Chapter 40- When The Prince meets his Princess Again

21 1 0
                                    

Zac's POV

Nakakatatlumpung miss call na si Steff sakin pero hindi ko pa rin pinapansin yun. She might be at the verge of anger right now, but it's not part of my concerns as of the moment.

Tinapon ko nalang ang cellphone ko sa gilid ng kama ko at muling humiga. Pinilit kong ipikit yung mga mata ko. Parang gusto ko lang manatili dito, matulog ulit, at magkulong na lang sa kwarto ko. Parang ayaw ko nang lumabas at magpakita sa mundo, sa lahat ng tao.

Kanina pa akong umaga dito na nakahiga lang. Ngayon eh halos magdidilim na ay hindi pa din ako lumalabas. Ni hindi ko pa naisipang kumain. Kanina pa nga ako kinakatok ni Alex pero sinabihan ko siyang wag akong istorbohin. Buti nalang at naiintindihan niya na gusto kong mapag-isa.

I just want to be alone. I just want to find solace in the four corners of my room. I just want to isolate myself from the rest of the world. Gusto ko lang mapag-isa. Makapag-isip.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko kahapon sa mall. Sana nga talaga hindi nalang ako sumama sa pagpunta sa bwisit na lugar na yun. Sana hindi ako nagkakaganito ngayon. Nasasaktan sa posibilidad na baka nagpapakalagayan na ng loob ang Andrew na yun at si Belle. Na baka nga sila na. Na baka masaya na sila sa isa't isa. Nasasaktan dahil dun sa narinig ko na galit siya sakin, na ayaw na niya akong makita. Na sinaktan ko siya. Parang gusto kong sumigaw. Parang gusto kong manuntok. Parang gusto kong magwala.

Ang sakit lang pala sa pakiramdam. Lalong lalo na pag narinig mo pala yung katotohanan. Yung katotohanang wala na. Truth hurts. Sabi nga nila. And I can say that they are all correct about that statement. Nakakagago pala talaga sa sakit.

Pero ang mas masakit lang sa lahat ng yun ay yung fact na wala akong magawa. Wala akong magawa para ipaliwanag sa kaniya ang lahat. Wala akong magawa para ipaglaban siya. Wala akong magawa para maging okay na kami ulit. Siguro nga tama nga sila, duwag ako. Duwag ako kasi mas pinili kong takasan at iwasan ang mga bagay na mangyayari imbes na harapin ko to. Kasalanan ko tong lahat.

Pero ginawa ko lang naman ang tamang gawin. O baka naman ginawa ko lang ang akala kong tamang gawin? Pero gusto ko lang naman siyang protektahan. Ayokong saktan siya ng ibang tao.

Ang hirap naman kasi ng ganito. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo, samin pa nangyari to? Hindi ba sapat na dahilan yung mahal namin ang isa't isa para pagbigyan kami ng tadhana na maging masaya? Bakit ba ang dami lang ng sagabal sa amin ni Belle? Bakit ba ang dami lang tumututol?

Ang daya naman kasi. Bakit ba kailangan pa pagtagpuin yung landas namin, tapos nung minahal na namin ang isa't isa bigla na lang kami paglalayuin? Bigla na lang kami bubuhusan ng pagkadami-daming problema. Hindi ba kami pwedeng sumaya? Yung sayang pangmatagal na hindi lang isang kisap-mata ay mawawala na lang kaagad. Hindi ko alam kung bakit ganun pa yung dapat mangyari. Hindi ko alam kung anong trip ng mundo bakit kami ginaganito.

Parang gusto ko nang mabaliw dahil sa kaiisip. Nasasaktan lang ang puso ko sa tuwing sumasagi sa isip ko na may ibang tao ng nagpapasaya sa kaniya. Nakakagago isipin na dapat ako yun eh. Ako yung taong nandyan kapag kailangan niya ng kausap. Ako dapat yung tao sa likod ng mga ngiti at tawa niya. Ako dapat yung palagi niyang kasama. Ako pa din dapat yung nagmamahal sa kaniya at mahal niya.

Itinakip ko nalang yung mga palad ko sa mukha ko and stifled a groan. Mababaliw ako sa kakaisip ng ganito. Baka mamaya ipatapon nako sa mental sa sobrang ka- emohan. Nakakainis naman kasi to.

Dapat kasi may gawin ako. Bakit ko ba naisipan kong magmukmok na lang dito? Para namang may maitutulong to eh.

Gusto kong makita si Belle. Kahit na sa malayo lang. Gusto ko lang ulit masilayan yung maamong mukha niya. Yung mga ngiti niya na nagpapadeliryo sa puso ko. Gusto kong marinig yung boses niya, yung tawa niya. Kaya dapat gumawa ako ng paraan. Dapat may gawin akong paraan.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon