Kabanata 3

4.4K 127 37
                                    

FREYJA SAN JOSE'S POV

Pagkatapos ng meeting ni Sir George ay sinabi niyang pwede na daw akong umuwi. Sumabay na ako kay Sir pabalik ng office dahil iniwan ko do'n ang gamit ko.

Kinuha ko na yung bag ko kay Lia at nagpaalam na. Hindi ako nakapag-lunch kanina dahil nawala na sa isip ko kaya dumiretso muna ako sa mall para kumain, bigla akong nag-crave ng chicken joy ng jollibee.

Bago lumabas ng office ay nagsuot ako ng brown coat dahil malamig na rin ang simoy ng hangin sa labas. Papara sana ako ng taxi papunta ng mall kaso may dumaan na jeepney kaya mas pinili kong do'n nalang sumakay. Sumaglit lang ako ng kain at umalis na din pagtapos.

Pumara na ako ng taxi at sinabi ang adress ng paghahatidan sa'kin. Pagdating sa tapat ng malaking bahay ni Supremo, inabutan ko si manong ng 100 pesos bago ako bumaba. Napayakap ako sa aking sarili nang salubungin ako ng malamig na simoy ng hangin.

Nagmamadali akong naglakad papasok ng gate na buti nalang nalang ay hindi naka-lock. Tanaw ko ang bahay na napakadilim at wala ng bukas na ilaw, mukhang tulog na silang lahat. Hahakbang na sana ako papasok nang may naalala ako.

Hintayin mo nalang si Manong Rey at siya ang susundo sayo.

Napatigil ako ng mag-flashback ang huling bilin sa'kin ni Luke kanina. Napahampas nalang ako sa noo ko.

"Sh*t, Frey." mahina kong sabi sa sarili.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at dahan-dahan rin akong naglakad. Hahakbang pa sana ako pero nagulat nang biglang bumukas ang ilaw. Agad akong napatingin sa lalaking nakaupo sa sofa at seryosong nakatingin sa'kin.

T*ngina! Lagot ako!

"Where have you been?" kalmadong tanong niya sa'kin.

Halatang nagpipigil siyang pagtaasan ako ng boses dahil nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga.

"U-Uh, nagyaya lang sa'kin yung kaibigan ko na kumain sa labas." nauutal kong pagsisinungaling.

Hinawakan ko rin ang nanginginig kong kamay dahil baka mahalata niya iyon at malaman na nag-sisinungaling lang ako. Kinakabahan ako.

"Kumain nga ba? O baka nag-inom?" tanong niya gamit ang malalim at galit na boses.

Nagulat nalang ako nang nasa harapan ko na si Luke at natanggal niya na ang suot kong coat. Bumungad sakanya ang damit kong fitted at skirt kong napaka-ikli at may slit pa sa isang side. Nakalimutan ko palang magpalit!

Umigting lalo ang kanyang panga sa nakita. "Ano 'yang suot mo, ha, Freyja? Nagsisinungaling ka ba? Sa'n ka nanggaling? Sabihin mo ang totoo!" ang akala ko ay sisigaw na siya ng pagkalakas-lakas pero nanatiling kalmado ang kaniyang boses, taliwas sa emosyon na pinapakita ng kanyang mga mata.

Napipi ako at parang ayaw bumuka ng aking bibig. Parang may nakabara rin sa lalamunan ko kaya nahirapan akong huminga.

"Answer my freaking question, Freyja!" tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Alam kong ako ang may kasalanan dahil buntis ako at nakuha ko pang magsuot ng ganto. Nag-aalala lang siya sa'kin.

"I'm sorry...  galing ako sa trabaho. Gusto ko lang naman mag-ipon para mabili ko ang kailangan ko sa pagbu- buntis ko. Ayaw kong umasa lang sayo, Luke." nakayuko kong sabi.

"Are you selling your body?"

Napaatras ako ng isang hakbang bago napatingin sa kanyang mga mata na parang papatay anumang oras kaya sunod-sunod akong umiling, "N-No... I'm working as a sub-secretary to a fine company." sagot ko nalang dahil parang walang prumo-proseso sa utak ko.

Supremo Got Me Pregnant (Mafioso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon