Chapter 16- I Brought the Princess to the Grocery

17 3 0
                                    

Bella's POV

Isang bagong araw na naman ang dumating. Nag unat ako at bumangon na mula sa aking pagkakahiga. Ilang araw na rin akong nandito sa panahong ito. Ilang araw na akong malayo sa aming kaharian. Hindi man mawala sa akin ang lungkot na nadarama pero dapat na akong masanay, dapat ko ng tanggapin ang lahat. Dahil alam kong ako ay mananatili dito ng matagal.

Kinapa ko naman ang kuwintas kong may nakasabit na orasang buhangin. Ito ang bigay sa akin ng matandang babaylan. Ang bagay na nagdala sa akin dito.  Hindi ko rin alam kong anong misteryo ang nangyari. Kung anong kapangyarihan ang dala at bumabalot dito. Hindi ko rin alam kung gaano katagal ang panahong maiibibigay nito sa akin, pero alam kong hindi pa bukas o sa susunod na linggo o sa susunod na buwan bago ako makabalik sa aking pinanggalingan.

Napabuntong hininga na lamang ko at pinilit alisin ang namumuong lungkot sa aking dibdib.

Nagbihis na lang ako para makababa na. Sinuot ko nalang ang damit na ipinahiram sa akin ni Lianne na akma sa kanilang panahon. At saka wala pa rin naman akong sariling damit na pwede kong gamitin kaya ito na lang muna. Pagkatapos kong magbihis ay agad naman akong bumaba.

Nang matapos kung baybayin ang hagdanan ay naabutan ko naman ang ginoo na nakaharap sa isang parang aparador na iniimbakan ng pagkain na may malamig na temperatura.

Ano nga ba ang tawag doon? Nasabi na ito sa akin ni Lianne. Refrita? Refrigor? Refirator?

Refrigerator

Ayon na yata ang pangalan noon. Minsan sumagi na rin sa aking isipan na gusto kong pumasok sa loob nito. Masyadong malamig kasi ito at parang masarap sa pakiramdam. Marahil kasya nga ako doon sa loob dahil may kalakihan rin naman ang bagay na iyon.

"Gising ka na pala?" tanong naman sa akin ng ginoo ng makita ako.

"Ah oo ginoong Zac. At ano ba ang iyong hinahanap diyan?" tanong ko naman sa kanya.

"Parang nauubusan na yata tayo ng pagkain. Kailangan na nating mag grocery." sagot naman niya at ibinalik ang atensyon sa ginagawa niya.

"Grocery?"

Tanong ko ulit sa kaniya.Isa na naman ito sa panibagong salita. Medyo marami na rin ang nadadagdag sa aking bokabularyo tungkol sa kanilang salita.

Napabuntong hininga muna ang ginoo bago sinagot ang aking katanungan.

"Yun ang tawag sa lugar na bentahan ng pagkain."

"Pagkain? Gusto ko iyon ginoo! Maraming masasarap na pagkain dito sa inyong panahon!"

Masayang sambit ko naman sa kaniya at napatalon. Tama nga na maraming masarap na pagkain dito sa kanilang panahon. Tulad nung kinain namin noong nakaraang mga araw doon sa tinatawag na restaurant at pati na rin yung ice cream.

Kakaiba man iyon sa aking panlasa ngunit napakasarap niyon.

"Para kang baliw diyan." sabi naman ng ginoo.

Tinawag niya akong baliw? Eh sa lubos akong nagagalak ng marinig ko ang kaniyang tinuran.

"Tama naman ang aking tinuran. Masyado naman talagang masarap ang inyong mga pagkain." sagot ko naman sa kaniya.

"Okay. Okay. Ayoko ng makipagtalo." sagot naman ng ginoo at itinaas ang dalawa niya pang kamay.

"Pupuntahan mo ba ngayon ang sinasabi mong grocery ginoo?"

"Oo. Kailangan eh. Kesa naman magutom tayo dito. Gusto mo bang sumama?"

"Oo naman ginoo! Gustong-gusto ko iyon!" masayang sabi ko at pumalakpak.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon