Chapter 37

1K 29 1
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" taas kilay kong tanong kay Luke nang pumasok siya. Alas otso palang ng umaga at may dala siyang paper bag na may logo ng Starbucks.

"Ah... baka gusto mo kasi ng matamis kaya dinalhan kita. Lalagay ko nalang dito." pinigilan kk ang sariling matawa at pinanatili ang pagkakataas ng kilay.

Para siyang batang pinagalitan dahil nauling may ginagawang masama. Kumibot ang labi ko at umirap.

"Whatever. Sige na umalis ka na." sagot ko bago humarap sa pinapanood.

Pagkaalis niya ay tsaka ko lang sinilip ang paperbag. Humagikgik ako nang makita ang iba't iba klase ng cake. Mayro'n pa ngang kape.

Kinagabihan ay yakap ko ang aking unan. Nagising ako kanina dahil sa panaginip ko. Gumising ako nang umiiyak. Napanaginipan ko ang dalaaang baby.

"I'm sorry, baby. Sorry kung hindi kayo naligtas ni Mommy..."

Lumipas ang ilang araw ay tuwing umaga nalang ako dinadalaw ni Luke at kada pag-dalaw niya sa 'kin ay may dala siyang iba't ibang klase ng pagkain. Tulad ngayon ay may dala siyang sushi at sashimi.

Nilalantakan ko lang ang dala niya 'pag umaalis na siya. Ang sabi ng doktor ay bukas pwede na daw akong umuwi. Dahil wala akong ibang uuwian ay kay Luke muja ako didiretso.

"Luke, pwede namang umalis din ako bukas. Maghahanap ako ng matutuluyan. Wala naman ng rason para..." may bumara sa lalamunan kk kaya nahirapan akong ituloy ang sasabihin. Lumunok ako at pinunasan ang luhang lumandas sa 'king pisngi.

"Para magsama pa tayo..."

I flinched and I closed my eyes when he punched the wall. Hindi ko na napigilang humikbi sa sobrang bigat ng nararamdaman. Akala ko ay okay na ako dahil nakakangiti na ako nang totoo jitong mga nakaraang araw pero hindi pa din pala. Hindi ko pa rin tanggap na wala na ang mga anak ko.

Malaki pa din ang aking tiyan dahil medyo matatagaln pa daw bago tuluyang bulaik sa dating anyo ang aking tiyan. Pero pinauwi na ako dahil ayos naman na ang lagay ko.

"Sa tingin mo ba ay ang anak lang natin ang habol ko sa'yo?! Mahal kita, Freyja. Handa kong isugal ang lahat para lang sa'yo. 'Wag mo namang sabihin 'yan!" tumataas baba ang baliakt niya habanf nakatalikod sa 'kin. The thought that he's crying pained me.

"Hindi na babalik sa dati ang lahat, Luke!"

"Pero pwede naman ulit tayong gumawa—"

Kusang tumaas ang kamay ko at tumama sa pisngi  niya. Nanginginig ang kamay ko at tuhod ko nang lumapat ang palad ko sa pisngi niya.

"Walang hiya ka, Luke! Gano'n nalang ba kadaling sabihin 'yon para sa'yo! Gago ka talaga!" tinulak ko siya palayo nang subukan niya akong hawakan sa kamay.

Tinalikuran ko siya at inayos ang mga gamit sa drawer ko. Narinig ko ang padabog na pagsara ng pinto pati na din ang malakas na pag-start ng makina ng kotse.

I decided to cook dinner for us. I sat on the sofa and watch TV shows. Pero nakatapos na ako ng dalawang season ay hindi pa din siya dumadating.

Nang fumingin ako sa orasan ay nakita kong pasado ala una na pala ng madaling araw. Humikab ako at sumamdal sa sofa. Bumukas ang ilaw at nakita ko si Manang nakapantulog.

Nagulat siya ng makita ako.

"Ma'am, ano pa pong ginagawa niyo dito? Wala pa din po si Sir?" umiling ako at ngumit sakanya.

Pinilit niya pa akong matulog na at siya nalang ang maghihintay kay Luke pero tumanggi ako. Sa huli ay bumalik nalang siya sa quarters nila habang ako ay naiwan sa sala.

Napatayo ako nang marinig ang makina ng sasakyan. Lumapit ako para buksan ang pinto pero nauna iyong bumukas. Pumasok si Luke, karga ang isang babae na halos wala nang saplot.

Dumilim ang ekspresyon ko at bumuka ang bibig ko para magsalita pero naisara ko din nang lagpasan niya lang ako. Tumulo ang luha ko habang pinapanood silang umakyat sa kwarto namin.

Napangiti ako nang mapait. Sa araw na 'yon ay pinili kong sa sala nalang matulog. Halos atakihin nga sa puso si Manang kinaumagahan nang makita ako. Natawa ako at tinapik lang siya sa balikat.

Pagpasok ko sa kwarto ay wala na iyong babae pati si Luke. Rinig ko ang pagtulo ng tubig mula sa banyo kaya lama kong naliligo na siya. Tumingin ako sa orasan at nakitang alas dyes na pala ng umaga.

Nagbuntong-hininga ako at lumili ng susuotin. Kinuha ko ang dress na paborito kong suotin. Gusto ko iyon suotin sa huling pagkakataon. Gusto kong maramdaman na buntis pa din ako.

Tahimik kong nilagpasan si Luke pagkalabas niya ng banyo. Sinara ko ang pinto bago naghubad ng damit. Pareho lang kaming tahimik sa buong magdamag. Kahit sa pagtulog ay walang nagsasalita saming dalawa kahit magkatabi lang kami.

Papikit na sana ako nang magsalita siya. Dinig ko ang malalim niyang paghinga at ang unti-unti niyang paglapit sa 'kin pero agad ko siyang tinulak palayo bago siya tinalikuran.

"Wala na ba talaga, hindi na maayos?" tanong niya. Pait akong tumawa.

"Hindi na maibabalik sa dati ang lahat, Luke. Kailangan nating tanggapin ang katotohanan na 'yon."

Supremo Got Me Pregnant (Mafioso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon