Chapter 33- Changes

19 2 0
                                    

Author's Note:

Welcome to the Season 2 of In Time. Enjoy. :-)

***************

After two years...


"Hoy Belle. Coffee break muna tayo!" yaya sa akin ni Cleo habang nagpupunas ng pawis gamit ang bimpo niya.

"Sige. Buti pa nga." sabat ko nalang at inayos rin ang sarili ko.

Nilagay ko na ang lahat na gamit at sabon na ginamit namin sa paglilinis nitong C.R ng hotel sa isang balde at binitbit ito palabas. Naglakad na kaming magkasabay ni Cleo sa hallway. Hawak-hawak naman niya ang kamay ko.

Kasamahan ko si Cleo dito sa hotel na pinapasukan ko. Janitress din siya. May katabaan si Cleo, malalaki ang braso at binti niya. Medyo maputi rin at palagi siyang nakangiti. Mas mataas siya akin ng mga isang inch. Pero kahit mataba siya ay maganda rin naman siya.

Agad naman naming iniwan dun sa bodega yung mga gamit na panlinis at inayos ang mga sarili namin. Pagkatapos nun ay agad kaming tumungo dun sa maliit na cafeteria ng hotel na para sa mga manggagawa para magkape at mag-meryenda na rin.

Naninibago na ba kayo kung bakit ganito na ako magsalita? Di ko kayo masisisi. Ganun talaga eh. Sabihin nalang natin na sa haba ng panahon na dumaan na nandito ako, marami na akong natutunan. Marami na ang nagbago. Wala naman kasing constant sa mundong to maliban sa pagbabago. O diba nagko- quotation na ako? Iba talaga nagagawa ng lumilipas na panahon.

Hindi ko naman gustong hayaan na lang na ganun ako, na parang wala akong kamuwang-muwang sa lahat ng bagay, kasi nga nasa ibang panahon na ako.

Ayoko na ring mapag-iwanan. Kaya ginawa ko ang lahat para matuto, para malaman ang lahat ng bagay. At nagpapasalamat naman ako kay Lianne dahil tinulungan niya akong gawin yun. Kahit na sa loob lang ng dalawang taon, malaki at marami na ang nabago sa akin. Mabilis lang naman akong matuto. At mabuti nga dahil ganun. Ayoko na rin kasing maging tanga. Minsan na rin kasi akong nagpakatanga at ayoko nang maulit yun. Ayoko nang maging tanga dahil sa kanya.

"Uy ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala diyan."

Mahinang pagsiko sa akin na Cleo habang binibitbit ang kape naming dalawa at naghahanap ng bakanteng upuan. Tsakto naman na may umalis na mga tao dun sa malapit na mesa kaya dun na kami pumwesto. Agad naman kaming umupo.

"Wala lang, may bigla lang kasi akong naisip eh." sagot ko nalang at binigyan siya ng tipid na ngiti.

Ininom ko nalang ang kapeng binili namin habang mainit pa. Mabuti nato para makalma ang pakiramdam ko at maiwasang mag-isip ng mga walang kwentang bagay.

"May tanong lang ako sa yo Belle." biglang sabi naman ni Cleo habang sinesentensyahan yung nabili naming tinapay.

"Ano yun?" tanong ko at nilingon ko siya.

"Matagal ko na tong gustong itanong eh. Kaso nahihiya lang ako. Bakit ba pagiging janitress ang napili mong trabaho?" nagtatakang tanong niya.

Napangiti nalang ako sa kaniyang naitanong.

"Ito lang naman kasi ang trabahong tatanggap sa katulad ko eh. Wala naman kasi akong tinapos sa pag-aaral." paliwanag ko nalang sa kaniya.

"Pero kahit na. Sa ganda mong yan? Sigurado akong madaming kukuha sayo. Pwede ka rin namang magmodel." suhestyon niya habang may laman pa yung bibig.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon