Chapter 22- Taping

21 3 0
                                    

Belle' POV

Nandito kami ngayon sa hindi ko matukoy na lugar. Hindi naman kasi nila nasabi sa akin ng ginoo at ni Lianne kung ano ang pangalan ng lugar na ito. Basta ang alam ko lang ay malayo ito doon sa tinutuluyan naming bahay. Kasama ko ngayong nakatayo si Lianne dito sa labas ng sinabi niya na "tent" kung saan nasa loob si Zac. Hindi ko rin alam kung ano yung ginagagawa nila doon basta marami siyang kasamang tao at hindi kami pinahintulutan na pumasok rin roon. Wala naman ngayon dito si Alex dahil may inaasikaso siyang mga bagay, sabi rin ni Lianne sa akin. Kung anong mga bagay na iyon ay hindi ko rin alam.

"Belle, ganito ha. May ibibigay lang ako sa yong mga utos, pero dapat sundin mo to ha." sabi ni Lianne at hinarap ako.

"Ano iyon Lianne?" nagtatakang tanong ko.

Mukha kasi siyang seryoso sa gusto niyang ituran sa akin.

"Belle, nasa taping tayo ngayon. Ito yung trabaho ni sir Zac. Dapat hindi ka hahawak, gagalaw o gumawa ng kung ano man dito sa set. Naiintindihan mo ba ako?" paliwanag ni Lianne.

Napatango na lang ako bilang sagot. Mas mabuti na lamang na sumunod na lang din ako. Baka ay makagulo pa ako dito sa trabaho ni Ginoong Zac.

"Ano ba iyong nangyayari sa sinasabi mong taping?" tanong ko naman sa kaniya.

Ngayon ko lang kasi narinig ang bagay na iyon. Kaya labis nalang ang aking pagtataka kung ano nga ba ang nangyayari sa ganoong bagay.

"Para malaman mo, manonood na lang tayo. Punta na lang tayo diyan sa gilid. Malapit na silang magsimula."

Tumango nalang ulit ako sa kaniyang tinuran. Pumunta naman kami doon sa gilid na tinutukoy ni Lianne. Tumayo lang kami doon at naghintay. Lumabas naman agad sila Zac kasama si Steff at marami pang ibang tao na karamihan ay hindi ko pa kilala o ngayon ko lamang nakita. Duguan ang damit ni Zac nang siya ay lumabas doon sa tent.

Napatakip naman ako ng aking bibig. Nagulat ako sa aking natunghayan. Totoo ba itong aking nakikita?

"Binibini! Bakit duguan si Zac? Anong nangyari sa kaniya?"

Gulat na gulat na tanong ko kay Lianne. Tumawa lamang siya sa aking tinuran na lubos kong pinagtaka. Duguan na nga ang damit ni Zac ay nakuha niya pang tumawa?

"Chill lang Belle. Costume niya lang yan."

Natatawa naman niyang sagot sa akin. Pero hindi pa rin natatanggal ang kaba sa aking dibdib. Para kasing totoo ang dugong nakita ko sa katawan ng ginoo.

"Costume? Ano ang costume? Hindi ba talaga nasaktan ang ginoo?"

"Basta. Hindi totoo yan. Yan lang ang susuotin niya para sa eksena. Manood ka nalang."

Paliwanag naman ni Lianne. Kahit nalubos pa rin akong nagtataka ay sinunod ko na lamang siya at nanood na lamang ako. Nasa isang kalsada sila. Medyo madilim na rin sa mga oras na iyon. Nakahiga si Zac at parang nanghihina ang kaniyang katawan. Nakaluhod naman si Steff habang nakapatong ang ulo ni Zac sa mga binti niya.

"Jacob,please. Wag mo akong iwan. Dadalhin kita sa hospital."

Umiiyak na sabi ni Steff. Ano ba talaga ang nangyayari?Hospital? Hindi ba doon rin ako dinala ni Zac dati? Ang lugar na gumagamot ng mga taong may karamdaman? At bakit Jacob ang tawag niya kay Zac?

"Hindi na kailangan Crystal. Hindi na rin ako aabot."

Nanghihinang sagot ni Zac. Parang hirap siyang sabihin ang bawat salitang iyon. Hindi ko na talaga naiintindihan ang mga nangyayari.

"Don't say that. Mabubuhay ka pa. Ipapakulong pa natin ang gumawa nito sayo."

"Wag kang umiyak. Nasasaktan ako kapag umiiyak ka."

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon