Chapter 5: A True Love's Kiss

42 5 0
                                    

Mabilis kong nilakad yung daanan.Mabuti nalang tama ako. At mabuti nalang may nakita akong ibang tao at humingi ng tulong.Kung hindi, hindi ko alam kung anong mangyayari sa aming dalawa ng babaeng 'to.

Kasalukuyan akong naghihintay dito sa labas ng E.R. Tinawagan ko na rin sila Alex na pumunta dito gamit ang telepono ng ospital. They are on their way right now. What a stressful day.

I feel so exhausted. Tinungo ko yung upuan para makapagpahinga. When I was about to sit on a chair, something flashed. Napalingon ako. Ano yun? Camera? May nakita akong lalaking patakbo palayo.

Crap.Paparazzi!

And then I realized na nakababa na pala ang hoodie ko at wala na akong shades, revealing my face and identity out in the public.

Darn! What else? Ang malas malas ko lang talaga ngayon. Bukas na bukas pagpipiyestahan na ako ng media. And what would the headlines say? Zac found in the hospital carrying an unconscious girl? And to exaggerate things, Zac brings live in partner to the hospital? Alam mo naman ang media. Ang hilig magpalaki ng issue kahit walang katotohanan.Marami ang mag re- react dito. And my mom would really freak out!

Ano na kaya ang pinagsasabing dahilan ni mommy sa press sa bigla kong pag alis? Things are just getting worst. Naputol ang pag iisip ko nang biglang lumapit ang doctor sa kinatatayuan ko.

"Sir, kayo ho ba yung kasama ng pasyente?" tanong niya.

" Yes. Ano na po yung nangyari sa kanya Doc?" sagot ko.

Hindi siya sumagot. Nakatitig lang sa akin ang matandang lalaking doctor. Tila pinag aaralan yung mukha ko. Weird to ha.

"Kayo ba yung artista? Yung Zac Lopez ba yun? Naku!! Idol na idol ka nang mga anak ko!" Sabi nang doctor na tuwang tuwa.

I gave him a puzzled look. Ano ba pinagsasabi nito? Seriously? Doctor ba talaga to?

"Ahm..uh, yes?" sagot ko sa kanya. Pilit ang ngiti.

"Pa autograph naman!" ani nito at kinapa ang sarili at pinasok ang kamay sa bulsa niya. Tila nag papanic pa siya. Naghahanap yata ng papel at ballpen. I gave him a puzzled look.

Jeez. Anong klaseng doctor to? Hindi niya ba na realize na may mamamatay na pasyente? Na may trabaho siya? Na may dapat pa siyang sabihin sa akin? Na may mas importanteng bagay siya na dapat asikasuhin kesa sa autograph?

"Ahm Doc, yung pasyente? Kamusta na?" I interrupted.

" Ah oo nga pala" sabi niya at inayos ang sarili.  Tumayo siya ng tuwid. Bumalik sa pagka professional ang aura niya.

Wow doc. Ang bilis magbago nang mood ah. Bagay din mag artista to. I rerekomenda ko to kaya kay Mommy.

" The patient was having a hypothermia. But we gave her remedies. So basically she's fine already. Nagpapahinga nalang siya sa loob" saad niya.

"Hypothermia?  Paano nangyari yun? Sa gubat ko siya nakita at sa pagkakaalam ko summer ngayon. Pwede ba yun Doc?" naguguluhang sagot ko sa kanya.

Niloloko ba ako nito? Hypothermia, diba dahil sa sobrang lamig yun?

" Seryoso ka ba? Hindi ba siya basa or napaliligiran ng yelo nung nakita mo siya?" tanong ng Doctor na nakakunot ang noo.

Teka, bakit parang ini imply nito na ako yung nanloloko dito?

" Hindi po Doc. In fact, nahulog siya galing sa puno." sabi ko. Mas ini expect ko pa ngang nabalian pa siya ng buto o di kaya spine injury. Hindi hypothermia.

" This is very weird." iling ng Doctor.

Oo nga Doc. Kanina pa nagiging weird yung mga nangyayari sakin.I thought again.

" We'll just do further check up on her. I'll just get back to you later. Pwede mo na siyang bisitahin sa loob. " sabi ng doctor at umalis na siya agad.

Napailing ako.Hypothermia? Parang ang mali lang.Pero bakit naman ako lolokohin nung Doctor? What's really in this day that makes it so weird and complicated?

Pinilit ko nalang ang sarili ko na huwag isipin ang mga bagay na yun. I paced towards the emergency room, then slowly opened the door and went inside.

Nakita ko siyang nakahiga sa kama, still wearing that odd looking gown. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. She looks peaceful while sleeping. Nakapatong ang dalawang kamay niya sa kanyang tiyan, tuwid yung pagkakahiga.

Wait. Maybe I'm just thinking crazy, pero bakit parang familiar yung scene? Parang cliché na scene na palaging motif ng pambatang pelikula? Yung parang pang fairy tale yung set up. Si Sleeping beauty ba to na naghihintay ng true love's kiss? I brushed off that thought. Ano bang kabaklaan tong pumasok sa isip ko. Pang bata lang ang fairytale na yan. At higit sa lahat, isa lang yung malaking kalokohan.

Mas lumapit ako sa kanya at umupo sa silya na malapit sa higaan niya. Inayos ko ang sarili ko sa pagkakaupo. Once again, I looked at her face. I can't deny the fact that she is indeed beautiful. Ang kinis ng mukha, ang tangos ng ilong at ang pula at ang sexy ng lips.

Oh, That lips. Parang ang sarap halikan.

Teka, kelan pa ako naging pervert? Kalokohan talaga tong pumapasok sa isipan ko. Umiling ako ulit, brushing off that thought in my head.  Pero... pero enticing talaga eh.

God. Raging hormones. Mahirap labanan ang temptation sa ganitong oras at pagkakataon.

A crazy smile formed on my face. A demonic smile maybe. Masubukan nga. Iisipin ko lang na isa tong social experiment. Experiment na kung magigising talaga ang isang tao with a kiss. I smirked. Parang gusto kong matawa sa iniisip ko. Yes I'm indeed crazy. I stood up from where I was sitting and bend over, so that my face is already near from hers. Mas maganda pa siya lalo sa malapitan. I hesitated at first but slowly, I moved my face closer to hers, until my lips touched her lips. Passionately, I kissed her.Her lips are so  soft, sweet and it feels so good. So tempting.

After a moment, kumalas ako sa halik. Tulog pa rin siya. Pero I felt quite guilty. I'm not usually like this, pero ang lakas lang talaga ng hatak sa akin ng babaeng to.

" So hindi pala talaga effective yun." I smirked.

Pero nang uupo na ako sana ulit, a sudden movement caught my peripheral vision. Her hand twitched and then her head moved a bit. And slowly, she opened her eyes. Wow. What a weird coincidence. Pero bigla akong nakaramdam ng hiya. Darn. Ikaw ba naman humalik sa taong tulog at kakakita mo lang kanina? Inilibot niya ang mata sa paligid, probably studying where she's at.

"A-Anong lugar to? Nasaan ako napaparoon? Ano ang iyong pangalan? " sunod sunod na tanong niya.

Ayan na naman yung malalim niyang tagalog. Eto yung totoong nakaka nose bleed. At hindi niya daw ako kilala. Hindi ata uso sa kanila T.V at internet.

"Ahm. Nasa hospital ka. And I'm Zac." sagot ko sa kanya and offered my hand.

Hindi niya inaabot ang kamay ko.She gaved me that odd look. Awkward, kaya binaba ko nalang ang kamay ko. May nasabi ba akong masama?

" Ano ang hospital? Hindi ko mawari ang iyong sinasabi.At bakit parang kakaiba ang iyong lenggwahe ginoo? Isa ka sigurong masamang loob! Ibalik mo ako sa aking kaharian!" sabi niya na tila natatakot na at nagsimula na  mag panic.

Her statements caught me off guard. Kakaiba language ko? Hindi niya alam ang hospital? At higit sa lahat, ibalik sa kaharian niya? KAHARIAN?

God. She must be really crazy.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon