Kabanata 13

2.8K 88 16
                                    

Freyja.

Unti-unti kong dinilat ang aking mata. Ang una kong nakita ay kulay puti. Tumingin din ako sa magkabila kong gilid at puro puti ang nakikita ko. Anong nangyari at mukhang nasa hospital ako?

Nanlaki ang mata ko ng ma-absorb na aking utak ang lahat ng nangyari kanina. Napalingon ako sa pinto at pumasok do'n si Lukashensko. Tinggal ko ang tube na nasa taas ng palad at sinugod siya. Kinuwelyuhan ko siya at masamang tinignan sa mata.

Kasalanan niya ang lahat ng 'to!

"Anong nangyari sa anak ko?!" galit kong tanong at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo niya.

Tinaasan niya ako ng isang kilay at parang gusto kong durugin ang mukha niya dahil do'n, "Calm down. You and your baby is fine. Go back to the bed. Baka mabinat ka." aniya at inalis ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya.

Napayuko ako kasabay ng pagtulo ng mga luha sa aking mata. Pagod na ako. Nadudurog ang puso ko. Naawa ako sa aking anak. Hindi pa man siya ay nasisilang ay ganto na ang nararanasan niya habang nasa sinapupunan ko.

Lumuhod ako sa harapan ni Lukashenko habang patuloy sa pagiyak. Tiningala ko siya at pinagdikit ang palad.

"Maawa ka sa 'kin. Pakawalan mo na ako, please!" pagmamakaawa ko sakanya habang umiiyak. Nagiwas lang siya ng tingin sa 'kin at pilit akong tinayo pero pinalis ko ang kanyang kamay at nanatiling nakaluhod.

This is my lowest. My last resort to be freed.

"Nagmamakaawa ako sa'yo! Wag mo na idamay ang anak ko sa kahibangan mo. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, pakawalan mo lang ako. Please, pakawalan mo na kami." pagod kong pagmamakaawa.

Magsasalita pa sana ako pero nanatili nalang nanakaawang ang aking labi ng may tumusok na karayom sa aking batok.

"You need to calm down. I won't let you go that easily, my Angel." aniya bago ako unti-unting napapapikit.

"W-Walang hiya ka..." nanghihina kong sabi bago tuluyang kinain ng kadiliman.

-

Third Person's POV

Napakagat sa labi si Luke habang pinagmamasdan ang walang malay na dalaga sa bisig ng kanyang demonyong kakambal. Pinpigilan niya ang sariling senyasan ang mga tauhan para paputukan ang pwesto na kinaroroonan ng kambal.

Galit siya. Galit na galit. Sinisisi niya ang sarili sa lahat ng nangyayari. Naawa siya sa babae. Nagsisi na sana ay hindi niya na sana ito pinatulan no'ng una palang.

Because now, the woman was being dragged into the mess and chaos of their family.

"This is all my fault." nakapikit niyang sabi habang nakaupo sa swiveling chair sa loob ng kanyang opisina.

Napamasahe siya sa sentido at sinandal ang likod para kalmahin ang sarili. Napadilat siya sa katok na nanggagaling sa pinto ng kanyang opisina. Tinignan niya iyon sandali.

"Come in." ani Luke at pumasok naman ang isa sa kanyang mga tauhan.

"Ayos na ang lahat, Boss." ani ng lalaking may pang-pat na ranggo sa buong Black Mafia Society. Napangisi si Luke sa ibinalita nito bago nilabas ang kanyang baril sa drawer.

Pinaglaruan niya ito sa kanyang daliri bago nilingon ang lalaki, "Good. Ihanda niyo na ang kahat ng kailangan. We're going to attack." utos ni Luke sa lalaking may pang-apat na ranggo.

"Areglado, Boss." sagot lamang ng lalaki at lumabas ng kanyang opisina. Tumayo si Luke at lumapit sa bintana. Pinagmasdan niya ang lahat ng mga puno.

"I will finally get you out of there. Wait for me, baby." bulong nito sa hangin at pinunsan ang butil ng luha ng lumandas sa kanyang pisngi.

-

Freyja.

Nagising ako sa ibang kwarto. Nakatali sa upuan na nasa pinakagitna ng silid na ito. Napakagat ako sa aking labi. Ano nanaman kaya ang binabalak ni Lukashenko?

Napatigil ako sa pagkwestyon sa sarili ng bumukas ang pinto ng silid na ito. Pumasok ni Lukashensko pero hindi siya mag-isa. May kasama siyang lalaki na nakasuot ng all white. May nakasunod din sakanilang aparato.

Napaluha ako. Hindi naman siguro...

"Gising ka na pala. Pasensya na at natagalan ako, ha? Oo nga pala. I want you to meet, Dr. Martin. He will gonna be your psychiatrist for today. Doc, simulan mo na. Siguraduhin mong magtatagumpay kung hindi..." sabi ni Lukashensko at gumuhit ng linya sa kanyang leeg.

Tumango naman ang doktor at sinimulang lagyan ng wires na nakakonekta sa aparato ang iba't ibang parte ng aking katawan. Sa magkabilang sentido ko. Sa braso, sa paa.

Nanginginig ako at nagsimulang magpumiglas. Lumuluhang nilingon ko si Lukashenko na nakangisi sa kabilang gilid.

"Hayop ka! Anong gahawin mo sa amin ng anak ko!?" galit kong sigaw sakanya. Dumiretso siya ng tayo.

"Don't worry, I'll just erase a few of your memories so I can still use you. It wouldn't harm your baby, so no biggie. Goodluck." ani Lukashensko at nagsimulang maglakad palabas.

Pinilit kong makawala sa pagkakatali pero sobrang higpit ng pagkakatali sa 'kin na hindi man lang ako makagalaw. Unti-unti akong umiyak.

"Napaka-g*go mo! Hinding-hindi kita mapapatawad, gago ka! F*ck you!!" mura ko sakanya pero kinawayan niya lang ako bago tuluyang sinara ang pintuan.

Mas lalong nanginig ang aking katawan ng magsimulang lumapit ang doktor sa 'kin. Nanalki ang mata ko sa binulong niya sa 'kin at mas lalong napaiyak. Nagsimula niyang paandarin ang aparato at unti-unti nawawala ang aking malay.

Bago tuluyang makatulog, nakita ko ang ngisi sa labi ng doktor.

to be continued...

Supremo Got Me Pregnant (Mafioso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon