Chapter 14- I Took the Princess Out

12 3 0
                                    

"Ang siba mo namang kumain."

Sabi ko habang pinapanood si Belle na kumakain. Teka, hindi na yata kain ang tawag dito, Lamon na ata eh. Paano ba naman kung makasubo ng pagkain parang ilang taong hindi nakatikim ng pagkain.

"Ano iyon ginoo?"

Sabat naman niya habang puno pa yung bibig niya ng pagkain. Naman. Talk about proper etiquette. Hindi ba tinuruan ng proper table manners to? At Okay,  tinatawag pa niya ang sarili niya na "prinsesa" sa ganitong inaasal niya? Hanep ah.

"Wala. Sabi ko, sige kain ka lang dyan."

Nandito nga pala kami ngayon sa malapit na mini resto. Mga walking distance lang mula sa ancestral house, since wala namang available na sasakyan na pwedeng gamitin ngayon kaya mas mabuti nang wag na kaming lumayo. At mabuti na lang at hindi naman masyadong maraming tao dito sa loob ng resto  kundi parang gusto ko nang matunaw sa hiya dahil dito sa kasama ko. Ano naman kaya sasabihin ng tao pag nakita akong may ganitong kasama? Malamang sira na ang reputasyon na matagal na ipinundar ng mommy ko. It's a good thing also that I am on my usual disguise: leather jacket and aviator shades with a cap. Pero hinubad ko nalang muna ang cap ko dahil nandito kami sa loob ng resto.

"Ayaw mo bang kumain ginoo?"

Nagising naman ako sa aking pag-iisip ng bigla niya akong tanungin.

"Ahh- Sige lang. Kain ka lang diyan."

Sagot ko naman sa kanya at binigyan siya ng pilit na ngiti. Para naman kasing ewan to. Hindi ba to nabibilaukan sa sobrang katakawan neto? Kung makasalampak ng pagkain sa bibig sunod-sunod ah. Parang nagmamadali. May naghihintay ba na taxi sa labas?

But as if on cue, bigla naman siyang nasamid at napaubo.

"Yan kasi, ang takaw."

Sabi ko habang nagpipigil ng tawa. Inabutan ko naman siya ng tubig para mawala yung pagkasamid niya. Napaubo pa siya bago tuluyang lumagok ng tubig. At dahil dun hindi ko na napigilan ang tawa ko. Paano ba naman kasi, yung ibang tubig umapaw pa at nasayang mula sa kanyang bibig. Paano naman kasi parang ang hayok nito uminom.

"So paano? Okay ka na?"

Tanong ko sa kanya habang nakatawa pa rin. Patuloy pa rin ang pag-inom nito ng tubig. Nang maubos niya ang tubig sa baso, umigham naman ito to clear her throat.

"Ahh,eh, oo ginoo. Pasensya na. Masyado lamang akong nagiliw dito sa pagkain. Kakaiba siya at sobrang sarap."

Nakayukong sagot nito sa akin na parang nahihiya. At ngayon pa talaga siya nahiya sa akin ha?

"Eh ano pa bang magagawa ko?"

"Ngayon ko lang po kasi natikman ang ganitong uri ng pagkain. Walang katulad nito sa aking pinanggalingan."

"Okay. Don't reason out. I understand. At saka, pwede ba, huwag mo na akong tawaging ginoo."

"Bakit naman g-Ginoo?"

Tanong niya ulit at parang nag-alangan pang sabihin ang huling salita.

"Kasi naman nakakaasiwa. Ang baduy pakinggan. Kaya pwede bang Zac nalang? Tinawag mo naman yun kagabi sa akin diba?"

"Ah eh, Kung yan ang gusto mo, Z-Zac."

"Well that's better. So, tapos ka na ba kumain?"

Tanong ko sa kaniya nang mapansin kong naubos na pala niya lahat ng pagkain sa mesa.

"Ah, oo. At masyado akong nabusog sa aking nakain."

Paano ka ba naman hindi mabubusog? Eh nasimot mo lahat nung pagkain sa mesa.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon