Kabanata 2

5.8K 137 16
                                    

FREJYA SAN JOSE'S POV

Tahimik lang kami buong byahe papunta sa kaniyang bahay, mula kaninang pag-alis ay iniisip ko na ang mga bagay na pwedeg mangyari pagkatapak na pagkatapak ko sa kaniyang bahay. Sa kagustuhang huwag na masyadong mag-isip ay mas pinili kong ipikit ang aking mga mata. At sa pagdilat ko, wala na ako sa loob ng sasakyan.

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at tsaka ko lang natanto na nakahiga ako sa napakalambot na kutson sa loob ng isang magarang kwarto. Napakunot ako ng maramdamang nakalubog din ang kutson sa tabi ko at nang lumingon ako ay napatakip ako sa'king bunganga para pigilang sumigaw.

Tinapik ko ng malakas ang pisngi niya at nang hindi siya gumalaw ay kinurot ko ang braso niya, tsaka lang siya naalimpungatan. Ramdam ko ang malakas na pagkalam ng sikmura ko, nagugutom na ako.

"What the hell?!" aniya at kunot-noong umupo mula sa pagkakahaiga.

"Gutom na ako, at anong ginagawa mo sa tabi ko?!"

Ginulo niya ang buhok niya at pumaltak, napataas ang kilay ko, "Pinagdadabugan mo ba ako?" galit kong tanong.

"What---" nakita kong may kinuha siya sa side table, "--bukas mo na awayin, alas tres palang ng madaling araw. Ano ba'ng gusto mo?"

Mas lalong tumaas ang kilay ko nang tinawag niya ang pangalan ng isang babae sa telecom. At maya-maya lang ay may kumatok na ssa pintuan ng kwarto.

"Come in." ani Supremo at dahan-dahang bumukas ang double-door.

Pumasok ang isang babae na nakasuot pa ng lingerie sa ilalim ng kaiyang robe kaya hubog na hubog ang kanyang balingkinitang katawan.

Gan'to ba talaga siya dito? 'Pag may kailangan, tumatawag lang ng maid tas kailangan babae pa? At ano nga bang pake ko? Nakikitira lang naman ako dito.

"Gusto ko ng pandesal, tustado. Ang palaman ay peanut butter at mayonaise." kusang lumabas ang mga salitang iyon sa'king bibig at habang ini-imagine palang ay naglalaway na ako.

Umakyat ang lahat ng dugo sa pisngi ko nang mapagtanto kung ano ang sinabi. Hindi naman siguro weird ang cravings ko 'no? Tinignan ko ang expression sa mukha nilang dalawa, confirmed, weird nga.

Dali-dali tuloy ako kumaripas ng takbo papunta pintuan ng kwarto sa sobrang kahihiyan. At nang marinig ko ang pagtawag niya sa'king pangalan pati ang mga yabag ng paa niya papunta sa'kin ay awtomatiko akong napakarapas ng takbo palabas.

Pero natalisod ako sa matigas na bagay, ending, lagapak yung pwet ko. Malambot naman ang pinagbagsakan ko pero masama pa rin para sa'kin dahil alam kong senstibo ang unang mga linggo ng pagbubuntis.

Dumalo sa'kin si Supremo na halos magdikit na ang dalawang kilay sa sobrang pagkakakunot ng kaniyang noo. Napangiwi ako habang inaalalayan niya ako sa pagtayo.

Nahagip ng paningin ko si Aislinn sa kaniyang likod at napansin ko ang pa niya na nakaunt sa side. Nakangisi siya pero nang makitang nakatingin ako sa kanya ay umayos agad siya ng tayo at nag-pokerface.

Don't tell me---

"F*CK IT WOMAN! WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING??!!" dumagundong ang boses ni Luke sa buong kwarto pati na din sa hallway. Napapikit ako dahil parang nasira ang eardrums ko.

Supremo Got Me Pregnant (Mafioso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon