Kabanata 16

2.3K 78 20
                                    

Third Person's POV

Tahimik lang na nakahiga si Freyja sa tabi ni Lukashenko na mahimbing na ang tulog. Napatingin siya sa verenda at nakitang nakabukas pa din ang glass sliding door, humahangin ng malakas sa labas kaya nililipad ang kurtina.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago marahan na tumayo. Nilapitan niya iyon bago dahan-dahang isinira. Inayos niya din ang kurtina bago lumabas ng kanilang kwarto.

Dumiretso siya sa kusina para uminom ng gatas. Binuksan niya ang refrigerator. Napangiti siya ng makita ang isang karton ng hindi pa nabubuksan na fresh milk. Nakangiti niya iyong inabot. Sinarado niya agad ang refrigerator at kumuha ng baso. Napatigil si Freyja sa pagsasalin ng fresh milk sa baso ng makarinig siya ng pagkasa ng baril.

Ramdam niya ang malamig na nguso ng baril sa kanyang sentido. Her hands trembled, kumalat ang fresh milk sa countertop kaya mas pinili niyang ibaba nalang iyon. Nanginginig ang buong katawan niya dahil nanatili pa rin sa sentido niya ang nguso ng baril. Ni hindi niya na namalayan ang pagtulo ng kanyang luha. Nagflash back ang lahat ng masasayang alalaala niya.

Ito na ba ang katapusan ko?

Napapikit si Freyja habang iniisip na hindi man lang niya masisilayan ang kanyang anak. Nanigas siya sa kinatatayuan.

"Shh... I'm sorry if I scared you." unti-unti ay nanlaki ang mata niya ng makilala ang boses.

"S-Supremo?" mahina bulong ni Freyja at tumango naman ang lalaking nasa likuran niya.

"Shout for help, I need you to do something." bulong ni Luke kay Freyja. Dahan-dahan namang tumango si Freyja kahit nanginginig pa rin.

"S-Susubukan ko hanggang sa maabot ng aking makakaya."

"Okay... this is what you need to do, baby..." tahimik silang nagbulungan sa kusina. Panay lang ang tango ni Freyja. Maya-maya pa ay isinagawa na nila ang kanilang plano.

"SUPREMOO!! TULONGG!! M-MAY BARIL NA NAKATUTOK SA 'KIN!!" sigaw niya na agad na umalingawngaw sa buong mansion. Wala pang ilang segundo ay napalibutan na ang buong kusina ng mga tauhan ni Lukashenko.

Bumaba si Lukashenko na may hawak na pistol. Nakangisi ito habang tinitignan ang lalaki sa likod ng kanyang bihag. Hindi niya inaakalang maghaharap sila ng gan'to kaaga. Lumapit siya sa kusina pero agad napatigil ng tinutukan nanaman si Freyja ng baril.

"Wag mong susubukang lumapit kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo ng pinakamamahal mong asawa." ani ng lalaki na nakamaskara habang dinidiin ang nguso ng baril sa sentido ng buntis na babae. Napapikit nalang si Freyja at tahimik na nagdasal.

Pinakiramdaman ng totoong Supremo Luke ang paligid at nang maramdaman niyang sesenyasan na ng kanyang kambal ang lahat ng tauhan ay iniharap niya sa lanya si Freyja. Nanatiling nakatutok ang nguso ng baril sa sentido ni Freyja. Inangkin agad ni Luke ang labi niya, walang sinayang na segundo. Dinama niya kuryente sa tuwing naglalapat ang balat nilang dalawa. Napangiti siya habang magkalapat ang kanilang labi habang galit na galit si Lukashenko. Sinenyasan niya agad ang mga tauhan niya.

"This will hurt a little, baby." pinukpok ni Luke ang noo ni Freuja ng baril na kaniyang hawak. Mabilis na nawalan ng malay si Freyja. Ginamit iyon ni Supremo para makatakbo.

"Sundan siya, mga hangal! Huwag niyo hahayaang makaalis!" utos ni Lukashenko na agad namang sinunod ng mga tauhan niya.

Dinaluhan niya ang walang malay na si Freyja sa lapag. Walang ano-ano'y binuhat niya ito. Sinenyasan niya ang asawa na tumawag ng doctor. Agad na sumunod si Aislin at ni-dial ang numero ng personal na doktor ng asawa.

Pagkamulat ni Freyja ay agad na bumjngad sakanya ang walang emosyon na mukha ni Lukashenko. Napadaing siya ng sumakit ang sugat niya sa noo. Napangiwi si Luke na pinapanood ang bawat galaw ng babae sa malayo.

"Looks like I hit her forehead a little too much." bulong niya sa sarili.

Inalalayan ni Lukashenko sa pag-upo si Freyja, tumaas ang kilay ni Luke habang masamang nakatingin sa kamay na kambal sa kanyang mapapangasawa. Napangisi siya sa iniisip. He still remembers how she tasted on their very first day. Hindi niya inaasahan na magbubunga ang kanilang ginawa sa isang mapusok na gabi lang.

Iyon ang kauna-unahang beses na hindi siya gumamit ng proteksyon. Nakakatawa lang dahil masyado siyang nagpakampante no'n. Kung sana ay gumamit lang siya ng proteksyon noong gabing iyon ay hindi sana masasama ang babae sa gulo ng kanilang Mafioso.

Napailing siya at unalis sa tinataguan at dumiretso sa kanyang Porsche.

"I think we need to relax a little bit. What do you think?" nakangiting tanong ni Lukashenko kay Freyja. Napatingin sakanya si Freyja at nagaalangang tumango nalang. Natatakot na baka mabuko siya.

"O-Okay lang naman sa 'kin." sabi ni Freyja at umupo ng maayos.

"Where do you want to go then?" napaamang nalang si Freyja sa tanong ni Lukashensko. Gusto niya mang mainis ay hindi niya nalang ipinahalata.

Sumusakit ang sugat niya sa noo, mukhang may masasapak siya sa susunod na pagkikita nilang dalawa.

"Ikaw bahala." tipid na sagot ni Freyja at pumikit para maibsan ang kirot.

Ayaw niyang ma-stress dahil paniguradong maapektuhan nito ang baby. Natatakot siya. Pero nasa gitna siya ng gulo. Napapagitnaan siya. Wala siyang magagawa kundi ang protektahan ang baby niya. Ito nalang ang natitira sakanya.

"What about Boracay?" agad namang umiling si Freyja.

Masyadong malayo.

"Palawan." agad na napadilat si Freyja sa sinabing iyon ni Lukashenko. Walang pagaalinlangan siyang tumango ng nakangiti.

"Sige!" masigla niyang sabi at niyakap pa si Lukashenko. Nagulat ang lalaki dahil do'n pero hindi din nagpadala.

"Sige, bukas na bukas din ay aalis tayo," napapikit nalang si Freyja ng marahan siyang hinalikan ni Lukashenko sa noo.

"Magpahinga ka na diyan. Goodnight." tinaas ni Lukashenko ang kumot hanggang sa leeg ni Freyja. Nakangiting pumikit ang buntis at humarap sa kabilang side.

Nakikita niya ang madilim na kalangitan mula sa kanyang pwesto. Ang milyong-milyong bituin at ang kalahating buwan. Ang puso niya ay kumikirot, napakagat nalang siya sa labi niya habang tumutulo ang kanyang luha. Hindi niya maintindihan ang sarili niyang puso at isip.

May gusto na ba ako sakanya?

Sino nga ba naman kasing hunghang ang magkakagusto sa kanyang abductor? Wala, hibang lang ang magkakamali. Kaya nanguguluhan siya.

Si Supremo ba talaga o si Lukashenko na?

to be continued...

P.S. Vote and comment is a must. Drop your thoughts about this story para naman ganahan akong magsulat ng bagong chapter, huhu. Thank you sa lahat ng nag-vote at nagbasa.

Supremo Got Me Pregnant (Mafioso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon