Chapter 39

1K 36 1
                                    

1 month later...

"Just push, Ma'am. I could already see the baby's head!" sinunod ko ang sinabi ni Doktora at umiri nang sobra. Halos kagatin ko na ang kamay ni Derwin.

Sa wakas ay narinig naming lahat ang malakas na iyak ng anak ko. Napabitaw ako at nawalan ng malay. Nang magising ako ay agad 'kong hinanap ang anak ko.

Noong unang beses ko siyang mahawakan sa bisig ko ay halos lumabas sa tuwa ang puso ko. Ang maliit niyang mga kamay na siyang humawak sa daliri ko. Lumapit ang nurse sa 'kin na may dalang folder.

"What do you want to name your son, Ma'am?"

"Dominique. Dominique Shawne."

4 years later...

"Art, bumalik ka nga dito!" sigaw ko sa anak na ngayon ay tumatakbo palayo sa 'kin. Tumigil ako sa paglalakad at tinignan ang relos.

Isang oras nalang bago ang flight namin perp heto siya ngayon at nagkukulit. Hindi nanaman siya nagpapa-saway sa 'kin kaya naman halos malagas na ang buhok ko.

"Dominique Shawne!" gigil kong sigaw bago hinilot ang sentido at pumikit.

Napabuntong-hininga nalang ako at nakapikit na ibinagsak ang katawan sa aming sofa. Ramdam ko ang paglapit niya sa tabi ko.

"Mommy, okay ka lang po?" tanong niya gamit ang nag-aalalang boses.

Dinilat ko agad ang mata ko at mahigpit siyang niyakap. Kiniliti ko siya sa bewang kaya naman umalingawngaw ang tawanan namin sa buong condo.

"Mommy, you cheated again!" nakangusong angil niya nang tumigil kami sa paglalaro.

Tinawanan ko lang siya bago ginulo ang buhok. Bumalik ako sa kwarto at sinarado na ang maleta naming dalawa.

"Tara na, baby. Baka maiwanan pa tayo ng flight natin." sabi ko sakanya gamit ang mababang boses. Hinila ko ang maleta namin pababa nang may nag-doorbell na.

"Ako na po, Mommy!" dinig kong sigaw ni Art at narinig ko ang pagbukas ng pinto namin.

Nang silipin ko kung sino ay nakita ko si Derwin na nakapang-coorporate attire pa. Sinalubong ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Sabi ko naman sa'yo kaya naman naming pumunta sa airport ng kami lang." sabi ko sakanya habang tinutulungan siyang ilagay ang maleta namin sa likod ng sasakyan niya.

Pabiro niya akong hinampas sa braso, "Hindi ka pa rin nagbabago, Frey. Ito na ang huling beses na makikita kita eh hayaan mo na ako." ngumuso ako at pumasok sa shotgun seat.

Sinuot ko ang seatbelt ni Art bago ko sinuot ang akin. Binuhay ni Dy ang makina ng sasakyan niya. Tinignan ko naman siya.

"Bakit, hindi ka rin ba uuwi?" malungkot kong tanong bago nilabas ang makeup kit ko mula sa maliit na bag na dala ko.

"Matatagalan pa dahil maraming work sa office. Kaya mo naman na sigurong mag-isa 'di ba?" inayos ko ng kaunti ang lipstick ko.

"Oo naman, take your time. 'Wag mo madaliin."

Nang makarating kami sa airport ay hinalikan ko siya sa pisngi bago niyakap ng ilang minuto. Ginulo ko ang buhok niya at nginitian siya ng malapad.

"Aalis na kami ha. Wag palalipas ng gutom." paalala ko bago hinawakan ang kamay ni Art.

"Oo, ikaw din. Ingat kayo. Baby Art, mamimiss kita." kinawayan ko siya bago kami tuluyang pumasok sa loob.

Habang nasa loob ng eroplano ay tahimik lang kami dalawa. Napipikit-pikit na siya dahil maaga ko siyang ginising kanina.

Huminga ako nang malalim habang nadungaw sa labas ng bintana. Paasikat palang ang araw at napaka-ganda nang tanawin. Pinikit ko ang mata at umasa sa magandang bukas.

Nagising ako sa mahinang pag-alog sa 'king balikat. Dinilit ko ang mata ko at tinignan si Art. Seryosong-seryoso ang mata niya habang nakatitig sa 'kin kung kaya't hindi ko maiwasang alalahanin ang ama niya.

I kissed him on the cheek bago ko siya binuhat at linatong sa hita ko.

"Why baby?" malambing kong tanong. Biyakap niya ako sa leeg bago sumandal sa balikat ko. Naramdaman kong nakatulog ulit siya.

Nanatali kami sa gano'ng posisyon hanggang sa ihatid ang breakfast namin. Nginitian ko ang flight attendant bago marahang ginising ang anak. Binalik ko siya sa upuan niya habang nilalagay ang tray namin.

Kaya naman na kumain ng mag-isa ni Art kaya hindi na ako namroblema. Ilang oras pa ang natitira bago kami tuluyang makarating sa Pilipinas.

Pagkatapos mag-dinner ay umudlip na ako. Nagising ako nang nagsalita ang pilot at sinabing magla-land off na kami. Pinatay ko ang iPad ni Art at siniguradong naka-seat belt na siya bago ako nag-seat belt.

Nginitian ko siya bago binigyan ng strawberry bubble gum para hindi siya matakot at hinawakan siya sa kamay. Ilang beses palang siyang nakakasakay sa eroplano kaya naman medyo kabado pa rin siya.

Kailangan mo siyang bigan ng strawberry bubble gum para hindi medyo matakot 'pag pababa na ang eroplano.

Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin habang palabas ng airport. Hindi ko mapigilang mapangiti, ang puso ko ay nagtatalon sa saya. Hindi ko din maipaliwanag ang nangyayari sa sikmura ko.

Masaya ako nakabalik na ulit ako sa Pilipinas.

Supremo Got Me Pregnant (Mafioso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon