Chapter 17- Here Comes The Third Wheel

11 3 0
                                    

Zac's POV

Shocked.

If that's the thing that describes what I am feeling right now, it would be an understatement. Hindi ko alam kong paano, bakit at kailan nakarating si Steff dito. Kung paano niya nalaman na nandito ako ngayon. Pinadala kaya siya ni Mommy kaya siya nandito? At kung ganun nga yung dahilan, mas malaking problema yun. Ba't ba kasi ang dami lang ng sabit sa buhay ko? Pinanganak ba kaming kambal ng kamalasan? Kabanas na buhay naman to.

"So that's why bigla ka na lang nawala at hindi sumipot sa set? Because you are having an affair with that girl?"

Bulyaw niya sa akin putting a mocking emphasis on the word "that" habang nakaturo kung saan nakatayo si Belle. Kung maka-that naman to parang bagay lang si Belle ah. Tiningnan naman niya agad si Belle mula ulo hanggang paa.

Well , it will not be new if she will act rudely towards other people especially sa mga hindi niya kilala at ka-level. That is Steff. Steffanie Lim ang buo niyang pangalan. Ang ka love team ko slash orchestrated lover. She always portray the role of a helpless girl on TV but in true life she is the villain that could definitely make people feel helpless.

A spoiled girl with a really disturbing attitude. Galing kasi sa isang mayaman at makapangyarihang pamilya. Kaya akala niya nasa kaniya na ang lahat at wala na dapat mas nakahihigit sa kaniya. Ang taas ng pride ng babaeng to, talo pa nito ang Eiffel Tower at Empire State Building.

She is the perfect example of the expression " Looks can be deceiving". Maganda nga siya. Matangkad at maputi at maamo ang mukha. But that beauty is just superficial. Maganda siya, pero hindi sa loob. At sad to say, walang maitutulong yung sandamakmak niyang pera para iparetoke yung bulok niyang kalooban.

"Bakit ka nandito?" I shot back.

"Oh. That's how you treat you're girlfriend who came all the way here to fetch you?"

Sagot niya naman and she crossed her arms on her chest. Tinaasan niya naman ako ng kilay.

"Look Steff. I did not ask you to come over here so basically you have no right to whine there. And for a fact, you are NOT my girlfriend. You know it's all for publicity."

Sagot ko naman sa kaniya. Napanganga naman siya dahil dun. You may say that it's kinda rude to say that in front of a girl. But maybe you will agree with me if I say that she deserves it. Ang sarap niya kasing bangasan. Ang lakas maka-assuming.

"Do not be stupid Zac. At sino ang babaeng yan?"

Sagot niya na lang to compose herself at binaling ulit ang atensyon kay Belle. Nakatayo lang si Belle sa tabi ko na nagtataka ang mukha. Alam kong wala siyang naiintindihan sa nangyayari at sinasabi namin. Kaya siguro natahimik na lang siya. Which I would say is a wise decision dahil kapag nagsimula siyang magsalita at mahalata ni Steff na may kakaiba sa kanya, baka ano pa ang masabi nito sa kaniya.

"Wala kang pakialam kung sino man siya. Who brought you here?"

Depensa ko naman at muling hinawakan ang kamay ni Belle at hinila siya ng mas malapit. And as if on cue, biglang lumabas naman sila Lianne at Alex. Nakarating na pala sila. I gave them a puzzled look.

"Sir Zac." gulat na nasabi ni Lianne.

"Akala ko ba inaasikaso niyo ang burol ng mama niyo? Bakit kayo nandito?" tanong ko.

"Sir, minadali nalang po namin ang proseso. Yun rin naman yung gusto ng kamag anak namin. Kaya nakabalik kami kaagad." paliwanag ni Alex.

"So ibig sabihin..." sabi ko ngunit nagsalita agad si Lianne.

"S-Sir sorry. Kami yung nagdala sa kaniya dito. Nagpumilit siyang sumama.Wala na kaming nagawa. Sorry talaga." sagot ni Lianne.

Nakayuko siya at parang hindi mapakali. Guilty sya na dinala niya dito si Steff. Pero I can't blame them. Steff can be pretty much persuasive. And I know it would also involve some bunch of threats in the process. Pinaglihi kasi sa sama ng loob ang babaeng yun kaya ganun. Napabuntong hininga na lang ako.

"Dalhin mo nalang si Belle sa loob."

Sabi ko naman kay Lianne. Tumango nalang siya at dahan-dahan itong naglakad palapit sa amin.

"Belle, pumasok muna tayo sa loob."

Sabi ni Lianne at hinawakan ang kamay ni Belle. Tumango na lang si Belle at sumunod namang maglakad kay Lianne. Tinitingan ko lang silang maglakad papunta sa loob ng bahay. Bago sila tuluyang pumasok ay nilingon muna ako ni Belle at binigyan ng nag-aalalang tingin. Binigyan ko na lang siya ng tipid na ngiti at tuluyan nang pumasok sa loob ng bahay. Sumunod naman sa kanila si Alex.

"Belle? Saan galing ang babaeng yan? Kailan mo siya nakilala?"

Sunod-sunod namang tanong ni Steff looking scandalized. Hinarap ko naman siya.

"As what I've said wala kang pakialam. At bakit ka ba nandito?" tanong ko naman sa kaniya.

"Paanong wala akong pakialam?  Girlfriend mo ako." sabat naman niya sa akin.

"Get over it Steff. Wala tayo sa harap ng camera. There's no need to pretend."

"Zac, you know I am not pretending! Saan mo ba nakilala ang babaeng yun? Kayo na ba?"

Bulyaw niya at halata sa mukha niyang naiinis siya. Nagkasalubong na kasi ang mga kilay niya at nakakunot-noo. I just gave her a smirk.

"Stop acting like a possessive girlfriend. At kaibigan ko lang siya." sagot ko naman sa kaniya.

"Kaibigan? Pero nagho-holding hands kayo? Ganun na pala ang magkaibigan ngayon." sabi niya while scoffing.

"Could you please shut up Steff!" galit na sabi ko sa kaniya.

Ang hirap din naman nitong trip ni Steff eh. Nakakabanas. Pupunta-punta dito just to nag around? Crap. Sarap nilang itali ni Mommy. Para silang pinagbiyak na bunga.

Natigilan naman siya ng sandali sa sinabi ko. I looked at her face. She's in the verge of tears. Hindi ko alam kung totoo or acting lang. She's an actress to start with.

"Zac, please umuwi ka na. The press, they're being chaotic already. Ang dami-dami na nilang tanong. Hindi na namin alam yung isasagot at gagawin namin."

Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Nag-umpisa nang tumulo ang mga luha niya. She really do think na madadaan niya ako sa ganyan?

"Ikaw yung umuwi Steff. Gusto ko munang manahimik. Kaya please  wag mo na kaming guluhin."

Sabi ko sa kaniya sabay alis sa kinatatayuan namin. Bigla naman niyang hinawakan ang balikat ko kaya ako napatigil. Naramdaman ko naman na bigla niya akong niyakap sa likod.

"Zac, please. Huwag mo gawin to. Maawa ka naman sa mga taong nagamamahal sa 'yo. Nasasaktan na kami. Nasasaktan na ako. Nasasaktan na ang mommy mo."

Sabi niya habang nakayakap sa likod ko at patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha niya. Natahimik naman ako sa sinabi niya. Marami na ang nasasaktan because of my selfishness. Marami na ang nasasaktan dahil sa desisyon na pinili ko. Pero alam kong ito yung tamang gawin ngayon. Kahit na marami pang masaktan. Sometimes the right decision to make in life is the choice wherein a lot of people may suffer.

Dahan dahan naman siyang napabitaw sa pagkakayakap sa likod ko. Hinarap ko naman siya at nakita kong nagsisimula na siyang pahiran ang mga luha niya.

"Okay. I'll just give you time to think about that. Babalik na lang ako ulit bukas."

Sabi niya habang nakatingin sa akin. Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya. Dahan dahan naman siyang lumabas sa bahay. Nang makarating siya sa may gate, muli naman siyang lumingon. Nagtagpo naman ang aming mata. Nanatili ng ganoon ng ilang segundo hanggang sa umiwas siya at tuluyan nalang lumayo.

Tahimik lang akong nakatayo dito, iniisip ang lahat ng mga nasabi niya.

Kailangan ko na ba talagang bumalik?

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon