Kabanata 24

1.5K 50 3
                                    

Freyja.

Pagkalabas ni Aleia ay napalunok nalang ako ng sariling laway habang pinag lalaruan ko ang aking mga daliri. Tanging kaming dalawa na lang ni Stefan ang naiwan dito sa kwarto dahil nga umalis si Aleia.

Ramdam na ramdam ko agad ang pagbigat ng ambience at mood sa buong kwarto kahit naman hindi naman siya gumagalaw o kaya nakatingin sa 'kin.

Tahimik tuloy akong napadasal sa may kapal. Kita ko siya sa gilid ng aking mga mata, nakatulala sa sahig habang magka cross ang matitipunong braso sa kaniyang dibdib.

Huhu, gan'to pala ang feeling 'pag may galit sa'yo tas kasama sa isang mafioso.

Napanguso nalang qng aking labi habang nakatitig sa aking kamay na magkasalikop, nang may biglang iPhone ang sumulpot sa 'king hita. Nag angat ako ng tingin at nakita si Stefan na nakapasok ang isang kamay sa bulsa habang ang isa naman ay inaabot sa 'kin ang cellphone.

Muntikan na akong mapa 'woah' dahil kahit pag-abot lang ng cellphone ang ginawa niya ay parang kailangan in a cool way niya pa gagawin. Wala akong nagawa at nasabi, at tinggap ko nalang din ang cellphone na inaabot niya.

Mahirap na, baka mas lalo pa siyang magalit sa 'kin. Tumalikod din siya nang kuhanin ko sa kanya ang cellphone. Dumiretso ulit siya kung sa'n siya naka puwesto kanina at bumalik sa pakaka upo bago humalukipkip.

"Thought you'd be bored while waiting for my..... I mean, kay Aleia." my lips twitched at the sudden change of his words. My eyes squinted as I eyed at him suspiciously.

I'm starting to smell something fishy between him and Aleia. Hindi kaya ay mag boyfriend-girlfriend ang dalawang 'to?

Lumipat ang tingin ko sa kung anong kumikinang na nakasuot sa ring finger niya nang tumama sa mata ko ang kinang no'n. Tumaas ang isang kilay ko nang makita na parang wedding ring iyon. Habang nag-iisip pa ako ay bigla naman na bumukas ang pintuan.

Napaubo ako nang makita na magkamukha na magkamukha ang singsing na suot nila Stefan at Aleia. She was also wearing a much simpler ring that I thought is the engagement ring at the bottom of the other ring. Napakagat nalang ako sa aking labi para pigilan ang pag ngiti at kiligin sa kanilang dalawa.

Mukhang mag iiba na ang tingin ko sa kanilang dalawa 'pag magtatabi sila ah. Lumawak ang ngisi sa 'king labi.

WAHAHAHA! May maasar na ako kay Aleia!

Though I hadn't known them for so long, I really thought they'd make a great couple. I stared at the both of them intently, picturing them marrying each other and having kids. Napapalakpak nalang ako ng 'di oras at mas lalong napangiti ng malawak. Yung tipong aabot na hanggang sa tenga ko, gano'n ang peg.

Bravo, that's what you called perfection!

Nagtatakang lumapit sa 'kin si Aleia hawak ang isang tray. Inilapag niya iyon sa maliit na table sa tabi ng kama ko. Kinunutan niya ako ng noo pero nginitian ko lamang siya. Syempre para hindi halatang may nalalaman akong sikreto nilang dalawa.

"Tell me, Juntis. Nababaliw ka na ba? Tumama ba yung ulo mo? Or baka nahawa ka na do'n sa asawa ni Manong Lukashenko?"

Tanong niya pa sa 'kin pero hindi ko na siya pinansin at malawak ang ngiti na nagsimulang lantakan ang dala niyang pagkain.

Kinagabihan ay sa may tabi ko natulog si Aleia. Nag set-up siya ng kutson sa tabing ibaba ng kama kung nasa'n ako namamahinga. Sinilip ko siya sa baba at nakitang nagc-cellphone pa siya.

Sinitsitan ko siya kaya naman napatingin siya sa aking gawi. Nginitian ko siya bago sinabing, "Good nightt!!" I softly said before laying down comfortably, pulling my comforter upwards until it reached my neck.

I smiled while closing my eyes, I cannot wait to see Luke soon. Talagang magmamadali akong magpa galing para makita ko na siya agad. Dapat by next week ay magaling na ako para mabisita ko agad siya.

Sa sumunod na araw ay nakahilata pa din ako sa kama, nanunuod ng anime o kaya ay k-drama. Nanunuod lang ako ng Hospital Playlist nang biglang kumalam ang aking sikmura. Kinuha ko ang walkie-talkie na binigay sa 'kin ni Aleia para daw 'pag may kailangan ako.

"Aleiaa!! Gutom na ako, gusto ko ice cream pati maraming junk foods at chips!" sabi ko sa walkie-talkie.

["Pa'no ka gagaling niya'n kung puro ka kain ng junk foods? Dadalhan nalang kita ng lunch mo."]

Napanguso ako na parang batang hindi napagbigyan sa gusto nito.

"Eh?? Ice cream nalang?" sabi ko sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko ng wala ng sumagot.

"Hello? Hellooo?" sigaw ko sa walkie-talkie pero wala ng sumagot. Napaawang ang labi ko.

Tino-torture talaga ako ni Aleia!!

Sa mga nakalipas na araw ay puro mga gulay lang ang kinakain ko, minsan din ay may kasamang karne para daw balance ang diet ko.

Kagat kagat ko ang labi ko habang ginagalaw ang paa. Nakaupo ako sa kama at ako nalang ang mag-isa sa kwarto. Napaangat ang tingin ko ng bumukas ang pinto.

To be continued...

Supremo Got Me Pregnant (Mafioso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon