Chapter 11: Reconciliation, Sort Of

12 4 0
                                    

Belle's POV

Galit na naman sa akin ang Ginoo. Hindi ko naman talaga sinasadya ang lahat. Gusto ko lang namang humingi sa kaniya ng paumanhin para sa lahat ng suliraning naidulot ko sa kanya, ngunit sa trahedya na naman napunta ang lahat. Wala na akong dinulot na mabuti sa kaniya. Dama ko ang pagkayamot at galit niya sa akin. Kaya ito, hindi ko na naman mapigilan ang aking sarili na tumangis.

"Belle, Huwag ka na kasi ulit gagawa ng bagay nang hindi mo muna sinasabi sa akin." ani Lianne habang inaakay ako.

Kasalukuyan niya akong pinapatahan dito sa aming silid. Nakaupo kaming dalawa sa kaniyang higaan habang inaakay ako at tinatapik ang aking likuran.

"Pero gusto ko lamang na humingi ng tawad sa ginoo. Hindi ko talaga sinasadya ang mga nangyari."

" Okay, I get the point. Pero naiinis lang kasi talaga si Sir Zac sa yo. Alam mo naman siguro yun diba? Hintayin na lang muna natin siyang mag chill."

Pinahid ko ang mga tumutulo kong luha at binigyan siya ng nagtatakang tingin.

"I get the point? Sir Zac? Chill?"

Sunod-sunod kong tanong. Ayan na naman ang mga lenggwaheng bago sa aking pandinig. Masyado akong nahihirapan sa sitwasyon kong ito. Ang dami ko pang hindi alam sa panahon nila. Lalong lalo na yung lenggwahe.

"OMG. Ang dami mo pa talagang hindi alam. " usal ni Lianne at napakamot na lang sa noo nito.

"Yung I get the point, ibig sabihin nun naiintindihan. Yung chill naman, well, kumalma, uminahon. Parang ganun. At saka Sir Zac, Zac yung pangalan ng ginoong sinasabi mo." paliwanag naman niya.

"Zac? Kakaiba rin ang kanyang pangalan."

"Eh kasi naman nasa modern world na tayo. Natural iba yung mga pangalan dito kesa sa inyo."

Sagot niyang muli sa akin. Nakaramdam naman ako ng matinding kalungkutan.

"Ang dami ko pang hindi alam sa panahon niyo binibini."

"Kita ko nga eh. Pero, totoo bang hindi ka talaga galing dito? Totoo ba ang lahat ng ikinuwento mo sakin?"

Tanong ng binibining may pangalang Lianne habang maiging nakatingin sa aking mukha.

"Oo, binibini. Alam kong mahirap iyon paniwalaan. Ngunit totoo lahat ng tinuran ko sayo."

"Pero paano ba talaga nangyari yun?" nagtatakong tanong niya ulit.

"Itong kwintas. Tulad nga nang sinabi ko, handog sa akin ito ng babaylan. Ang sabi niya, kapag ipikit ko raw ang aking mga mata at baliktarin ang kwintas na orasang buhangin at lumakad papunta sa puno ay makakapunta raw ako sa ibang panahon."

"Ang weird, pero parang pang fairy tale yung story mo."

"Weird? Fairy tale? story?"

Hindi ko na naman mapigilan ang aking sarili na magtanong. Masyadong marami na naman kasi ang mga lenggwaheng ngayon ko lamang narinig at nakasalamuha.

" Ang dami mo pa talagang hindi alam girl."

"Oo nga binibini. Ngunit pwede mo ba akong turuan nang mga bagay dito sa mundo niyo? Mabilis naman akong matuto".

Pagmamakaawa ko siya habang nakakatitig sa kaniyang mga mata. Alam kong isang mabuting tao ang binibining ito.

"Sige ba. Pero wag mo na akong tawaging binibini. Nakaka oldies kasi eh. Lianne na lang"

" Maraming salamat Lianne" sagot ko naman sa kaniya kahit naninibago pa akong bigkasin ang kaniyang pangalan.

"Pero sure ka ba na gusto mo talagang matuto?" tanong niya ulit.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon