Chapter 20- I Took the Princess to the Witches House

24 4 0
                                    

"Sir, gising na po."

Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko ng maramdamang may umaalog sa akin. Nakita ko naman agad si Lianne. Kinusot ko ang mata ko to adjust from the light.

"Nasaan tayo?"

Tanong ko naman sa kaniya. Medyo madilim na rin ng mga oras na yun. Siguro mga 7 na ng gabi. Nakatulog na pala ako dahil sa haba ng byahe.

"Sa bahay ng Mommy niyo po sir." sagot naman sa akin ni Lianne.

What? Sa bahay ni Mommy? Napatayo naman ako ng tuwid ng marinig yun. Parang nagising bigla yung diwa ko.

"Bakit tayo nandito?"

Gulat na tanong ko. O.A na kung O.A pero nagulat talaga ako eh. Hindi ko kasi to in-expect. Dito naman kasi agad-agad sa bahay ni Mommy eh.

"Sir, sabi po kasi ni Kuya dito po muna tayo pumunta bago bumalik sa condo niyo."

"Alex, pwede namang sa condo muna tayo dumaan. It's more beneficial to meet Mommy tomorrow." sabi ko at hinarap si Alex.

Nagbabasakali lang naman baka magbago pa ang isip niya diba? Hindi pa kasi ako handa eh.

"Sir Zac, mas mabuti nang ngayon na tayo humarap sa Mommy niyo." paliwanag ni Alex.

"But..." reklamo ko sana pero agad naman pinutol yun ni Alex.

"Pero sir, kayo na rin yung nagsabi na dapat niyo nang harapin ang lahat ng problema niyo diba?" paliwanag ni Alex.

It's hard to admit but I was actually caught off guard. I mean, yes tama si Alex na dapat ko ng harapin ang lahat ng mga problema ko pero not now. Not too soon. Pero nandito na kami para umatras pa. Naman oh. Napabuntong-hininga nalang ako.

"Okay."

Wala na naman kaming choice eh. Bumaba naman kaming lahat sa kotse at napatingin na lang muna sa malaking bahay. Parang horror movie naman ang aura nito.

"Bahay mo rin ba ito ginoo? Napakalaki at ganda nito!" manghang sabi naman ni Belle.

"Hindi sakin to Belle. Kay Mommy to." tipid kong sagot.

"Sa iyong ina? Bakit? May ibang bahay pa ba kayo ginoo?" sunod-sunod niyang tanong.

"Ah, basta Belle. Hindi kami nakatira sa iisang bahay ni Mommy."

"Bakit naman?"

"Belle, mamaya na lang muna yung intregahan. Pumasok na lang muna tayo." awat naman ni Lianne.

Naglakad naman kami palapit sa gate. Agad naman kaming pinagbuksan ng guard at hinatid sa pintuan. Sinalubong naman kami ng isang kasambahay.

"Good evening po Sir." nakayukong bati niya.

"Good evening din Manang Lorna. Nasaan si Mommy?"

"Nasa opisina niya po. Gusto niyo bang tawagin ko siya?" tanong naman ng kasambahay na si Manang Lorna.

"Wag na. Kami na lang ang pupunta dun. Salamat."

Ngumiti nalang ako sa kanya. Agad naman kaming pumasok sa bahay at tinahak ang daan papuntang opisina ni Mommy.

"Mas malaki ito kumpara doon sa bahay na ating pinanggalingan. At mas kakaiba siya sa aking paningin." manghang sagot naman ni Belle.

"Ah Belle, wag mong gagalawin ang mga gamit dito. Baka may masira ka pa. You know, parang leon kasi magalit ang Mommy ni Sir Zac." pigil naman ni Lianne kay Belle ng akma itong aalis at palapit papuntang T.V.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon