Chapter 40

1.1K 34 0
                                    

Freyja.

Napasapo ako sa 'king noo habang kinikwenta ang mga gastusin para sa buwan na  'to. Sa gatas palang ni Art ay sumasakit na ang ulo ko, buti nga at tuwing gabi nalang siya nagd-diapers kaya medyo nabawasan ang gastusin. Hindi talaga madali ang magka-anak. Hindi naman sila katulad ng mga hayop na ayang mabuhay ng mag-isa pagkatapos ng isang buwan.

They require a lot of attention ad care, you have to be always beside the, lullaby them. I could stiill remeber the first weeks after I gave birth. Those sleepless nights, I almost gave up on taking care of him.

Napapangiti nalang ako 'pag naalala ko 'yon. Inalis ko ang salamin na suot bago hinilot ang aking sentido. Sumandal ako sa contertop bago pumikit at humalukipkip. Iniisip ko kung sa'n ako makakakuha ng pera dahil ayokong sagadin ang ipon ko.

"Mommy?" napadilat ako at napa-ayos ng upo. Sa bukana ng kusina ay nakatayo ang anak kong kinukusot ang mata niya, mukhang kakagising lang.

Tukijgin ako sa orasan bago siya nilapitan. Alas tres na pala ng madaling araw, hijdi ko na namalayan. Binuhat ko siya at hinalikan sa pisngi. Sumandal siya sa balikat ko.

"Mommy, hindi ka pa po matutulog?" tanong niya gamit ang inaantok na boses bago ko naramdaman ang paghikab niya sa balikat ko.

Dahan-dahan akong pumanhik pabalik sa kwarto namin para patulugin siya ulit.

"Mamatulog na po, may tinapos lang si Mommy." malambing kong sagot bago siya dahan-dahang inilapag sa kutson.

Napatingin ako sa kamay niyang mahipit na nakakapit sa damit ko bago ko iyon dahan-dahang tinggal. Nagpalit ako ng pantulog bago ko siya tinabihan.

Kinabukasan, pagkatapos kong magpasa ng resume sa isang bar na kumukuha ng waitress ay dumiretso ako sa Jollibee. Habang palabas ako kay nagulat ako nang makita si Stefan sa parking lot.

Kumunot ang noo ko at kumurap. Pagdilat ko ay nawala na siya. Bumali ang leeg ko sa kaliwa dahil sa pagtataka. Namamalikta na ba ako?

Pagkauwi ko sa dating condo ni Derwin ay sinalubong ako ni Art. Binigay na ito sa 'kin ni Derwin paradito kami tumuloy habang nandito kami sa Pilipinas, noong una ay tinaggihan ko siya pero sa huli ay pumayag din ako dahil gagastos ako ng malaki kung uupa pa ako.

Binuhat ko si Art gamit ang isang braso bago dinala sa kusina. Binaba ko siya sa upuan at nilapag ko sa lamesa ang kiddie meal. Nakakunot noo naman niya iyong tinignan.

"Mommy, I said I don't want kiddie meal anymore." nakanguso niyang pahayag at inusog palayo sakanya ang box.

Ginulo ko ang buhok niya, "Yan nalang afford ni Mommy eh." kunwari'y malungkot kong sabi sakanya kaya agad namang nawala ang pagkakanguso  niya.

"Okay fine." aniya bago hinila palapit sakanya ang kiddie meal.

Ginulo ko ulit ang buhok niya bago binuksan ang ref. Napabuntong-hininga ako. Mukhang kailangan ko nang mag-grocery bukas ah.

Pag-gising ko kinabuksan ay lumundag ang puso ko sa tuwa dahil may text na agad sa 'kin ang manager ng bar na pinag-apply-an ko. Tanggap na daw ako at mamayang gabi ay pwede na akong magsimula.

Napatingin ako sa anak kong himbing pa din ang tulog sa tabi ko. Kanino ko naman siya pwedeng iwan. Natatakot naman akong iwan siya ng mag-isa dito dahil baka may masamang mangyari sakanya. Pero nakakahiya din namang makisuyo sa iba.

Nagbuntong-hininga ako bago kinamot ang ulo. Bahala na si Batman. Pagkatapos namin kumain ng tanghalian ay sinama ko siya para mag-grocery kami.

Habang nasa grocery store ay natutuwa ako sakanya dahil tahimik lang siya habang nasa tabi ko at hawak ang aking kamay. Hindi siya lumilingon sa mga shelf o nagtuturo man lang, sa tuwing tatanungin ko siya kung gusto niya ng chocolate ay iiling lang siya. Napanguso nalang ako, minsan nalang siya nangungulit sa 'kin, natatakot ako at natutuwa at the same time sa bilis ng paglaki niya.

Gan'to siguro ang nararamdaman ng mga magulang habang pinapanood tayong lumaki, gan'to siguro ang naramdaman ni Mama at Papa. Nalungkot ako bigla at nagpatuloy nalang sa pamimili. Habang binabayaran ang pinamili ay namalikmata nanaman ata ako.

Nakita ko si Aleia sa hindi kalayuan pero pagkurap ko ay wala naman siya. Napalunok ako, ito na ba ang epekto ng walang tulog?

Pagkatapos ayusin ang pinamili ko sa ref ay nilabas ko ang cellphone ko. Tinext ko ang dati kong kaklase na kindergarten teacher na ngayon. Nagka-usap kami ilang linggo na ang nakakraan, kinausap niya din ang anak ko.

"Hello, Alicia? Si Freyja 'to."

(Uy, Freyja! Napatawag ka ata? Kamusta na?)

"Okay naman, ikaw?"

(Okay lang din. Anong ganap natin? Nakauwi ka na ng Pilipinas?)

"Oo eh. May favor sana ako."

(Ay, meet up tayo! Sige, ano bang favor mo?)

"Iiwan ko sana sa'yo si Art. Kukunin ko din naman ng mga 12:00, night shift kasi ako sa bago kong trabaho. Kung pwede lang naman, wala na kasi akong ibang pwedeng pag-iwanan. Sorry."

(Hay nako, ikaw talaga! Oo naman, 'wag ka ngang mag-sorry. Maliit na bagay lang sa 'kin 'yan, cute-cute ng anak mo at mukhang tahimik. Go lang, later ba?)

"Oo, hatid ko sa'yo mga 6:00. Text mo nalang address mo."

(Sige, text ko pagkababa mo ng tawag.)

"Thank you talaga, Alicia. Hulog ka ng langit."

(Nambola pa! Nako. Sige na, bye. Kita tayo later.)

"Thank you, bye!"

Pagkababa ko ng tawag ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. Binulsa ko ang cellphone ko at pinuntahan si Art sa kwarto para sabihin sakanya.

"Baby, pupunta ka mamaya sa friend ni Mommy. Iiwan kita do'n kasi may work na 'ko, okay lang ba?" malambing kong sabi at kinadong si Art.

"Okay po, Mommy." nagulat naman ako sa mabilis niyang pagpayag. Noon ay nagwawala pa siya 'pag sinasabi kong papaiwan ko siya kay Derwin.

Napanguso ako at kiniliti siya. Really, where did my baby Art go? How did he grew up this fast?

"Pabait ka kay Tita Alicia okay? Babalik din si Mommy mamaya, dadalhan kita ng pasalubong." binaba ko si Art at binigay kay Alicia na nginitian lang ako.

Hinalikan ko si Art sa pisngi bago tinap ang ang balikat ni Alicia.

"Thank you talaga." sinsero kong sabi sakanya. Nginitian niya lang ako bago kinuha sa 'kin ang gamit ni Art, nasabi ko na sakanya kanina ang mga kailangan ni Art kaya walang problema.

"Ikaw talaga, ingat ka sa work mo. Bye ka na kay Mommy, baby Art."

"Bye po, Mommy."

Ilang oras na ang nakalipas mula nung pumasok ako sa bar at nag-serve ng mga inumin sa mga customers at nagagamay ko na ng kaunti ang trabaho.

Habang palalim ng palim ang gabi ay dumarami rin ang mga customers kaya doble bilis kaming mga nagse-serve ng mga drinks. Buzzer do'n, buzzer dito. Buti nalang ay nasanay na din ako sa Canada noong minsang nag-trabaho din ako sa isang bistro.

Pinunasan ko ang butil ng pawis sa aking noo habang pabalik sa pwesto. Lumalit sa 'kin ang kasamahan ko na may dalang tray ng canned beer.

"Sa VIP 10, bibigay ko nalang sa'yo 'to dahil bago ka. Regular ang customer na nado'n at malaki ang tip. Go na girl." nagualt ako sa sinabi niya pero mabilis ko 'ding kinuha ang tray.

"Thank you." pasalamat ko bago pumunta sa room na sinabi niya.

Pero halos mabitawan ko ang tray ng makita kung sino-sino ang mga tao sa VIP room. Umawang ang labi ko at mabuti nalang ay hindi pa nila ako napapansin.

Sila Luke.

Supremo Got Me Pregnant (Mafioso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon