Chapter 25- Kiss on Sunset

21 3 0
                                    

Zac's POV


"Ayos ka lang ba Belle?"


Tanong ko kay Belle habang naglalakad kami sa may buhanginan. Kanina pa kasi to lutang at walang imik. Masyadaong nakakapanibago. Kadalasan kasi siya tong maingay at matanong. Pero parang bigla nalang umikot yung mundo ng 360 degrees.


"A-ayos lang ako ginoo." sagot naman niya at binigyan lang ako ng tipid na ngiti.


Nauutal pa siya sa pagkasabi niya nun, at halatang wala talaga sa sarili. Nandito naman kami ngayon sa isang sikat na resort sa Cebu. Pagkatapos kasi ng mall show kanina, nagdecide nalang kami na pumunta dito. Magpa-chill lang kung baga. Hindi lang naman kasi puro trabaho yung pinunta namin dito eh. Dapat magkaroon rin kami ng time para sa ganitong mga bagay kahit isang araw lang. Kaya ito kami ngayon, nagpapakasasa. Siguro naman deserve din naman ang mga ganitong trip sa buhay.


Magkasama kami ngayon ni Belle na naglalakad dito sa gilid ng beach. Hindi rin naman kasi masyadong tirik yung araw kasi mga 5: 30 na rin yun ng hapon kaya ayos lang na magpalakad-lakad kami dito. Walang masyadong fear na baka magka sunburn. Nakaputing sando lamang ako at naka-board shorts. Si Belle naman naka-itim na one piece swimsuit na pinatungan ng maikling shorts. Ang sexy nga niya eh. Litaw na litaw yung kinis at puti ng katawan niya. Halos lahat nga ng mga barako dito sa beach napapalingon sa kaniya. Included na ako dun. 'Di, biro lang. Pero hindi ko siya mina-manyak ha.


Baka nagtataka na kayo bakit kaming dalawa lang yung magkasama dito. Bago pa man kayo mag-isip ng masama, hindi ito date, okay? Minsan kasi ang hilig niyo mag-assume.


Si Lianne kasi andoon sa malayong parte ng resort, busy sa pagala-gala at pa- selfie selfie. At hindi lang yun ha, akalain mo pang nakiki- selfie pa sya sa bawat foreigner na dumaan at makita niya. Ang lakas lang minsan lumandi nitong si Lianne. Hindi ko nga minsan, hindi pala, PALAGI ma gets yung mga trip niya sa buhay. Nakakaloko kasi.


Si Alex naman, ayun may inaayos na namang paper works. Hindi ko alam kung para saan yun kasi naman utos na yun ni Mommy. Wala na akong kaalam-alam dun. Sayang nga eh at hindi niya ma-enjoy tong bakasyon na to. Ang K.J lang naman kasi ni Mommy. Pati si Alex pinagdidiskitahan.


Kaya ayun ang dahilan kung bakit kami lang yung magkasamang dalawa. Ewan ko ba ba't trip nila kaming iwan magkasama eh. Iba kasi takbo ng mga utak nila. Pero ayos na rin to, napapagtyagaan. And besides, ayoko ring makasama si Steff. Ang tindi rin naman kasi maka-PDA yung isang yun. Nakakairita na parang ewan. Hindi ako masyadong mag-eenjoy pag siya ang kasama ko. Para akong may kasamang tuko na binuhusan ng kolorete.


Pero parang hindi rin naman ako nag-eenjoy ngayon. Ito namang kasing si Belle kanina pa hindi makatingin ng tuwid sa mata ko. Hindi pa masyadong nagsasalita. Nagmumukha na kaming ewan dito. Salita ako ng salita, tango, oo at hindi lang yung sagot niya. Bakit kaya? May problema ba to?


"Sigurado ka bang okay ka lang?" tanong ko ulit.


"Ayos lang talaga ako ginoo. Huwag mo nalang akong intindihin." sagot niya nalang sakin at pinilit uli ngumiti.


In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon