Chapter 26- The Thing About Love

36 3 0
                                    

Steff's POV



Hindi! Hindi totoo tong nakikita ko! This is ridiculous! This is so absurd and stupid! SO G-R-R-R-R!


Halos ikutin ko na ang buong resort at pangkuyugin ng tanong lahat ng staff kanina para lang hanapin si Zac tapos ito, ITO LANG ANG MAKIKITA KO? Ang naghahalikan sila sa may dagat ng malandi at walang class na babaeng weirdo na daig pa katalinuhan ni Einstein dahil feeling nakapag- time travel?


Ang mga walang hiya!! The nerve! How dare them!? How dare them to do this to me?


Magkaibigan lang pala ha? Ito b Yung tipong kaibigan lang? I knew it. I knew it from the start. Unang kita ko palang sa kaniya alam kong may tinatagong landi rin ang ahas na Belle na yun. Ang kapal ng mukha! Ang sarap lasunin ng milk tea para agad-agarang mawala na dito sa mundo!


Pero hindi ako papayag na magmukha akong katawa-tawa at talunan dito. Ako? Talunan? Asa sila. I'm not a loser like them.


I took my phone and captured a photo of them kissing. Sa mga ganitong pagkakataon dapat pairalin muna ang katalinuhan bago ang katangahan. After doing that, I smirked. Ngayon tingnan lang natin Zachary Xamuel Lopez. Tignan lang talaga natin kung sinong lalabas na nakatawa at masaya dito. Mali talaga kayo ng taong pinili para kalabanin. Hindi ako magpapatalo ng basta-basta. I'll put up a good fight. No, I'll put up a bloody and dirty fight. Tingnan lang natin kung sino ang magiging panalo sa atin sa huli. It's time for the real game. Humanda kayo.


Naglakad na lang ako palayo sa kanila at bumalik doon sa hotel room ko. I flipped my hair. Anong akala nila? Ako lang ang may karapatang sumaya at magmaganda dito. Hindi sila. Especially not that filthy Belle. They will surely not like what I will do to them next. Tingnan lang natin kung sino dito ang magmumukhang kontrabida at masama. Napangisi naman ako sa sinabi ko. Ang talino ko lang talaga.


"Margo!" sigaw ko nang mabuksan ko ang pinto. Halos ibalibag ko na yun sa sobrang lakas.


Nagmadali namang tumakbo sa akin ang tatanga-tanga kong P.A pagkatapos ko siyang tawagin. At aba dapat lang kung ayaw niyang lumabas na duguan sa hotel na to.


"Ano po yun maam? May ipapagawa po ba kayo?" nakayukong tanong niya.


"Yes. I want you to upload this." sabi ko sa kaniya at inabot ang phone ko.

Kinuha naman niya ito with nanginginig na kamay pa at bigla siyang napanganga ng makita ang picture.


"Si-si Z-zac to diba?" nauutal niyang sabi at napatakip pa ng bunganga. O.A lang kung maka react? Bwisit lang eh no?


"Sino pa nga ba? Nagtanong ka pa eh obvious naman? Di uso maging tanga." malditang sagot ko naman sa kaniya. Nakakabobo kasing kausap ang babaeng tao.


"S-sorry maam. Nagulat lang ako." paghingin naman niya ng patawad sakin.


"And now. I want you to upload that picture in all forms of social media sites." utos ko naman sa kaniya and crossed my arms at tinaasan siya ng kilay.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon