Chapter 13- The Princess and I

12 3 0
                                    

6:00 A.M.

It's about an hour nang maka alis na sila Alex at Lianne dito sa ancestral house. At nandito ako ngayon, nakaupo sa sofa , pinapatay ang oras. For some reasons, I can't get back to sleep. Siguro dahil na rin sa kape. Yeah, sometimes it's very annoying when you experience the effect of caffeine. Parang gusto ka niyang gawing zombie dahil buhay na buhay pa ang utak mo kahit tulog na tulog na yung katawan mo.

"Ano na ang gagawin ko ngayon?"

Tanong ko sa sarili ko. Hard to admit, I pretty much lied earlier about saying that I can handle myself. Pero ayoko namang bigyan pa sila ng problema just because of my plain ignorance. But man, give me a break. All my life, sa field lang ng showbiz ako inilagay ng Mommy ko, hindi sa pagluluto and other stuffs about home care and stupid household chores. At hindi naman yun tinuturo sa school ko dati.

Dahil wala akong maisip na matinong gawin, I headed to the kitchen. I'm starving. I started rummaging the refrigerator. Walang pagkain na nakaluto na, yung tipong iinitin na lang. Lahat hilaw pa. Buhay nga naman oh. Raw chicken, raw pork, dozens of egg and other frozen stuffs. Paano ako kakain nito?

Edi magluto ka!

My subconscious said. Fine, I admit I'm already acting stupid.

I decided to grab 3 eggs and some hotdog and bacon. Nakita ko minsan na nagluto si Lianne nito. Prito lang naman to diba? Siguro naman alam ko naman kung paano gawin to. I started to prepare this stuffs.

Sinalang ko ang frying pan sa may stove.

" Okay Zac, prito lang yan. Easy as one two three." I murmured to myself.

Nilagyan ko ng mantika yung frying pan.

"Okay, here it goes." I uttered again and broke the egg and deposited the content of it to the pan. Nang nasamid na yung laman ng itlog and I was about to use the laddle, biglang tumalsik yung mantika sa kamay ko.

"Darn." I cussed. Ang sakit nun ha. I made a silent promise to myself never to do this again.

After some moments of frying, pain from the stupid oil and occasional cussing, nakalapag na sa tapat ko ang finished product.

A stupid pile of black stuffs. Yeah, what would you expect? Kundi sunog lahat ng niluto ko. Even staring at it makes my appetite go upside down.

"Okay, so paano na to?" I asked myself again. Namumuro na ako sa pakikipag usap sa sarili ko ah. Baka hindi magtagal matuluyan na ako nito. Bumili na lang kaya ako sa labas? Better.

When I was about to stand up and head out to buy some foods someone flashed in front of my eyes that made my jaw drop.

Sino pa nga bang ibang tao dito sa may bahay? Edi si Belle. Ang "mahiwagang" si Belle.

Minsan hindi ko rin maintindihan kung bakit ito yung reaksyon ko sa tuwing nakikita ko siyang......normal.

Yung tipong regular lang siyang tao, yung parang walang ka weirduhan na nakapaligid sa kanya, walang hindi kapani-paniwala na kwentong pinanggalingan at pinagsasabi niya. Yung tipong hindi out of this world. Or should I say, out of this time?

She is wearing that sleeveless black tank top and shorts, common clothes ni Lianne, pero sa tuwing nakikita ko siyang ganyan, it's not inevitable not to be awed. Mas lalong lumulutang yung ganda niya kahit ganun lang yung damit. Mas makikita mo yung puti at kinis ng katawan. Yung almost perfect niyang katawan, yung tipong nakakabuhay ng dugo.

Binatukan ko ng malakas sa isip ang sarili ko. Bakit ba ako nag-iisip ng ganito? Bakit parang lumalabas na pinag nanasaan ko ang babaeng to? Here I am again. But man, can you blame me? Oo may pagkabaliw nga tong babaeng to ,pero I could not deny the fact na maganda talaga siya. Na mala-prinsesa naman talaga siya. Na diyosa siya ng kagandahan at kaseksihan. Na talo pa niya kahit pagsama-samahin lahat ng beauty queen sa mundo.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon