Chapter 23- Airplane

14 3 0
                                    

Zac's POV

It's been five days since that incident sa taping. Five days na nung nag- tantrums si Belle at pinagalitan kami ni Direk Leo. Buti nalang at hindi masyadong moody si Direk that time kung hindi lagot talaga kami. Nakakatakot pa naman yun pag sobrang nagalit. Si Belle naman kasi eh. But I can't blame her. Hindi naman siya nakakita ng taping dati kaya akala niya siguro totoo lahat ng nakita niya. Paano naman kasi si Lianne, hindi niya pinaliwanag ng mabuti. Ang sarap nga kutusin eh.

Pero back to the present time. Ngayon, nandito kami, boarding a plane going to Cebu. Maybe you're already wondering kung ano gagawin namin sa Cebu. Well, mag ma-mall tour lang naman kami doon. Kung baga promotion ng network na rin at pasalamat para sa mga tumangkilik doon ng show namin. Amg taas din kasi ng ratings namin dun at saka marami kaming fans dun.

Actually requested din kami ng governor doon para na rin offering din sa mga taga- Cebu. Kumbaga parang summer special na rin nila siguro. Di ko alam bakit may ganun pa sila. Dami lang nilang pauso eh no? So ayun, the management decided to take a trip there. Wala eh. No choice ako. In demand ang kagwapuhan ko eh. Biro lang.

At saka okay na rin yun kasi all-expense-paid din naman kaya sulit. Ganyan talaga pag artista ka. Daming libre.

Nakaakyat na kami ngayon dito sa eroplano. Kasabay ko namang naglalakad si Belle. Nasa harapan naman namin sila Alex at Lianne. Private plane to actually. Courtesy ng isang aviation company na may partnership sa home network ko. Kitams. Diba pati eroplano libre na rin? Ganyan kasi talaga mag-alaga ang network ko sa mga talent nila.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Nauna namang naupo sila Lianne at Alex dun sa bandang harapan ng eroplano. Magkatabi silang umupo. May pa selfie-selfie pang nalalaman itong si Lianne.

"Zac, you can sit here." aya naman ni Steff sakin nung mapadaan kami sa upuan niya.

Nauna namang maglakad si Belle at umupo na rin dun sa bakanteng mga upuan 2 rows mula dito sa pwesto ni Steff. Hindi man lang ako hinintay. Hindi niya lang siguro napansin na napatigil ako sa paglalakad.

"C'mon Zac. Baka may mga press na in-invite ang Mommy mo to go with us. We need to be together."

Pamimilit niya ulit. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Maaring tama nga siya. Minsan napaka-unpredictable rin mag-isip ni Mommy. Lalong-lalo na pag inaabot ng toyo sa utak. Which unfortunately eh halos araw-araw nangyayari yun. Pero napaisip rin ako. Kung uupo ako dito sa tabi ni Steff, sino yung makakasama ni Belle? First time pa naman nun sasakay sa eroplano. For sure maninibago at matatakot yun. May sa kalahating baliw pa din naman ang babaeng yun.

"Ahm, doon na lang ako sa unahan uupo." sabi ko kay Steff at akmang maglalakad papunta dun kay Belle pero hinawakan niya ang kamay ko. Ano namang problema nito?

"Zac. Wala akong katabi. Matatakot ako." sabi naman ni Steff.

Parang gusto kong matawa sa narinig ko. Natatakot? Eh parang wala naman ata sa bokabularyo nito ang matakot? Imbento lang niya to siguro para naman makumbinse akong tabihan siya. Hay nako.Para-paraan din ang babaeng to. Ang hirap lang kasing maging gwapo minsan eh.

"Yan naman si Margo oh. Yung P.A mo. Patabi ka sa kaniya." sagot ko naman at tinuro ko ang babaeng P.A niya na nakaupo sa likod.

"But..."

"Sige punta na ako dun." putol ko nalang sa sinabi ni Steff at dali-daling pumunta doon sa bakanteng upuan na katabi nung kay Belle. Baka ano namang sabihin at gawin nun para lang mapilit akong samahan siya. Wag na. Kaya umalis na ako kaagad.

Nginitian na lang ako ni Belle nang umupo ako. nginitian ko nalang din siya. Ini-lock ko na din ang seatbelt ko dahil malapit na rin mag take off ang plane. Nilingon ko naman si Belle sa katabing upuan. Nakita ko namang hindi pa nakakabit ang seatbelt ni Belle.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon