Prologue

10.6K 185 29
                                    



- PROLOGUE -





Mahigpit ang pagkakahawak ko sa sariling braso habang papalapit nang papalapit sa office ng mga SSG Officers. Nadaanan ko ang poster kung saan nakapaskil ang mga opisyales. Sandaling hinagod ng tingin ko ang poster bago ko iyon malagpasan. Lumalim ang aking paghinga habang paliit nang paliit ang aking mga hakbang.

Hindi mapakali ang aking mga mata nang tumigil ako sa tapat ng kanilang office. I stopped when the office doors suddenly opened, my gaze landed on the girl that just went out with a smug look on her face. She looks very annoyed, I wonder why...

Mabilis ko din na inalis ang pagkakatitig sakanya dahil baka mapunta pa sa 'kin ang kaniyang atensyon. Sino kaya ang sadya niya sa SSG Office? Kung itanong ko kaya kung nasa loob pa rin ang sadya ko dito...

Ngunit sa pagbalik ko ng aking tingin ay nagulat ako nang makitang wala na ang babae sa pwesto kung nasa'n siya kanina. Inikot ko ang tingin sa hallway at nakitang medyo nakalayo na siya.

"ATE'NG NAKA-DRESS!" pagtawag ko sa kaniyang atensyon at tumigil naman siya sa paglalakad.

Lumingon siya pabalik at tinuro ang sarili, "Ako?" pagkakabasa ko sa pagbuka ng kaniyang mga labi.

Dali-dali ko siyang nilapitan, "Uhm.... nasa loob pa rin ba si Supremo?" tanong ko sa kaniya gamit ang maliit na boses dahil sa totoo lang ay nahihiya ako sa kaniya.

"Mhm-hm... yes, nasa loob pa nga siya. Why?" naka-ngiti niya naman na sagot habang nakatingin nang diretso sa mata ko.

Mabilis akong natigilan dahil nakaka-star struck habang nakatitig sa mukha niya na sobrang perpekto. Kahit saang agulo ko siya tignan, ang attractive niya pa rin. Para siyang manika. Agad akong umiling para gisingin ang sarili dahil baka isipin niya pa na weirdo ako.

"Ah.. may sasabihin lang kasi ako. Sige, salamat." biglang tumamlay ang boses ko at parang gusto ko ng umatras. Huminga ako nang malalim.

"Ah, ganon ba? Gusto mo bang samahan kita?" tanong niya kaya napaisip naman ako.

Siguro nga ay mas magandang ma-distract ako saglit para mawala ang kaba ko kaya um-oo ako at nag-usap kami tungkol sa school habang pabalik sa office.

Nang marating namin ang pinto ng Supremo ay tumigil na kami sa paglalakad. Ang kaninang kaba ay unti-unting umakyat sa 'king dibdib. Para akong hinabol ng mga kabayo sa sobrang lakas ng tibok ng aking puso, ramdam ko din ang pagpapawis ng aking leeg at mga palad.

"Come in na." sabi ni ganda, ganda muna ang itatawag ko sakanya dahil 'di ko pa rin alam ang pangalan niya, bago ako pinagbuksan ng pinto.

Nginitian ko siya, "Salamat sa pagsama." sabi ko bago hinawakan ang doorknob at pinihit pabukas.

"Anytime." nakangiti naman niyang sagot.

Tuluyan na akong pumasok, at sa aura palang ng buong silid ay natakot na ako, na-kwento pa sa 'kin kanina ni Ganda na bad mood daw ngaon ang president. Napalunok ako bago humakbang palapit sa lamesa, at sa bawat hakbang ay siyang mas lalong paglakas ng kabog ng aking puso.

Gustuhin ko mang umatras ay hindi pwede dahil nandito na rin naman ako, sasabihin ko na ang gusto at kailangan kong sabihin dahil mas importante pa ito kaysa sa kaba at takot na nararamdaman ko.

"What brings you here in my office, miss San Jose?" tila nalaglag ang puso ko nang marinig ang boses niyang parang kulog at puno ng awtoridad.

Unti-unting humarap ang swivelling chair niya, paharap sa 'king direksyon. Sa ekspresyon pa lang ng kaniyang mukha ay tama nga ang sinabi ni ganda. Bumuka ang aking bibig para magsalita ngunit walang boses na lumabas dahil sa sobrang pagkatakot at kaba ko. Ang isa sa mga pinaka-ayaw niya. Kaya nang makita ko ang mas pagdilim ng kaniyang ekspresyon ay nagdasal ako sa mga santo.


Supremo Got Me Pregnant (Mafioso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon