ako ng takot, takot na baka siya ay gustuhing umalis sa tabi ko dahil sa nangyari. Pero hindi ko siya masisisi.

Pagdating ko sa kwarto niya at nakita kong nagkakagulo ang mga nurse at doktor. Hinawi ko sila at muntikan ng tumama sa 'kin ang tray kung hindi lang agad ako naka-iwas.

My heart tore into pieces when she looked at me with a angry eyes. She then pointed at me, "Ikaw! Kasalanan mo ang lahat ng 'to! Kung hindi lang... kung hindi ko lang sana sinabi sa'yo na buntis ako ay hindi sana mawawala ang mga anak ko." at humagulgol siya.

I couldn't move and I froze on my tracks. When the nurses tried to take me away, I just let them. It feels like I don't have the strength to push them away.

Pagkalabas ko ay agad akong nakatanggap ng sampal. Pero hindi man lang ako nakaramdaman ng sakit o hapdi. The pain from my heart is making my body numb.

"Nirerespeto kita dahil boss kita, pero yung ginawa  mo sa anak niyo ni Freyja! Napaka-gago mo! Dapat siguro ay pinaalis ko nalang siya nung na-comatose ka no'n!" nag-angat ako ng tingin sakanya at tinignan siya ng masama.

"Luke, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo sa oras na may mangyari sa asawa ko. Hindi ko hahayaang maulit ang nangyari sa asawa mo sa asawa ko. Let's go."

Dumilim ang ekspresyon ko habang paalis sila. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at d-in-ial ang number niya.

"Hello. I need you to find someone."

Freyja.

Pagtapos nila akong turulan ng pampatulog nang nagwala ako ay mabilis akong nawalan ng malay. Pagkagising ko ay naramdaman kong mas pkay na ang lagay ng aking isipan. Napatingin ako sa lalaking nakahawak sa aking nakamay.

Nakayuko siya sa kama habang hawak ang kamay ko. A tear escaped my eyes while looking at him. I know that we're both hurting right now.

Pinunasan ko ang pisngi ko nang gumalaw siya. Bumalik ako sa pagkakahiga at nagkunwaring tulog. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa 'king pisngi.

"I'm sorry... I'm sorry... I'm sorry, Frey. This is all my fault. Sorry... sorry..." nasasaktan ako sa bawat pag-sorry niya. Parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso ko kaya naman minabuti kong humikab.

Unti-unti akong dumilat at naramdaman ko ang pag-bitaw niya sa kamay ko. Nang lingunin ko siya at nakayuko siya at 'di nakatingin sa 'kin.

"I'm sorry." dinig ko pang bulong niya bago maingat na naglakad palabas.

Hinayaan ko nalang siya dahil hindi ko din maitatanggi na mayro'n ng puwang sa puso ko. Labis na naghihinagpis ang aking damdamin sa pagkawalan ng aking dalawang anghel. Galit ako sakanya.

Feeling ko ay kasalanan niya kung bakit nawala ang dalawa kong anghel. Natatakot akong baka may masabi akong masama sakanya.

Sa sumunod na araw ay sa hindi siya nagpapakita sa 'kin sa umaga pero sa gabi ay dinadalaw niya ako 'pag akala niya tulog na ako.

Nang dahan-dahang bumukas ang pinto ay bumalik ako sa pagkakahiga. Tumagilid ako at humarap sa pader. Naramdaman ko ang pagdampi ng malambot na bagay sa 'king sentido. He kissed me.

"I'm sorry, I love you baby. Pagbabayarin ko ang gumawa nito kaya magpahinga ka lang at magpagaling." hinalikan niya ako sa pisngi at naramdaman ko ang pag-alis niya.

Nang tuluyang sumarado ang pinto ay nala-upo ako at natulala. Ngumiti ako ng mapait bago tahimik na umiyak.

Sorry din, Luke. Sorry kung sadili ko lang ang iniintindi ko. Sorry kung feeling ko ay ako lang ang nasasaktan sa 'ting dalawa.

Mahal din kita.

Supremo Got Me Pregnant (Mafioso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon